**********************************DEADLY SIN************************************(Shann's POV)Nandito pala ako sa tapat ng pinto na condo ng Boy Best Friend ko, si Caleb Dominguez. Isang gwapo, moreno at macho. Nandiyan na din ang katangian na matalino. Mas matalino pa yan kay Dylan Gabio, isa ko pang Boy Best Friend. Kung si Caleb ay moreno, siya naman ay maputi. At ako naman ang kaibigan nila, Shann Harles. Nakilala ko pala sila noong 2nd year High School pa ako. Bagong lipat lang ako noon pero silang dalawa agad ang nakikipag kaibigan sa akin. Sa totoo lang nawi-weirduhan ako sa kanila noon. Ehh kasi naman paano nagkaibigan ang di magkapareho ng ugali? Sinong di mapapatanong?"Pasok ka" sabi agad ni Caleb kaya't di na ako nag- aksaya ng panahon at pumasok sa loob. Umupo ako sa couch at ramdam ko naman na sumunod siya. Nakangiti siyang umupo sa tabi ko."Oh, bakit ka nakangiti diyan?" Tanong ko."Wala lang. Masama bang ngumiti dahil nandito ka?" Pilosopong sagot niya habang nakat
Huling Na-update : 2023-07-22 Magbasa pa