“Let’s go.”Malamig pa rin ang pakikitungo ni Hunter sa kanya katulad ng nagdaang araw. Kahit ang tignan siya’y hindi na nito ginagawa. Yes, he was the one who cooked their breakfast… pero hindi naman sila nagsabay kumain. Nauna ito at nagsabi sa kanya na aayusin nito ang gamit nila habang kumakain siya at i-che-check pa nito ang sasakyan nila para walang maging aberya sa biyahe nila pabalik.Huminga ng malalim si Zyline bago sumakay sa sasakyan ni Hunter. Ni hindi siya pinagbuksan ni Hunter ng pinto. Nauna itong pumasok sa kanya. Ibang-iba si Hunter na kasama niyang nagpunta doon kaysa sa Hunter na kasama niyang aalis ngayon.“Are you sure it’s safe to travel? Baka madulas pa ang daan at—““Makakauwi ka ng ligtas, huwag kang mag-alala…” putol nito sa sinasabi niya. Napayuko na lang si Zyline dahil sa pagkapahiya.Ginusto niya ‘yon, e. Ginusto niya na magmatigas. Ngayon, kailangan niyang harapin ang resulta ng mga kilos niya. Kailangan niyang tanggapin ang kalamigan na ipinapakita sa
Read more