Bumaba na siya sa dining room makalipas ang ilang minuto nang makaalis si Mika. She felt bad. Nagi-guilty siya, e. Alam niyang may mali sila sa nangyayari. None of them wanted this mess. Wala namang may gustong magkagulo silang lahat, e. Pero nangyari na, kaya hangga’t maaari, inaayos nila ang problema nila. Dapat naman talaga, noong una pa lang, sinabi na niya kay Mika. Or pinaalam man lang nila dito ang nangyayari sa kanila ng kapatid nito. ‘Yung relasyon niya at ni Hunter. She was part of the family. Kaya kahit anong mangyari, may karapatan si Mika na malaman ang tungkol sa pamangkin nito.Naabutan niya si Mika at Hunter na nag-uusap sa may living room. Natigilan siya sa paghakbang. “What’s wrong with that?” tanong ni Hunter sa kapatid. “Ano ba ang kinagagalit mo?” “Kuya, what’s wrong? You’re seriously asking me what is wrong? Many people lied to me, already. Ilang beses pa bang may maglilihim sa akin at magsisinungaling para lang maintindihan ko ang reasons niyong lahat? Para l
Magbasa pa