Alex's POVMaagang nambulabog si Coach Sarah sa mga kwarto. Kahit labag sa loob ko ay bumangon na rin ako.Dumiretso na rin ako sa C.R at naligo. Hindi ko alam kong gaano ako katagal nakatayo sa harap ng shower. Lutang talaga ako sa antok."Alex! Dalian mo naman. Natulog ka na ata dyan." Natauhan ako sa sigaw ni Stan."Pwede maghintay?" Inis na sigaw ko."Tsk!" Kasunod nun ay ang malakas na pagkalabog ng pinto.Pagkatapos kong mag ayos ay agad akong bumaba para kumain. Nandoon na sina James, Stan, at Jc. At dahil pinagigitnaan nila si Stan, hindi na ako tumabi sa kanya. Umupo ako sa bakanteng upuan katabi ni James.Tahimik lang kaming kumain. Hangggang dumating na ang iba pa naming kasama. Lahat kami tahimik. May mga hang-over pa.Dahil nauna na naman kaming kumain, kami rin ang naunang matapos."Alex, Stan, Jc, at James. Swimming tayo mamaya." Sigaw ni Coach Gerald."Yes Coach."Dahil sa narinig kong 'yun, bigla akong nagka buhay.Pagdating ko sa kwarto agad kong hinanap 'yung swimsu
Huling Na-update : 2023-07-12 Magbasa pa