All Chapters of SLEEPING ADONIS : Chapter 31 - Chapter 40

69 Chapters

Chapter 31 - friends

LAMPAS alas-dose na ng tanghali sila dumating sa Sta. Magdalena. Nagtanghalian sila pero hindi sa mamahaling restaurant kundi sa isang ordinaryong food junction lamang. Nakapagtatakang biglang dumami ang customers ng kainan nang pumasok sila. Duda siya kung pagkain ang ipinunta roon ng mga iyon ng iba at hindi ang mga kasama niyang mga Adonis. Nakakapagod maging escort ng mga pogi."Where are we going next?" tanong ni Athrun matapos silang kumain."Sa simbahan," sabi niya."Isn't it too early to get married?" biro ng binata.Tawanan sina Jrex at Airey. Kinurot niya ng pinong-pino sa tagiliran nito. Malapit lang ang simbahan mula sa food junction na pinasukan nila kaya naglakad na lamang sila."Ang gugwapo!""Mga artista ba sila?""Siguro."Napangiti siya sa mga naririnig na komento mula sa mga on-lookers na nadadaanan nila."Dito kami unang nagkakilala ni Ray. May Santacrusan noon at nanood kami ng nanay ko. Muntik akong mahagip ng taxi, mabuti na lang at dumating si Ray. Niligtas niy
Read more

Chapter 32 - mechanic

LUMABAS ng bahay si Safhire para hanapin si Athrun. Nawala kanina ang binata pagkatapos ng hapunan at mag-aalas- diyes na ng gabi ay hindi pa rin ito bumabalik. Tinungo niya ang talyer. Naroon lang pala ito kasama sina Jrex at Airey. Natanaw niyang kinakausap nito ang isa sa mga nag-overtime na mekaniko ng talyer na kasalukuyang may kinukumpuning owner-type jeep. Lumapit siya."Ten o' clock na. Kailangan mo ng matulog. Sabi ni Mang Danny maaga kayong magsisimula bukas sa trabaho dahil maraming aayusin," sabi niya.Tumingin sa kanya si Athrun. "Nagkwento si Manong tungkol kay Ray."Tumango lang siya. Kaya pala buhos na buhos ito sa pakikinig. "Bukas na lang ninyo ituloy. Gabi na kasi. Matutulog ka na.""I'm not sleepy yet.""Inaabala mo si Mang Cardo sa ginagawa niya.""Ayos lang ako rito, Saf. Sinabi ko lang naman sa kanya kung anong mga ginagawa ni Ray noong nagtatrabaho dito," sabat ng mekaniko."Marami siyang ginagawa.""Sabi ko nga sa kanya, all-rounder iyon." Salo ni Mang Cardo.
Read more

Chapter 33 - Shanra

KINAGABIHAN, pagkatapos ng hapunan at saglit na kwentuhan ay nagpaalam na si Athrun na magpapahinga ng maaga. Sinundan ni Safhire ang binata sa silid nito. "Gusto mo ng masahe?" "Libre?" biro nitong binuksan ang pinto ng guest room. "Babayaran mo ako roon sa kikitain mo sa shop." He chuckled. "Okay, let's try your prowess. Come in." Itinabi nito ang sarili. Pumasok siyang nakangiti. Dinig niya ang pagsara ng pinto sa likod niya. Naghubad ng t-shirt si Athrun at ibinuwal ang mabigat na katawan sa kama. Naligo na ito kanina bago ang hapunan. Hindi nito kinaya ang pangangati dahil sa grasa. Nag-umpisa siyang masahiin ang likod nito. "That feels great," ungol ng binata at bumalikwas. Kinabig siya pataob sa ibabaw nito. "But I want something sweet." "Abuso ka na. Masahe lang ang ibibigay ko sa iyo," ungot niyang napapabuntong-hininga. Ang puso niya, sasabog na sa kaba. "Let me go." Pero hindi ito nakinig at sa halip ay gumulong. Napunta siya sa ilalim. He was about to kiss her when
Read more

Chapter 34 - model

SAGLIT na nawala sa sarili si Bianca Castillo matapos marinig ang deklarasyon ni Athrun. Sino nga naman ang hindi magulantang? Chairman ng isang malaking business empire ng bansa ay nag-volunteer na maging endorser ng ordinaryo at hindi pa gaanong nakikilalang clothing line? Wala sigurong salitang pwedeng maglarawan sa nararamdaman ng may-ari kaya kahit nang nagpaalam na sila ay nanatili itong tameme at hindi makapagsalita. Maluwang na ngiti at tango lamang ang tanging naitugon nito bagamat hinatid sila hanggang sa labas ng shop at kung ilang ulit na kinamayan si Athrun."Kailangan mo ba talagang gawin ito?" tanong niya sa binata. Pabalik na sila ng condo sakay ng taxi."Ang alin?" Tumingin sa kanya si Athrun."Endorsement?""Iniisip mo na naman bang hindi ko kaya?""Hindi ganoon. Kapag nalaman ng media ang tungkol sa gagawin mo, tingin mo ba hindi nila gagambalain pati na ang Andromida Conglomerate?""Don't make it your concern."" Pero, Athrun...""Hindi illegal ang gagawin ko, Saf.
Read more

Chapter 35 - separation

SHANRA REALTY. Ang real real estate company kungsaan consultant si Ray ang sunod na pinagdalhan ni Safhire kay Athrun. Mula sa parking area ay matatanaw ang high-rise building at ang aroganteng tower kungsaan nakaukit ang mga gintong litra na SHANRA REALTY."Shanra? Sounds familiar to me," wika ni Athrun habang nakapako ang asul na mga mata sa tower. "One of the biggest real estate companies in the country I suppose. Still, there's something." Hinugot ng binata ang cellphone at may tinawagan. Ang secretary general ng Andromida Conglomerate. "Athrun here, I'd like you to check the latest accredited companies for the unification, the real estate especially," utos nito.Napasulyap si Safhire kina Jrex at Airey. Nagtatanong ang mga mata ng dalaga pero parehong nagkibit-balikat lamang ang dalawa. Wala ring ideya ang mga ito."Are you sure about that?" tanong ni Athrun sa kausap. "No, nothing. That's just a clarification. Thanks, see you soon." Ibinaba nito ang cellphone."May problema?" ta
Read more

Chapter 36 - start-over

"HINDI KA sasama pabalik ng Nephilims?" gulat na tanong ni Jrex.Tumango si Safhire na sinikap ikubli ang kalungkutan sa pamamagitan ng tipid na ngiti."But the chairman needs you. Maaring hindi lamang niya kayang sabihin sa iyo pero kailangan ka niya, Safhire.""Kayo ang kailangan niya, hindi ako. Mas mabuti na rin ang ganito para lagi kong nadadalaw si Ray at maalagaan ko ang-""Hindi kailangan ng mga patay ng mag-aalaga," agaw ni Jrex. "Mahal ka ni Athrun. Kailangan ka niya.""Please, tama na. Ayaw ko nang masaktan pa. Hindi mo ba nakikita? Itinataboy niya ako. Ayaw na niya akong makasama.""Masama lang ang loob niya. Pero lilipas din iyon. Dapat nauunawaan mo siya. Hindi madali ang pinagdadaanan niya ngayon.""Siya lang ba? Paano ako?" Natigmak muli ng luha ang mga mata niya. "Pareho lang kaming nawalan. Pareho kaming pinagkaitan ng katotohanan. Ang masakit, minahal ko na siya bago ko pa nalaman na nasa kanya ang puso ni Ray at wala akong maisip na paraan para patunayan iyon sa ka
Read more

Chapter 37 - proposal

MANILAINAABALA ni Safhire ang sarili sa pag-aasikaso ng kanyang mga credentials matapos dumating via package ang kanyang mga gamit na naiwan sa Chrysanthemum mansion. Inisip niyang mag-apply sa pinakamalapit na hospital. Narinig niyang nangangailangan raw ng karagdagang nurses dahil marami ang nag-resign para magtrabaho sa ibang bansa. Kapag nakapasok siya roon, magiging busy na siya at baka makakalimutan na niya kahit papaano si Athrun. Mag-uumpisa siya sa kanyang buhay na hindi kasali ang sinuman sa magkapatid na Andromida. Ituturing niyang isang magandang panaginip lamang na nakilala niya ang mga ito sa magkakaibang panahon.Nahinto sa pagsasalansan ng mga dokumento ang dalaga nang tumunog ang door chime ng condo unit. May inaasahan ba siyang bisita? Baka si Nayumi. Tumawag ito noong isang gabi at sinabing pupuntahan siya. Baka ito nga. Sabado ngayon at walang klase.Nagmamadaling tinungo niya ang pinto at binuksan. Ngunit gayun na lamang ang pagkagulat nang masumpungan sa labas s
Read more

Chapter 38 - gone

ALAS-DIYES na ng gabi pero ayaw dalawin nang antok si Safhire. Nawili siya sa panonood sa late broadcast ng concert ni Jenni May Amores sa Araneta Coliseum. Hindi pa nag-uumpisa ang concert. Ipinalabas muna ang mga paghahandang ginawa ng singer at ang mga pictorials nito para sa promotion ng concert. Parati itong dinudumog ng media at mga tagahanga sa bawat lugar na pinupuntahan. Mabuti na lamang at nasa tabi nito palagi ang guwapong bodyguard nito na tila isang matibay na bakod na nagtatanggol sa babae kaya walang sinumang nakakalusot. Pero nai-intriga siya sa lalaking iyon. May pakiramdam siyang nakita na niya ito minsan. Pamilyar sa kanya ang tindig nito at may naalala siya sa mukha nito. Saan nga ba niya ito nakita? Nag-isip si Safhire. At nang walang mahagilap sa utak ay tinawag ng dalaga si Vhendice na nagbabasa ng iilan sa mga collection ni Ray ng car magazines. "What is it?" Lumapit sa kanya ang lalaki. "Siguradong kilala mo ang bodyguard ni Jenni May. Sino siya?" usisa niya
Read more

Chapter 39 - uncertain

SA PALAGAY ni Safhire ay nag-aalala rin si Vhendice sa posibleng mangyayari kung iiwan siya nitong mag-isa kasama si Jenni May Amores kaya nang dumating si Rheeva ay nagpasya ang binata na samahan na muna sila roon sa villa. Habang si Rheeva ay nagpaalam na sasaglit ng Chrysanthemum mansion para makipagkita sa chairman.Tahimik lamang sa biyahe ang dalaga at namamangha sa kapaligiran ng Edena. Ngayon lamang siya nagkaroon ng pagkakataong mapag-aralan ang capital at mamalas ng malinaw kung anong mayroon dito. Ang buong lugar ay nagmistulang maze dahil sa mga matatayog na gusali. Mahirap paniwalaang bawat tamaan ng kanyang paningin ay sakop ng Andromida Conglomerate main headquarters. Lalo tuloy siyang naiintriga kung anong mayroon at pwedeng makita sa kaloob-looban ng Andromida Conglomerate headquarters. Gusto niyang makapasok, kung maaari lamang sana. Pero dama niyang off-limits sa mga katulad niya ang buong premises."Enjoying the view over there?" Inagaw ni Vhendice ang kanyang aten
Read more

Chapter 40 - sick

ITINAPAT ni Safhire ang sarili sa malakas na buhos ng tubig sa shower. She felt her lips were swollen from Vhendice's kiss. Why did she allowed him to have his way? It's disgusting. She was disgusting.Niyakap ng dalaga ang sarili at napaiyak. But she can't push him away. She can't say no either and shut him out. She knew it was wrong but she liked it. She liked it. It was not only his lips but he was putting his heart on that kiss.Ray, please...tell me what should I do?Hindi alam ni Safhire kung gaano siya katagal nanatili sa loob ng banyo. Nang makadama ng lamig at ginaw ay saka lamang niya naisip na lumabas. Nabigla siya nang madatnan sa loob ng kanyang silid si Jenni May. Nakaupo ito sa gilid ng kama at halatang hinihintay siya.My God...Nalaman kaya nito ang milagrong ginawa nilang dalawa ni Vhendice roon sa garahe?"Kumatok ako pero walang sumagot. Bukas naman ang pinto kaya pumasok na ako. Pasensya ka na," sabi nito."Okay lang. May kailangan ka?" Halos puputok na ang dibdib
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status