BUONG ARAW ay nanatili lang at nakahiga si Romary sa kama niya sa chamber na binigay sa kaniya, hindi niya maiwasan na mainip lalo na at gusto niya ang araw niya ay productive. Pero sa sitwasyon niya, maghapon siyang mananatili sa chamber niya, hindi siya pwedeng lumabas hangga’t hindi sumasapit ang gabi.Pakiramdam ni Romary ay nasa preso siya, hinahatiran lang siya ng pagkain na dumadaan sa isang maliit na pinto sa pintuan niya, at kailangang pagtiisan iyon ni Romary hanggang magawa na niya ang trabaho niya. At sisimulan na niya mamaya ang pagmamanman sa pub, kung anong oras o araw dumadalaw si Mr. V at para alamin ang tamang plano na gagawin niya para mapatay ito ng walang nanghihinala sa kaniya. Tulad ng lagi niyang ginagawa sa mga past mission niya, ang mahirap lang sa sitwasyon niya ngayon ay wala siyang kahit isang dalang gamit niya na mula sa organisasyon, kahit paborito niyang baril ay hindi niya dala. Hindi rin niya basta-basta mako-contact ang organisasyon, si Roman na supe
Magbasa pa