Sinaway ko siya at umalis na agad ako. Gusto ko ng iwasan ang kapatid ko. Mabilis akong lumabas ng kwarto at nagpunta sa parking lot. Hindi niya dapat nakikitang ganito ako sa kanya para tigilan na niya talaga ako at mamatay ang pag-asa niya na magiging kami, dahil malabong mangyari iyon. Ayokong saktan ang damdamin ng mga magulang ko na walang sawang minahal ako kahit na hindi naman nila ako kadugo pero, tinuring nila akong tunay nilang anak. Mabilis ang pagmamaneho ko kaya nakauwi agad ako ng Mansyon. Medyo maliwanag na rin at nagpark na ako sa garahe. Nang matapos akong makapag park ng kotse diretso ako sa exit door kung saan naroon ang kwarto ng anak ko na nasa itaas. Pagpasok ko sa loob diretso akong pumanhik sa hagdanan at naglakad papasok sa unang kwarto rito kung saan ang kwarto ni Drake. Aaminin ko medyo nabusy ako nitong araw dahil kapag galing sa kumpanya diretso naman ako sa hospital. Hindi ko kasi pwedeng hindi pasyalan si Terrence at hindi siya nakikinig sa mga nurses
Huling Na-update : 2025-02-12 Magbasa pa