MajaMaaga ako pumasok kinabukasan kahit sobrang pagod sa pagsasayaw kagabi sa casa at idagdag pa na halos wala tulog.“Did you hear me, Ms. Lynn?”“Ah?” nakatanga ko tugon habang nakatitig sa kinaiinisang guro.“You are not listening,” sabi pa nito.“Kasi naman po, ang bilis niyo magsalita,” pangangatwiran ko sabi, ngunit ang totoo ay walang pumapasok sa utak ko.“You are not listening,” ulit pa nito habang nakahalukipkip.Tinaasan ko lamang siya ng kilay at inirapan. Halatang nagalit ito sa ginawa ko kaya napakunot ang noo nito.“Stand up and solve the problem on the board,” may pag-uutos na sabi nito sabay abot ng chalk.Wala ako magawa kun’di ang tumayo at lumapit sa board. Nakatingin lang ako sa nakasulat dahil hindi ko talaga alam ang isasagot. Nagkaroon pa ng panandaliang katahimikan sa klase na marahil naghihintay silang lahat.“I’m sorry, sir. Hindi ko po talaga alam ang sagot,” nahihiya ko sabi.“Okay, take your seat.” Utos nito at sinulatan ang classcard ko na marahil ay ka
Magbasa pa