Bonifacio Public Hospital Maja Pinuntahan kami ng doktor sa silid dala ang biopsy result ni lola. “Ms. Lynn, ayon sa biopsy report ay may Stage 1 Ovarian Cancer si lola,” saad ng doktor. Nanginig ang katawan ko at napaupo sa gilid ng kama, mabuti na lamang at tulog si lola na hindi narinig ang sinabi ng doktor. “Ms. Lynn, ‘wag ka matakot,” wika ni dok na nahalata ang nararamdaman ko, “Maaari natin malunasan ang sakit ni lola.” “P-paano po?” “Aalisin ang matris ni lola, pagkatapos ay mag-undergo siya ng Chemo at iba pang kailangan na therapy for cancer patient.” “Magkano naman po ang magagastos?” “Tatapatin na kita,” wika ni dok na inayos po ang collar ng suot na damit, “may kalakihan ang magagastos na maaaring umabot ng isang milyon.” Namilog ang mga mata ko sa narinig dahil hindi inakala ganoong pera ang kakailanganin, “Bakit ganoon po kalaki dok?” “Sa ibang ospital kailangan gawin ang operasyon ng pag-alis sa matris ni lola. Ganoon din ang ibang kailangan na therapy dahil
Last Updated : 2023-07-01 Read more