Maghapon ngayong hindi lumabas si Enrique sa kwarto niya. Bagot na bagot na ako sa panonood at paubos na din ang mga movies sa rack. Masiyado na rin malinis ang bahay sa araw-araw na paglilinis ko, so I decided na mag liwaliw ngayong hapon. I tried knocking on his door para magpaalam pero hindi naman sumasagot.I looked at my watch, it's already four thirty in the afternoon . I shrugged and went out. Hindi naman siguro ako mawawala dito. Ang layo ng daan palabas ng gate ng bahay ni Enrique, halos inabot ako ng 20 minutes bago ako nakarating ng gate.Natigil ako sa paglalakad nang mapansin ko na maraming tao sa paligid ko. Bakit ang daming taong nakapalibot doon? Nagkukumpulan kasi ang mga tao ng pabilog. Sa sobrang curious ko tumigil ako at lumapit."Manong," tinapik ko sa balikat ang isang may katandaan na lalaki. Napansin ko na nagulat siya nang makita ako pero hindi ko na pinansin na natulala siya dahil sa kagandahan ko. "Ano pong meron?""Ah! Naglalaban sila ng chess. Wala kasing
Last Updated : 2023-06-16 Read more