Nagising si Keisha ng madaling araw, parang gusto niyang kumain ng sopas ngayon. Napatingin siya kay Blaze na mahimbing na natutulog. Dahan-dahan siyang tumayo, para lumabas. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang nakaramdam ng pagkagutom, ganito ang nangyayari sa kaniya tuwing madaling araw. Kung minsan ay nagigising din si Blaze sa kaniya, pero ngayon ay ayaw naman niyang gisingin ang boyfriend dahil mahimbing ang tulog nito. Kung magising man ito, at tingnan siya sa baba, edi okay. Kung hindi naman magising, okay pa rin. Ayaw lang niyang maistorbo ang lalaki sa pagtulog.Tiningnan niya ang ref kung ano ang pwedeng makain doon, may nakita siyang hotdog, at egg. Kinuha niya iyon, at niluto. Kumuha rin siya ng tinapay, mayonnaise, at ketchup para ihalo ro'n sa itlog, at hotdog na ipapalaman niya sa tinapay. Nang matapos ay naupo na siya, para kumain. Napatingin siya sa hagdan nang marinig ang yabag ng paa ni Blaze. Halata rito ang pagtataka."Hi," aniya sa binata, at ngumit
Last Updated : 2023-08-01 Read more