"Kumusta, anak?" Tanong ng Ginang Sanders sa kaniyang nag-iisang anak na babae. Ngayon lang ulit nakadalaw ang dalaga sa mga magulang. Masyadong abala kaya naman ngayon lang ulit nagkita ang mga ito. Kasama rin ang mga Kuya niyang nakikipag-usap sa ama nila. "Ayos lang po, Mom." Niyakap niya ulit ang kaniyang ina na nakangiti sa kaniya. "Na-miss po kita, kayo!""Aww, mas namiss ka namin ng ama mo," ani Ginang sa kaniyang anak habang yakap-yakap ito."Your son, how's he?" Medyo nagulat pa si Margeaux nang marinig iyon sa ina. Nagulat siya sa tanong na iyon. "I mean— si Maxim! Anak naman ang turing mo sa batang iyon," ani Mrs. Sanders.Napatango si Margeaux sa tinuran ng ina. Gustong-gusto niyang nakakasama ang bata. Para bang may kung anong binibigay na saya ang bata sa kaniya. Ramdam na ramdam niya iyon, kapag nakakasama niya 'to. Hindi man niya masabi sa lahat, pero thankful siya ngayon na nakilala niya si Maxim. Lalo na syempre kay Isaiah. Hindi naman kasi niya inakala na aabot sil
Last Updated : 2023-07-20 Read more