SimulaUmupo kami sa upuan at tinabi ko ang mga bagahe namin. Sa labas ng convenience store ay unti-unting lumalakas na ang ulan. Sila Pietro at Hanna ay nasa tabi ko at nakatingin din sa pagbuhos ng ulan."Kuya, wala na po ba talaga tayong bahay? Pa'no na tayo niyan? Saan na tayo matutulog?" nagbabadyang iyak na sabi ni Hanna kay Pietro."Shh!" saway ni Pietro sa kaniya. "Kapag umiyak ka, baka mapaalis tayo dito. Shh!" Nagtiimbagang ako. Wala na kaming mapuntahan. Hindi sapat ang pera ko para makakuha ng matutuluyan. Hindi rin kami pwedeng manatili rito sa convenience store dahil alam kong paalisin lang kami kapag nagtagal pa kami roon nang hindi naman bumibili ng kung ano. Gusto kong umiyak, magwala at magalit sa kinahinatnan naming magkakapatid pero kung gagawin ko iyon ay uubusin ko lang ang natitirang lakas ko.Nilabas ko ang cellphone ko at naghanap ng pu-pwedeng tawagan para makahingi ng tulong."Pasensya na, Ke. Ayaw pumayag ni Mama. P-pero...susubukan ko ulit. Kakausapin
Last Updated : 2023-06-05 Read more