Kabanata 2 - Nagpapasundo"ANO raw ang kailangan niya?" Malamig pa sa yelo na tanong ni Aslan kay Mang Kiko matapos niyang saglit na maalala ang nakaraan, ang dahilan kung bakit mas tumindi pa ang pagkamuhi ni Alexa sa kanya, dahil sa mana."Tuition? Kaka-transfer ko lang nung nakaraang linggo sa bank account niya."Umiling ang mayordomo sa kanya, "Nagpapasundo siya."Umarko ang mga kilay niya. Magugunaw na ba ang mundo o ginu-good time siya ni Mang Kiko? Si Alexa, uuwi? Oh, come on. Hindi iyon totoo. Ni isang beses sa pitong taon na lumipas ay hindi man lang nga nun kinamusta ang hacienda o ang mga trabahante nila."Ipapuputol ko ang pagkalalaki ko, Mang Kiko," matabang na sagot niya."Huwag, sayang," sagot naman nito kaya lalong nangunot ang noo niya, "Natirikan daw siya Apalit.""And?""Magpapasundo raw siya sa'yo.""Sumakay siya sa bus o sa anumang sasakyan saka siya pahatid dito. Utusan niya ang yaya niya. Ganun lang kasimple.""Mag-isa siya."Diyos ko naman.Agad siyang napahilam
Last Updated : 2023-06-03 Read more