napag-alaman na Dengue pala ang sakit ng bata. mabuti raw at naagapan kaya hindi ito nauwi sa kapahamakan. Hindi pa sila maaaring umuwi dahil kailangan pa raw i monitor ng mga doktor ang platelets ng bata. kailangan pa raw nilang mamalagi sa ospital ng mga 2 o 3 araw. binayaran ni Mart ang kinakailangan na pera na hinihingi ng ospital para magamot na si Seve. kumuha rin sya ng private Ward para sa mag-ina. may aircon, tv at ref at sofa. pagkatapos nyang ma-settle ang mga bayarin at makalipat ang mag-ina sa kwartong Binayaran nya ay nagpaalam na rin sya kay Sab. "I have to go, Sab." tipid nyang sabi. "aalis ka na?" pinigilan sya ni Sab. hinawakan nito ang kamay ni Mart at napahinto naman ang binata. "maraming salamat, ha. nahihiya ako sa 'yo ngayon. Ang totoo nyan, pinagsisisihan ko na ang mga nasabi ko sa 'yo. im sorry mart kung ikaw ang sinisisi ko sa panloloko ng asawa ko sa akin.. ang totoo nyan ay ako ang dapat sisihin dito, e. matagal ko nang nararamdaman na malayo na ang loob
Terakhir Diperbarui : 2023-07-23 Baca selengkapnya