"SAB! ANO ANG NANGYARI SA 'YO? BAKIT PURO PASA KA?" nagulat ang ama ni Sab nang makita nya ang anak na umuwi ng puro pasa. "SINO ANG MAY GAWA SA 'YO NIYAN?" sinipat nito ang braso ng anak at nailing. "si Nikko ba?"Gusto mang itanggi ni Sab ngunit hindi nya na ginawa. kung magsisinungaling pa kasi sya ay magtataka at magtataka rin ang mga ito dahil plano nyang dito na muna mag-stay sa kanila habang mainit pa silang mag-asawa. "opo, Tay. Kasalanan ko rin naman po kasi kung bakit nya ako napagbuhatan ng kamay. kasi naman tay, ginalaw ko pati yung savings ng anak namin. nagalit sya dahil binigyan na daw nya ako at lahat ng pampagamot ng inay bakit daw pati iyon ay ginalaw ko pa.""ganu'n ba, anak? mali nga yung nagawa mo , Sab. pero--pero sobra naman itong ginawa nya sa 'yo! hindi ito gagawin ng matinong lalaki. Oo nga't, tinulungan nya tayo, ang kaso lang ay ang sakit para sa akin na makita kang uuwi ng may ganyan. lalo ang ina mo, hindi pa sya tuluyang magaling, paano kapag nakita ka n
Huling Na-update : 2023-07-21 Magbasa pa