“Libog, ano ang ginagawa mo dito? Bagong kaibigan ko si Joseph at nag uusap kami tunkol sa martial arts. Tumabi ka muna!” Ang naiirita na sinabi ni Louisa at tinulak niya sa tabi si Leon, ngunit hindi niya ito kayang itulak.“Hindi pwede! Louisa, isang tingin pa lang at alam na ng kahit sino na isang masamang tao siya. Wag kang magpapaloko!” Ang sabi ni Leon.“Sino ang tinatawag mo na masamang tao?” Galit na galit si Joseph, ngunit alam niya na kilala ni Leon si Louisa, kaya huminahon siya at tinanong niya, “Louisa, sino ba siya? Ano ka sa kanya?”“Ah, katulong lang siya ng pinsan ko. Hindi mo kailangan mag aksaya ng oras sa kanya…” Suminghal si Louisa.“Isang katulong lang, huh?” Ngumisi si Joseph at tinaas niya ang kamao niya. “Bata, binabalaan kita. Umalis ka, kundi ay bubugbugin kita!”“Baka kaya mo!” Tumawa si Leon. Bilang isang tao na lagpas na sa Initial Innate State, wala siyang takot sa mga tao na tulad ni Joseph.“Walang hiya ka?!” Nagalit si Joseph, tinaas niya ang bra
Read more