“Libog, ano ang ginagawa mo dito? Bagong kaibigan ko si Joseph at nag uusap kami tunkol sa martial arts. Tumabi ka muna!” Ang naiirita na sinabi ni Louisa at tinulak niya sa tabi si Leon, ngunit hindi niya ito kayang itulak.“Hindi pwede! Louisa, isang tingin pa lang at alam na ng kahit sino na isang masamang tao siya. Wag kang magpapaloko!” Ang sabi ni Leon.“Sino ang tinatawag mo na masamang tao?” Galit na galit si Joseph, ngunit alam niya na kilala ni Leon si Louisa, kaya huminahon siya at tinanong niya, “Louisa, sino ba siya? Ano ka sa kanya?”“Ah, katulong lang siya ng pinsan ko. Hindi mo kailangan mag aksaya ng oras sa kanya…” Suminghal si Louisa.“Isang katulong lang, huh?” Ngumisi si Joseph at tinaas niya ang kamao niya. “Bata, binabalaan kita. Umalis ka, kundi ay bubugbugin kita!”“Baka kaya mo!” Tumawa si Leon. Bilang isang tao na lagpas na sa Initial Innate State, wala siyang takot sa mga tao na tulad ni Joseph.“Walang hiya ka?!” Nagalit si Joseph, tinaas niya ang bra
Habang iniisip ito, medyo naging emosyonal si Joseph!Nang makita na si Joseph ay pinipilit na ayusin ito, nagdesisyon si Leon na wala na lang siyang gagawin. Nilagay niya sina Louisa at ang mga babae sa likod niya, at umatras siya upang walang kahit sino sa kanila ang masaktan.“Saan ka naman galing?! Gusto mo bang mamatay?!” Galit na galit si Ricky habang tumingin siya sa mga tauhan niya. Agad nilang pinalibutan si Joseph.Hindi na nag aksaya ng oras si Joseph, siya ang nauna habang sinipa niya sa dibdib si Ricky. Lumipad si Ricky papunta sa bar sa likod niya. Ang mga bote ng alak ay bumagsak sa sahig.“Walang hiya ka para saktan si Ricky?! Ang tropa, bugbugin ang lalaking yun ng magkakasama tayo!” Ang sigaw ng isa sa mga tauhan, inutusan niya na sumugod sila kay Joseph.Gumapang si Ricky mula sa sahig upang tumayo, galit na galit siya at kumuha siya ng isang basag na bote sa tabi niya at sumama siya sa laban.Bang bang bang!Si Joseph ay mahusay na isang external martial arti
Ngumisi ng mayabang si Joseph.Marami na siyang pinuntahan na bar at club at ito ang unang beses na bumisita siya sa Blue Moon Bar, kaya hindi pa niya kilala si Mr. White. Gayunpaman, pinakita niya ang lakas niya sa harap ng lahat at siya ang gitna ng kasabikan, kaya wala siyang pakialam kahit na narinig niya na ang tungkol kay Mr. White.“Wala akong pakialam kung sino ang nagsimula nito. Ang bar na ito ay may mga patakaran! Dahil hindi mo ito sinasadya, bibigyan kita ng pagkakataon. Lumuhod ka, humingi ka ng tawad, at bayaran mo ng doble ang mga nasira, at hahayaan kita! Kapag hindi ka pumayag, babaliin ko ang bawat binti sa katawan mo! Magdesisyon ka ngayon!” Ang malamig na sinabi ni Mr. White.“Mr. White, papayag po kaming humingi ng tawad at magbayad…” Nakahinga ng maluwag si Ricky. Lumuhod sila ng mga tauhan niya at binayaran ang mga nasira.“Ngayon, ikaw naman!” Tumingin ng masama si Mr. White kay Joseph.Pinagtanggol ni Joseph si Louisa, kaya trinato niya ang grupo ni Josep
Dahil dismayado sa performance ni Joseph, ang madla ay nag usap. Akala ko ay mahusay siya makipaglaban. Paano siya natalo sa isang atake lang?” Nabigla si Louisa. Akala niya ay isang henyo si Joseph, napagtanto niya na pagyayabang lang ito. “Lintik! Sinungaling siya. Halos nahulog ako para dito!” Ang galit niyang sinabi, naglaho ang lahat ng paghanga niya kay Joseph. Noong naisip niya na niloko siya, nainis siya at gusto niyang sipain si Joseph sa mukha.“Sinabi ko sayo na wag kang magpapaloko, at hindi ka nakinig! Nag sanay lang siya ng external power, kaya imposible na may laban siya sa isang eksperto sa internal power! Paano siya naging isang martial artist?” Suminghal si Leon.“Nagsasalita ka na parang mas mahusay ka. Kung ikaw yun, dinurog ka na ng matanda na parang isang langaw!” Tumingin ng masama si Louisa kay Leon. Sa isip niya, nilagay niya si Joseph at Leon sa parehong grupo ng mga lalaki.Namula ang mukha ni Joseph sa mga mapanglait na komento sa kanya, desperado niyang
“Lumuhod kayo, kung hindi ay mababali ang mga binti niyo. Pumili kayo!” Ang babala ni Mr. White. Galit na sumagot si Leon, “At paano kung tumanggi ako?”“Libog, ikaw…” Nabigla si Louisa. Hindi niya inaasahan na maging matapan si Leon sa harap ng isang tao na tulad ni Mr. White kahit na nasaksihan na natalo si Joseph at medyo humanga siya.“Sige. Mabuti!” Tumawa si Mr. White, “Bata, nang makita ko ang katapangan ko, bibigyan kita ng isa pang pagkakataon! Bata pa ang mga magandang mga babaeng ito, kaya sayang kung nabali ang mga binti nila! Ano sa tingin mo. Ikaw na lang ang babalian ng mga binti at pwede na natin itong tapusin!”“Sige! Pwede mong subukan kung kaya mo!” Ang kalmadong sinabi ni Leon.“Libog… nagbibiro ka ba?” Nabigla si Louisa sa kanyang narinig.Dahil sa nangyari sa banyo kagabi, naging bastos siya kay Leon. Hindi lang sa walang tinanim na sama ng loob si Wilbur kay Louisa, tinanggap niya pa ang responsibilidad sa isang mapanganib na sitwasyon. Kahit na ganito ang u
Wala siyang naramdaman na kahit anon true energy mula kay Leon kanina, at naisip niya na isang manlalaban lang si Leon na gumagamit ng external power na tulad ni Joseph.Dahil hindi man lang isang martial artist si Leon, bilang isang lalaki na nasa Advanced Acquired State, walang kinatatakutan si Mr. White.“Libog, mag ingat ka!” Namutla si Louisa at sumigaw siya, sang ayon siya sa iba na hindi makakaligtas si Leon sa atake ni Mr. White dahil hindi makatotohanan na maniwala na mangyayari ito.Samantala, desperado si Joseph na makitang magdura rin si Leon upang hindi ang siya ang napahiya ang sarili.“Walang hiya ka para maging mayabang gamit ang mga bagay na ito?!” Ngumisi si Leon at tumayo siya, halos para bang masyado siyang takot para kumilos.Habang sigurado ang iba na talo na si Leon, sinangga ni Leon ang atake ni Mr. White gamit ang isang kamay, habang humigpit ang kamay niya sa kabila at sinuntok niya si Mr. White sa dibdib .“Pfft!!!” Tumalsik ang dugo kay Mr. White at lu
“Ang Four Tigers ay kilala bilang mga boss sa lungsod na ito ng maraming taon. Walang kahit sino ang lumalaban sa kanila!”“Ang batang ito ay makakaharap ang Descending Tiger. Kahit na kaya niyang lumaban, hindi siya makakaligtas ngayon!”“Kapag dumating ang Descending Tiger dito, mamamatay siya!”Magkagulo ang madla at tumingin sila kay Leon ng may simpatya.Tumingin si Mr. White kay Leon ng may malamig na ngiti. Mula sa naramdaman niya, si Leon ay umabot pa lang sa Innate State at si Master Shelton ay kayang talunin si Leon dahil sa lebel nito na Intermediate Innate State.“Ang Intermediate Innate State?” Ang bulong ni Leon, nabigla siya ng konti.Kahit na lumagpas na siya sa Initial Innate State, malayo pa rin siya sa Intermediate Innate State at kapag nakaharap niya ang isang tao sa lebel na yun, wala siyang chansa para manalo.“Lousia, tara na!” Mabilis na hinawakan ni Leon ang kamay ni Louisa, desperado siyang umalis bago dumating ang Descending Tiger.“Gumawa ka ng gulo
Naisip nilang lahat na walang magagawa si Leon kundi ang lumuhod at humingi ng tawad dahil dumating na ang Descending Tiger; ang hindi nila inaasahan na ang Descending Tiger, si Master Shelton, ang siyang luluhod.‘A—Anong nangyayari? Nawawala na ba sa tamang pag iisip ang Descending Tiger?’ Ang naisip ng lahat , tumingin sila sa isa’t isa habang nakatulala.“Master Shelton, ano ang ginagawa niyo? Ang batang ito…” Ang sabi ni Mr. White ng hindi makapaniwala.Sumingit agad si Mason. “Walang hiya ka!” Tumayo siya at sinampal niya sa mukha si Mr. White. “Kilala mo ba kung sino ang lalaking ito? Siya si Mr. Wolf! Walang hiya ka para tawagin siyang bata? Lumuhod ka at humingi ka ng tawad! Humingi ka ng tawad kay Mr. Wolf!”Nang mapansin na galit na galit si Mason, nanginig si Mr. White at lumuhod siya. “M—Mr. Wolf, patawad. Hindi ko sinasadya na galitin kayo…”Nabigla ang mga madla habang nag isip sila, ‘Sino ang batang ito para takutin ang Descending Tiger sa ganitong punto?! Hindi ak
“Sino ang lalaking yun? Hindi kaya’t siya ang boyfriend ni Ms. Shear?”“Hindi naman siguro? Si Ms. Shear ang isa sa four most beautiful women sa Springfield City at siya ang hiya ng mga Shear. Sa katayuan ni Cynthia, ang pagkakaroon ng isang boyfriend ay malamang na magkakalat ito ng balita sa buong Springfield City. Hindi pa natin narinig ang tungkol dito.”“Oo, tama. Sa tingin ko ay ang lalaking ito ay ang bagong assistant o secretary ni Ms. Shear…”…Habang nakatingin habang paalis ng mabagal sina Leon at Cynthia, pinag usapan ito ng lahat. Sa huli, marami sa kanila ang naisip na si Leon ay ang bagong assistant o secretary ni Cynthia, kaya mas naging kalmado sila.Sa president’s office, inutusan ni Cynthia ang ilang mga empleyado na iusog ang isang mesa, pinaupo niya si Leon sa tabi niya. Nakaupo sila ng malapit sa isa’t isa, kaya mas madali na mag trabaho sila ng magkasama.Noong umalis na ang mga empleyado, sina Leon at Cynthia na lang ang naiwan sa opisina.“Cynthia, pwede
“Ah, sige,” Ngumiti si Leon. Iniisip kung paano nagtapat ng pag ibig si Cynthia sa kanya kagabi, medyo naging awkward siya.“Pati, dahil umalis ka na ng Elegante, mukhang ang shadow chairman ay maaaring bumalik na sa kumpanya natin?” Ngumiti si Cynthia.“Oo, sasama ako sayo sa kumpanya sa susunod,” Tumango si Leon.Para manatili siya sa tabi ni Iris, pinilit niyang iwanan ang Cynthion Group kay Cynthia.Gayunpaman, nakipaghiwalay na siya kay Iris at umalis na siya ng Elegante. Hindi niya na kailangan magpatuloy na iwanan ang lahat kay Cynthia.“Oo nga pala, Cynthia, may mahalaga ka bang pag uusapan sa akin noong dumating ka sa bar para makita ako kagabi?” Hindi mapigilan ni Leon an itanong nang maalala niya ang kagabi.“Ganito kasi. Hindi sapat ang Energy Nurturing Pills para sa demand sa Springfield City. Maraming mga major family ang naghihintay na bumili ng second batch. Bumili tayo ng isang batch ng mga materyal noong nakaraang mga araw. Kailan mo planong irefine ang second b
“Hindi ba’t boyfriend mo siya? Sa kakayahan niya, dapat ay nanatili siya sa kumpanya para tulungan ka. Bakit siya umalis?” Ang tanong pa rin ni Ariel.Kung ibang tao ito, hindi na sana siya nag abala.Gayunpaman, iba si Leon. Nagsimula siyang magustuhan si Leon noon. Kahit na si Leon ang boyfriend ni Iris, hindi niya pa rin mapigilan ang sarili niya na magtanong tungkol kay Leon, gusto niyang malaman kung ano ang nangyari.“Nakipaghiwalay na ako sa kanya!” Ang malamig na sinabi ni Iris.“Naghiwalay na kayong dalawa? Paano naging posible yun?!” Nabigla si Ariel.Base sa nalalaman niya, naging magkasintahan sina Iris at Leon nitong nakaraan. Ilang araw pa lang ang lumilipas.Hindi niya inaasahan na maghiwalay sila ng mabilis!Hindi ito maiiwasan.“Haha, maganda at naghiwalay kayo! Ms. Young, sinabi ko na ito sa inyo noon. HIndi maaasahan si Leon. Matalino ang ginawa niyong pakikipaghiwalay sa kanya!” Tuwang tuwa si Ashwin. Hindi niya mapigilan ang sarili niya na tumawa ng malakas
Sa katotohanan, naisip niya na may saysay ang sinabi ni Louisa. Gayunpaman, ang mga guilty na kilos ni Leon at ang pagpatay ni Leon sa mga witness ay ang katotohanan!Basta’t hindi ito ipinaliwanag ni Leon, hindi siya maniniwala kay Leon!Tutal, may kinalaman ito sa kayamanan ng buong pamilya. Hindi niya ito pwedeng basta bastahin, ang lolo at tatay niya ay hindi rin siya papayagan.“Hindi ko rin alam kung bakit ayaw niyang magpaliwanag. Baka nasa mahirap na sitwasyon siya,” Ang matatag na sinabi ni Louisa.“Sa tingin ko ay hindi siya nasa mahirap na posisyon! Guilty lang siya, at may ibang plano siya!” Ang malamig na sinabi ni Iris.“Iris, pwede bang wag ka nang matigas ang ulo? Matagal mo na siyang kasama. Hindi mo pa rin ba alam kung isa siyang mabuting tao o hindi? Bakit desidido ka sa isang maliit na bagay?!” Ang sabi ni Louisa.“Hindi totoo yan! Mahirap makilala ang isang tao! Paano kung nagpapanggap lang siya?!” Ang sabi ni Iris.“Pero—” Gusto pa magpatuloy ni Louisa, ngu
Mahirap itong paniwalaan!“Naghiwalay na kaming dalawa!” Ang sabi ni Iris habang sinubukan niya maging kalmado. Gayunpaman, medyo nalilito pa rin siya.“Naghiwalay kayo? B-bakit?” Nabigla si Louisa. Tutal, naiintindihan niya na ito. Hinampas niya ang kamay niya sa mesa at sinabi niya ng galit, “Iris, may ginawa ba siya na hindi pwedeng pagbigyan? Sinaktan ka ba niya?”“Wag kang mag lala, hahanapin ko siya ngayon at kukunin ang hustisya para sayo!”“Hindi, mali ang iniisip mo,” Ang sabi ni Iris.“Ano pala ang nangyari?” Ang balisang sinabi ni Louisa. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyari sa pagitan nila Iris at Leon.“Ayos lang ako, wala itong kinalaman sayo. Wag ka nang makisali,” Huminga ng malalim si Iris at sinabi niya.Alam niya na si Louisa ay madalas gumawa ng gulo. Bad mood na siya ngayon. Ayaw niyang dumagdag dito si Louisa.“Hindi, hindi ko ito hahayaan! Kung hindi mo sasabihin sa akin, tatawag ako kay Leon ngayon. Gusto kong itanong sa kanya kung ano ang nangy
Sa direktang pagkatao niya, wala siyang rason para itago ang kahit ano sa lolo niya. Nagdesisyon siya na sabihin sa lolo niya ang buong katotohanan.“Yun pala!”Kahit na nahulaan ito ni Benedict, medyo nabigla pa rin siya nang marinig ang mismong pag amin ng apo niya.“Grandpa, hindi po ba kayo sang ayon sa pagsasama namin ni Leon?” Ang nag aalala na tanong ni Cynthia.Alam niya na si Leon ay isang ulila na walang family background. Ang pinakamalaking rason sa paghihiwalay nila Leon at Iris ay hindi tugma ang kanilang family background.Ang mga Shear ay isa sa four great families ng Springfield City na tulad ng mga Young. Nag aalala siya na ang lolo niya ay may parehong opinyon kay Leon.Ayaw niyang sumunod sa yapak ni Iris!“Hindi sumang ayon? Bakit hindi ako sasang ayon?” Ang tanong ni Benedict.“Isang ulila si Leon. Wala siyang magandang pamilya. Hindi po ba’t hindi kayo masaya tungkol doon?” Ang balisa na sinabi ni Cynthia.“Ang mga background ay hindi mahalaga pagdating s
Para naman sa kanila ni Iris, pag uusapan niya ito kapag naklaro niya na ang pangalan niya!Masyado pang maaga sa kanya na pag isipan ito!“Oo nga pala. Saan ka tumutuloy ngayon, Leon? Masyado kang maraming nainom ngayon. Baka hindi ka man lang makapag lakad ng diretso. Ihahatid na kita pauwi!” Ang nag aalalang tanong ni Cynthia.“W-Wala akong tinutuluyan sa ngayon. Dalhin mo na lang ako sa isang malapit na hotel,” Ngumiti ng awkward si Leon. Tutuloy siya sa isang hotel ng isang gabi bago siya bibili ng isang bahay sa susunod na araw.“Bakit ka mananatili sa isang hotel? Tumuloy ka na lang sa bahay ko ng ilang araw?” Ngumiti si Cynthia at hinawakan niya si Leon sa braso. Kumilos siya ng malapit na para bang siya na ang girlfriend ni Leon.Tumigas ang buong katawan ni Leon sa malambot na nararamdaman niya sa braso niya.Gayunpaman, bago pa siya tumanggi, hinila na siya ni Cynthia palabas ng bar.…Sa Shear Mansion, nabigla sina Benedict at Harvey na makita na tinutulungan ni Cy
Biglang hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.“Bakit hindi? Isa ako sa four great beauties ng Springfield City, tulad ni Iris. Kahit na mas mataas ang rank niya sa akin, hindi ako talo sa kanya sa itsura o sa background! Kung kaya mo siyang tanggapin, bakit hindi mo ako pwedeng tanggapin?”Hindi inaasahan ni Cynthia na tanggihan siya ni Leon. Namutla ang mukha niya, namuo ang mga luha sa kanyang mga mata.Sa itsura niya at sa pamilya niya, maraming mga tagapagmana ng pamilya at mga talentadong lalaki ang gusto siyang ligawan. Ang lahat sa kanila ay pangarap na makasama siya!Ngunit sa sandaling yun, nag ipon siya ng lakas ng loob para sa unang pagkakataon na magtapat ng pag ibig sa isang lalaki, ngunit tinanggihan siya!Halata kung ano ang nararamdaman niya!“Yun ay—” Magulo ang puso ni Leon at hindi niya magawang huminahon.Si Cynthia ang pangalawa sa four great beauties sa Springfield City. Napakaganda niya. Ang kahit sinong lalaki ay magiging masaya na makasama siya.Si
Nabigla si Leon habang tumingin siya kay Cynthia na para bang hindi makapaniwala.Baka dahil lasing siya, mabagal ang reaksyon niya, hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Cynthia.“H-Hindi yun ang ibig kong sabihin,” Namula si Cynthia, napagtanto niya na hindi tama ang sinabi niya. Mabilis niyang binago ang pinag uusapan, “Leon, ayos lang kayong dalawa nitong nakaraan. Bakit bigla kayong nag break?”“Ganito kasi,” Nagbuntong hininga si Leon.Naiinis talaga siya sa sandaling yun at kailangan niya ng taong makakausap. Kaya naman, sinabi niya kay Cynthia ang lahat ng nangyari.“Sobra na ang mag-ama na yun! Tinulungan mo ang pamilya nila ng paulit ulit, pero ganito ang bayad nila sayo? Walang hiya! Pati iba rin talaga si Iris. Kahit ako ay nakikita ko ang moral character mo ay makatarungan. Imposible na isa kang kahina hinala at masamang tao. Pero, bilang girlfriend mo, hindi lang sa hindi siya nag tiwala sayo, naghinala pa siya na layunin mo ang pera nila. Kalokohan!”