Semua Bab The Three Little Guardian Angels: Bab 621 - Bab 630

2767 Bab

Kabanata 622

Halos hindi makahinga si Madam Vanderbilt, “Bakit? Wala na tayo kahit na ilang daang dolyar?”Namutla ang mukha niya nang manatiling tahimik si Hector, “Hecky, ikaw…ginamit mo ang pera?”Bago pa makasagot si Hector, sumabog na sa galit si Madam Vanderbilt, “Bakit mo inubos ang pera? Saan mo yun ginamit?”Nakuha nila ang perang yun sa pagbebenta nila ng hot spring hotel. Marami pa dapat ang natira sa perang yun. Noong umalis sila sa Coralia, nag-renta lang sila ng murang hotel para makuha nila ang pamana ni Stephen.Nasa account niya ang pera, at dala niya rin ang card. Pero, nag-aalala siyang mawala niya yun, kaya binigay niya yun sa apo niya para itago.Naniniwala siyang susundin siya ng kaniyang apo at hindi gagastusin ang pera, pero ngayong bigla na lang yun nawala, paanong hindi siya magagalit?Hindi natuwa si Hector. “Pinangako niyong para sa kasal ko ang perang yun. Akin ang perang yun. Pwede ko yun gastusin sa kung saan ko man gusto!”“Hecky!” Mabigat ang tono ni Madam Va
Baca selengkapnya

Kabanata 623

Nakatayo sa gitna ng dilim si Nolan, walang liwanag, walang maaaring makita.Tiningnan ng psychologist ang kaniyang pocket watch, kinuha ang papel na inabot sa kaniya ni Quincy at sinabing, “Nakikita mo ba ang pinangyarihan ng aksidente?”Pinangyarihan ng aksidente?Tumulo ang pawis sa mga kilay ni Nolan.Nagbigay ng clue ang psychologist, “Noong naaksidente ang sasakyan ng misis mo, pumunta ka dun.”Nakatayo sa gitna ng dilim si Nolan, nakapako siya sa kaniyang kinatatayuan, pero nakikita niyang may apoy sa malayo. Mabibigat ang hakbang niya nang lumapit siya dun, may mga tunog siyang naririnig sa loob ng kaniyang isipan.“Zee, I’m sorry, Zee…“Hindi na natin kailangan mag-divorced, huwag mo akong iwanan….”Pinagmasdan ni Nolan ang lalaking nakaluhod sa harapan ng sasakyan, umiiyak.Huminto ang paghinga niya nang isang nakakabinging tunog ang narinig, natabunan nito ang lahat ng tunog sa paligid.“Nolan!”Dahan-dahan siyang tumingala.Nasa harapan niya si Maisie na may dal
Baca selengkapnya

Kabanata 624

‘Huwag mo akong kasakulaman!’“Nolan!”Isang boses ang humila mula sa putikan sa kaniyang subconscious at binalik siya sa realidad. Dahan-dahan niyang nakita ang taong nasa harapan niya. Hindi yun si Zee na puno ng galit, kung hindi si Zee na nagmamahal at nag-aalala sa kaniya.Hinawakan ni Maisie ang malamig niyang mukha. “Ayos ka lang ba, Nolan? Tinatakot mo ako.”Niyakap siya ni Nolan. Humigpit ang hawak niya sa mga balikat ni Maisie, ninamnam niya ang init nito, ang init na talagang nandoon, at unti-unting naglaho ang lamig sa kaniyang puso.Nagmaneho si Quincy papunta sa Goldmann mansion habang buong byahe ay nakasandal si Nolan sa balikat ni Maisie.Nilingon ni Maisie ang lalaking nakasandal sa kaniya. Ang sabi ni Quincy ay tila nagulat daw ito pagkatapos bigyan ng ilang psychological suggestion ng psychologist.Isang bagay na tinatanggihan at iniiwasan ng kaniyang subconscious mind tungkol sa nangyari…Iniiwasan ba nito ang tungkol sa kanilang anak?Nabanggit yun ni Mai
Baca selengkapnya

Kabanata 625

Humarap si Nolan kay Maisie at saka ito niyakap. Nakatulog siya agad pagkatapos nito.Kinabukasan, sa Soul Jewelry…Nakatanggap ng impormasyon si Maisie mula sa bodyguard na ang Cindy na nabanggit ni Hector ay si Cindy Benette, isang server sa isang club sa Bassburgh.Inabot niya ang impormasyon kay Saydie. “Imbestigahan mo ang babaeng ‘to sa club.”Tumango si Saydie at umalis sa opisina dala ang mga dokumento. Hindi nagtagal, pumasok naman si Kennedy. “Maisie, tumawag sa front desk si Madam Vanderbilt.”Napahinto si Maisie at tumaas ang mga kilay. “Tungkol ba sa pera?”Tumango si Kennedy. “Naka-admit siya sa ospital pero hindi niya mabayaran ang bill. Ginagamit niya ang identity niya bilang lola mo para front desk ang magbayad para sa kaniya.”Tahimik lang si Maisie.Pinili ng isantabi ni Madam Vanderbilt ang pride niya ngayong matanda na siya.Ngumiti siya. “Kapag tumawag siya ulit, ipasabi mo sa front desk na hindi responsable ang Soul sa pagbabayad ng anumang bills niya, a
Baca selengkapnya

Kabanata 626

Kinahapunan, umalis ng apartment si Cindy suot ang isang magarang dress. Tila mayroon siyang kausap sa kaniyang phone, at mukhang excited.Isang itim na kotse ang huminto sa harapan niya, at dalawang bodyguards na nakasuot ng itim na suits ang lumabas sa kotse. “Kayo ba si Ms. Benette?”Nagulat si Cindy. Naging alerto siya at nagtanong, “Sino kayo—”“Gusto kayong makita ng madam namin.”Binuksan ng bodyguards ang pinto, at doon na umalingawngaw ang alarm sa isip niya. Nang tatalikod na siya, biglang lumitaw si Saydie sa likuran niya, hinawakan siya sa buhok at hinila siya papasok sa kotse.Takot na takot si Cindy. Napaangat siya ng ulo at nalaman na hindi lang elegante at kagalang-galang ang babaeng nakaupo sa tabi niya, pero napakaganda rin nito.Pagkasakay nina Saydie at ng iba pa sa kotse, pinaandar na ng bodyguard ang kotse.Nanginginig si Cindy, pati mga ngipin niya ay nangangatal. “H…hindi kita kilala, at wala akong nagawang mali sa iyo. Saan niyo ako dadalhin?”Lumingon
Baca selengkapnya

Kabanata 627

Nang pumasok sila sa ward, nandoon si Yorick. Nakaupo siya sa isang upuan, at nakahawak sa mga balikat niya ang mga bodyguards sa likuran niya, dahilan para hindi niya magawang tumakas.Naguluhan si Madam Vanderbilt nang dalhin nila si Cindy sa loob ng ward. Nang lumuhod si Cindy sa sahig, nagtanong siya, “Sino siya—-”Bago pa niya matapos ang tanong, sumagot na si Saydie at walang ekspresyong sinabi, “Siya ang Cindy na binabaggit ng apo niyo. Siya na ang magpapaliwanag ng lahat.”“Cindy?”Lumingon si Madam Vanderbilt at muling tiningnan ang babae. Gumapang si Cindy papunta sa kama at humagulhol, “I’m sorry, Madam Vanderbilt. Patawarin niyo ako. Hindi ko dapat niloko si Hector. Pwede niyo bang sabihin sa kanila na pakawalan na ako?”Doon lang napagtanto ni Madam Vanderbilt na ang babae sa harapan niya ay ang babaeng pinagbigyan ng pera ni Hector. Agad siyang sumabog sa galit at tinulak si Cindy. “May lakas ng loob ka pang magmakaawa sa akin? Nasaan ang pera ng apo ko?”Bumagsak s
Baca selengkapnya

Kabanata 628

Hindi tumanggi si Maisie.“Oo,” Ngumiti siya, “Ako rin ang nagbigay sa iyo ng $150,000. Hindi mo yun sinabi kay lola, hindi ba?”Napalingon si Madam Vanderbilt kay Yorick.Hindi nagsalita si Yorick, ibig sabihin ay totoo ang sinasabi ni Maisie.“Wala akong pakialam kung gusto mong bumalik sa nanay at anak mo. Sa huli, ikaw ang bahala kung paano mo gagamitin ang pera,” Humalukipkip si Maisie, malamig ang kaniyang tingin. “Siyempre, kung handa kang gamitin ang pera sa tamang paraan, baka bigyan pa kita ng pagkakataon. Pero sayang at wala kang kwenta, at walang silbi ang pagbibigay sa iyo ng pera.”Kumuyom ang kamao ni Yorick at napayuko sa kahihiyan.Tiningnan ni Madam Vanderbilt si Maisie at sinabing, “Zee, dahil buhay ka pa at handa mong tulungan ang tito at pinsan mo—”“Lola, huwag kayong magkaroon ng maling ideya,” Pagputol sa kaniya ni Maisie. “Hindi ko sila tinulungan para sa wala. Ginagawa ko ito para makita niyo ang kabrutalan ng mundong ito.”Napatulala si Madam Vanderbi
Baca selengkapnya

Kabanata 629

Inalis ni Helios ang suot na sunglasses at nilagay yun sa bulsa niya sa dibdib. “Hindi ko naman siguro kailangan ipakilala ang sarili ko, tama?”Kilala siya ni Nolan at sinabi, “Mukhang maganda ang buhay mo sa showbiz.”Tumawa si Helios at sumagot, “Hindi ako naniwala nang may nagsabi sa akin na nawalan ka ng alaala.”Naglakad siya papunta sa couch at naupo. Dinalhan siya ng tsaa ni Quincy.Tumayo si Nolan at nagpunta rin sa couch. Inalis niya ang butones ng kaniyang shirt at naupo.“Well, bihira para sa iyo na bisitahin ako, kaya anong dala mo para sa akin?”“Mayroon ngang isang bagay na kailangan ko ng tulong mo,” Sabi ni Helios sabay simsim ng tsaa. “Nakausap mo na si Nathaniel dati, tama?”Nang iisipin pa lang sana ni Nolan kung sino si Nathaniel, lumapit si Quincy sa kaniya at pinaalala sa kaniya. “Si Mr. Hannigan po yun, nagkita kayo nung nakaraan.”Naningkit ang mga mata ni Nolan at makahulugang ngumiti. “Anong problema? Hinahabol ka ba ng mga Hannigan?”Hindi sumagot s
Baca selengkapnya

Kabanata 630

Nginitian ni Helios si Nolan at wala ng sinabi pa.Hindi alam ni Quincy ang dapat sabihin. Para sa kaniya ay nawawala sa katwiran si Nolan kapag si Maisie na ang nasa usapan.Sa Soul Jewelry….Sinabihan ni Saydie si Maisie na dinala nina Yorick at Madam Vanderbilt si Hector pabalik sa Coralia.Nasa proseso ng pagtulong sa kanila ang mga pulis para mabawi ang pera kay Cindy. Kahit na ilang libong dolyar na lang ang nabawi nila ngayon, naglagay sila ng travel restriction kay Cindy, kaya hindi ito makakatakas sa kanila.Walang sinabi si Maisie.Nagsimulang maging mabait si Madam Vanderbilt pagkatapos ng insidente. Sa edad niya, kahit na gusto niyang patuloy na manggulo, wala na rin siyang pagkakataon.Ginastos ng apo niya ang lahat ng pera at naloko. Ayaw siyang kilalanin ng kaniyang anak, kaya siyempre, wala na siyang oras para isipin pa ang ari-arian ni Stephen.#Alice plagiarizes Zora#Muntik nang mabuga ni Maisie ang iniinom na tubig nang mabasa ang headline sa kaniyang Faceb
Baca selengkapnya

Kabanata 631

"Ikaw…""Gusto ng mga lalaki ang mahinhin at kamahal-mahal na babae. Ang tulad mong palaaway malamang hindi makakakuha ng lalaking makakakita ng mabuti sayo. Nang sabihin iyon, kinutya ni Maisie si Ryleigh. "Kung hindi ka anak ng mga Hill, ang pamilyang laging may koneksyon sa lahat ng kasal ng mga Lucas, hindi magiging malas si Mr. Lucas na pakasalan ka."Biglang nagdilim ang ekspresyon ni Ryleigh. Tinaas niya ang kamay niya at sasampalin na dapat si Maizie.Hinanda ni Maizie ang pisngi niya, hinihintay ang sampal niya ng walang takot.Pero, naharang ang kamay ni Ryleigh bago pa siya makasampal. Hinila ni Louis si Ryleigh sa likod niya at tiningnan siya. "Hindi ka ba nahihiya na makipag-away sa kanya sa harap ng maraming tao?"Lahat ng tao sa paligid nila ay nakatingin sa pwesto nila na parang naghihintay ng susunod na mangyayari. Kung nasampal siya, malamang may kukuha ng litrato at ikakalat ito online.Pero hindi kumalma si Ryleigh at inalis ang kamay niya sa pagkaka
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
6162636465
...
277
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status