Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Chapter 2061 - Chapter 2070

All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 2061 - Chapter 2070

2769 Chapters

Kabanata 2062

“Kung hindi ka nagdala ng sapat na pera, ayos lang.” Kinuha niya ang kusot na cheque at nilagay sa harap ni Waylon. “May bangko kami sa isla.”Ngumisi si Daisie dahil nakita niya kung paano ginagawa ni Cameron ang lahat para makakuha ng pera sa bulsa ng kapatid niya.Hinawakan ni Waylon ang cheque gamit ang dalawa niyang daliri. “Sigurado ka ba?”Tumango si Cameron.Tumigil ang pagtibok ng puso ni Daisie at naaawang tumingin kay Cameron.Kuripot si Colton at walang nakakakuha ng pera sa kaniya. Sa kabilang banda, kailangan ni Waylon ng magbabayad sa kaniya nang sampung beses kapag kumuha ng pera sa kaniya.Mukhang matalinong tao si Cameron kaya bakit iisipin niya na bibigyan siya agad ni Waylon ng pera?Nang tanghali, bumalik agad si Sunny. Nalaman niya na may umatake kay Cameron at nagpadala na ng yao para malaman kung sino ang mga umatake.Kahit alam niya na hindi harap-harapang magpapadala ng tao si Fabio sa teritoryo ng Southern Clan para patayin si Cameron.Sinabi sa kan
Read more

Kabanata 2063

“Siguro ay hindi pa nasasabi ng may-ari ng East Gate kay Fabuo na nakuha ang alak nila. Ngayong gabi nang 8:00 p.m., Nasa southwest port ang supplier ng Parkin. Kung makakapunta tayo doon bago mag 8:00 p.m. at magpanggap na mula sa Parkin, magagawa nating kunin ang barko para mapunta sa port natin. Kukunin natin ang shipment natin sa southwest port at ipalit sa kanila.”Naisip ni Mahina na delikado yon. “Sigurado ka bang gagana yan?”“Bayad lang ang iniisip ng supplier. Ang gagawin lang nila ay padaungun ang barko sa dock, ihatid ang shipment at tapos na sila.”Kinuha ni Cameron ang towel, umalis sa tub at binalot yon sa basa niyang katawan. “Nagsimulang kunin ni Fabio ang mga supplier kaya hindi alam ng mga delivery guy ang mga tao mula sa Parkin. Kapag nagpadala tayo ng taong hindi pa nila nakita, maniniwala sila basta mapatunayan natin na galing tayo sa Parkin.”Samantala, sa Serrano residence…Nang malaman ni Florence na hindi nagawa ng grupo ng lalaki na patayin si Cameron, g
Read more

Kabanata 2064

Binuksan ng bodyguard ang pinto ng clubhouse para sa kaniya. Wala pang tao doon. Walang ibang customer kundi mga staff lang.Lumapit ang server. “Pasensya na, ma'am. Hindi kami bukas ngayong araw.”Mapang-akit na nilaro ni Cameron ang buhok niya dahilan para magulat ang server. “Hindi ako nandito bilang customer. Nandito ako para makita ang may-ari. Please pakisabihan siya.”May pumunta para sabihan siya at si Mr. Peralta na nag-aalala tungkol sa nakuhang crates ng alak at naging alerto nang marinig na may naghahanap sa kaniya. “Sino?”“Babae siya.”Nagulat si Collin at nakahinga nang maluwag. Kahit sino ay matutuwa basta hindi ito ang Southern.Naghihintay si Cameron sa private room at nagulat si Collin nang pumasok siya.Sobrang ganda ng nakaupong babae sa couch at imposible na makalimutan ang mukha niya. Lahat ay namamangha sa ganda niya kaya nang makakita siya nang ganoon kaganda, hindi niya maalis ang tingin niya.Lahat ng magandang babae sa mundo ay makakatanggap ng speci
Read more

Kabanata 2065

Ngumisi ang pulang labi ni Cameron. “Kaaway ng kaaway ko. Sigurado akong ayaw mong maapektuhan ang pera mo dahil sa Southern Clan, hindi ba?”Nagdalawang-isip si Collin pero nadala siya.Tumawag si Cameron at ilang bodyguard ang dumating dala ang ilang crates ng alak. Nilagay nila yon sa mesa at binuksan ang isa.Kinuha ni Cameron ang bote ng red wine. “Gusto mo bang tingnan?”Kinuha yon ni Collin at nagulat siya. “Ito ay…”Lumaki ang ngiti ni Cameron. “Ang alak na binili mo. Sa totoo lang, may ilang spy si Ms. Serrano sa Southern Port at malaki ang naitulong nila.”Hindi naisip ni Collin na ang taong tutulong sa kaniya ay si Florence.Inangat ni Cameron ang kilay niya. “Ano sa tingin mo?’“Great, perfect.” May naisip siya pagkatapos ay natigil ang mukha niya. “Pero paano ka magpapaliwanag sa Southern Clan?”Pinaikot niya ang kaniyang buhok sa kaniyang daliri. “Nagpalit kami ng magandang kalidad ng alak sa counterfeit na alak. Hindi nila malalaman.”Natuwa si Collin tungkol s
Read more

Kabanata 2066

Nang makarating ang sasakyan sa Southern mansion, halos lahat ng maid ay tulog na.Binuksan ni Mahina ang pinto para kay Cameron at agad na pumunta ito sa courtyard pagkatapos makalabas ng sasakyan.Pero, hindi niya inakala na may makakasalubong siya.Madilim ang ilaw sa paligid at ang ilaw mula sa bahay ang nagbigay sa kaniya ng pagkakataon para makita ang tao na nasa harap niya. Tumigil sa pagtibok ang puso ni Cameron at natigil siya.Habang nakatingin sa magarbong babae na may makapal na makeup, natahimik si Waylon.Tinakpan ni Cameron ang mukha niya gamit ang kaniyang kamay at napuno ng pawis ang palaf niya.Nakalimutan niya na nasa bahay nila si Waylon.“M—” Nang makita ni Mahina si Waylon, halos lumabas ang kaluluwa niya sa gulat. Lumapit siya at tinakpan ng jacket si Cameron. “Miss, ito si Mr. Goldmann. Kaibigan siya ni Mr. Southern.”Kumunot si Waylon. Tumingin siya sa kalahating nakatakip na mukha ng babae at tumawa. “Kailan pa nagkaroon ng babaeng anak si Mr. Southern
Read more

Kabanata 2067

Habang nakatingin kay Waylon, tumawa si Cameron. “Hindi ba normal sa'kin na magkaroon ng girlfriend? At saka, nahihiya siya kaya umaalis siya baho magliwanag.”Sumingit ang nakatayong butler sa gilid niya. “Pero sir, nagising ako bago magliwanag, at wala akong nakitang babae na umalis sa bahay…”Tumingin si Cameron at tiningnan siya nang masama dahilan para mas maguluhan ang butler.Ngumiti si Waylon pero walang sinabi na kahit ano.Hindi mahilig magtago ng sikreto si Cameron. Alam na alam yon ni Sunny. Alam niyang may kakaiba dahil sa reaksyon ni Cameron, at seryoso ang mukha niya. Agad niyang iniba ang usapan at tinanong, “Nalaman mo na ba kung sino ang nag-ambush sa'yo?”“Hindi pa pero sa lakas ng loob nila na pumunta sa teritoryo natin para gumawa ng away at atakihin ako nang harap-harapan, siguro ay kumuha sila mg mula kay Fabio para patayin ako.”Pinunasan ni Sunny ang tissue paper ang kamay niya at nagpatuloy. “Mukhang hindi rin nila sinabi kay Fabio ang ginawa nila.”“Ma
Read more

Kabanata 2068

“Hindi na kailangan,” desididong sabi ni Daisie. “Hindi ko siya pwedeng bigyan ng gulo. Ayos lang ako basta alam kong ayos siya.”Ngumiti si Cameron pero walang sinabi. Mas gusto niya si Daisie kaysa kay Waylon. Kung tutuusin, malambing siya at mabait na babae. Hindi lang yon, masayahin siya at prangka, hindi tulad ng kuya niya.Kung mayroon siyang nakababatang kapatid tulad niya, ibibigay niya lahat nang pera na mayroon siya.Samantala…Tinitingnan ni Nollace ang account ng The Commune sa study. Hindi nagtagal, napagtanto niyang may kakaiba. Ilang hindi alam na funds ang lumabas mula sa account ng The Commune sa mga lumipas na taon nang nasa The Serpents ang kapangyarihan.Hindi lang yon, kundi hindi lang yon maliit na halaga ng pera. $600, 000 yon tuwing withdrawal.Tinawag niya si Jake sa loob ng study. Si Jake ang binigay na katulong sa kaniya ni Sunny. Inabot niya ang account book kay Jake at sinabing, “Tulungan mo akong malaman kung saan napunta ang fund.”Kinuha ni Jake a
Read more

Kabanata 2069

Bahagyang nagulat si Daisie. Nakapanood na siya ng musical, play, at opera pero ito ang unang beses na naranasan niya ang tulad nito. Mapapanood niya lang yon sa pelikula o kapag nasa shoot siya ng show.Kinuha niya ang kaniyang baso at sumandal sa mesa. “Ano sa tingin mo? Masarap sa pakiramdam, hindi ba? Masarap ang tsaa at maganda ang nagtutugtog ng musika sa atin.”Lumingon si Daisie pata tingnan si Cameron. “Mukhang alam mo talaga kung paano magsaya sa buhay.”Sumimsim si Cameron ng tsaa at sumagot, “Well, kailangan nating magsaya habang nabubuhay tayo. Napansin ko na bored ka na kaya dinala kita sa labas para makita ang tradisyon ng isla namin. Kung tutuusin, hindi kita papayagan na bumalik nang walang nakukuha mula sa isla ko.”Habang sumisimsim ng tsaa, sumagot si Daisie, “Alam niyo talaga kung paano maging masaya sa buhay.”“Dahil yon sa lolo ko.” Tumawa si Cameron at kinaway ang kamay niya. “Tradisyunal na lalaki ang lolo ko. Palagi niyang tinuturuan ang dad ko na huwag k
Read more

Kabanata 2070

Kumunot si Nollace. “Paano kapag nalaman mo kung saan napunta ang pera?”Sumimsim ng tsaa si Sunny at tumingin sa mesa bago sumagot, “Hindi na sila pwedeng manatili dito. Ito na ang huling awa na ipapakita ko sa kaniya.”Pagkatapos non, idinagdag niya, “Oh yeah, tulungan mo akong bantayan ang tao sa paligid ni Florence. Sa tingin ko ay nagtaksil na kay Joaqin ang iba sa kanila. Hindi niya lang alam ang tungkol doon.”Nakatayo si Daisie sa harap ng pinto. Kumatok siya sa punto dahil narinig niya ang usapan nila.Nang nagda-dalawang isip siya, may waiter na dumating sa likod niya. “Miss, bisita ka ba ng private room na ito? May maitutulong ba ako sa inyo?”Napatalon si Daisie sa takot at kinaway ang kamay niya. “Wala.”Agad siyang umalis.Binuksan ni Nollace ang pinto. Nakita niya ang waiter sa labas ng pinto, nakatitig siya sa direksyon kung saan nawala si Daisie na may nagtatakang mukha.Tumingin siya sa direksyon na yon at pamilyar sa kaniya ang katawan na nasa dulo ng corrid
Read more

Kabanata 2071

Pero hindi nakaramdam si Daisie ng kahit anong emosyon doon—sobrang dismayado lang siya.Nalulungkot siya sa pinagdadaanan ni Nollace at sa pagtitiis niya da kapahamakan at sa sitwasyon niya ngayon.Gusto rin ni Daisie na harapin sila kasama si Nollace pero hindi niya pwedeng ibuking si Nollace.Matapos ang mahabang panahon, kumawala si Daisie sa bisig ni Nollace, nanunuyo ang ngalangala niya. “Kailangan ko na umalis ngayon, Nollace. Hindi makakapagpaliwanag nang maayos si Cameron kay Waylon pag hindi niya ako makita.”Hinalikan ni Nollace ang noo ni Daisie, at may bakas ng saya ang lumabas sa puso ni Daisie.Binitawan siya ni Nollace. “Umalis ka na, at huwag ka na lumingon.”Tumango si Daisie, binuksan ang pinto, at lumabas papunta sa corridor.Sumandal si Nollace sa pader, tinaas niya ang ulo niya at huminga nang malalim, kahit na may sandaling ayaw na niyang bitawan at paalisin si Daisie.Pinakalma ni Daisie ang sarili niya at bumalik na sa private room.Nakaupo na sa kwart
Read more
PREV
1
...
205206207208209
...
277
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status