“Galit ka ba sa akin?”Mahigpit na kinuyom ni Violet ang kamao niya at umiling habang nakangiti. “Alam ko na gusto lang ang mabuti para sa akin, kaya hindi ako galit sayo.”Nang maisip niya ito, siya ngayon ang may utang na loob kay Thomas.“Thank you, Viv,” Sabi ni Thomas habang nakangiti kay Violet. “Huwag ka mag-alala. Kahit na mag-divorce kayo, magiging god-granddaughter pa rin kita. Kahit na hindi kayo pwedeng maging mag-asawa ni Jackie, pwede nyong ituring na kapatid ang bawat isa. Sa tingin ko mas mabuti na yun, ‘di ba?”Tinikom ni Violet ang labi niya. Matapos ang ilang sandaling pagdadalawang isip, sinabi niya, “Sa totoo lang, kasalanan ko ito lahat. Lolo, hindi mo rin dapat sa kaniya isisi ito.”Galit sa kaniya si Jackie dahil akala niya ganung klase siyang babae.Wala siyang pakialam paano siya tingnan ng mga tao. Kaya wala siyang pakialam sa paligid at nakagawa ng mga hindi magandang mga bagay at dumating sa punto na nakalimutan na niya gaano kabuti si Thomas sa kaniy
Read more