JUSTINNANG tawagin siyang Mrs. Calderon kanina, lihim akong napangiti. It suited her at hindi ako nagsisisi na pinakasalan siya. The only thing that will make me regret any of these is if she lied to me about the baby or anything in general. I hate being lied to.I held her hand while walking in the hallway. Maiksi lang ang pasilyo pero malinis at may ilang paintings na nakasabit. May mga portrait din ng mga sanggol na hindi ko kilala, but they are cute nonetheless. Nang buksan ng nurse ang pinto ng office ni Dra. Enriquez ay nakaupo ito sa harap ng kaniyang desktop at naghihintay sa amin.“Justin, kumusta ka na, hijo?” Kaibigan siya ni Nanay at siyang OB rin noong ipinagbubuntis ang kapatid ko.“Okay naman po, Tita Edith. Si Riz nga po pala, asawa ko. Riz, this is Dra. Enriquez. Family friend namin siya at isa sa mga kaibigang matalik ng nanay ko.”Riz extended her hand at inabot iyon ng doktora. “Napakaganda naman pala ng asawa mo. Kaya napakasal ka kaagad, e. Have a seat, Riz. How
Last Updated : 2023-04-14 Read more