All Chapters of Beckett Clainfer (Wild Men Series #24): Chapter 71 - Chapter 80

87 Chapters

Chapter 71

‘PAALISIN ang asungot, done!’ nakangiting saad ni Vivianne sa sarili habang ipinagpapatuloy ang mga dokumentong inaayos niya kanina. Pakiramdam niya, nakahinga siya nang maluwag dahil nawala na si Joan sa warehouse. Tila ba nawalan ng mga matang nagmamasid sa kan’ya, at puwede niya nang gawin ang lahat ng gusto mula ngayon. Siyempre ay hindi ‘yon totoo. Alam naman niyang halos lahat ng nasa loob ng warehouse ay loyal kay Alfred. Ganoon pa man, iba pa rin kasi talaga ang inis niya kay Joan. Tipong kumukulo kaagad ang dugo niya kada makikita ‘to. “Sana magtanda na siyang buwisit siya,” muli niyang bulong habang nagso-sort ng dokumento. Dahil si Joan ang nag-aasikaso ng karamihan sa mga illegal na gawain ng mafia rito sa main branch, kailangang saluhin ni Vivianne ang ibang trabahong maiiwan ng babae. Katulong naman niya roon si Jill, habang kinuha naman ni Alfred ang maseselang trabaho na hindi niya pa kayang ipagkatiwala kay Vivianne. Imbes na mainis, mas nasiyahan pa si Vivianne
last updateLast Updated : 2024-05-08
Read more

Chapter 72

TAMA naman si Vivianne sa kan’yang hinala. Nakakuha ang kalabang grupo ng tip na kasama ang anak ni Alfred Allamino sa susugod sa kanila ngayong gabi. Hindi nila puwedeng palampasin ang oportunidad na ‘yon.Puwede kasi nilang kunin si Vivianne at gamitin laban kay Alfred upang ipawalang-bisa nito ang utang nila, o kaya naman ay makahingi pa ng maraming pera.“Itatakas kita, dahil kapag nanatili kami rito, mawawalan ng saysay ang pakikipaglaban namin,” saad ni Riz.Ngunit nag-aalinlangan pa rin si Vivianne. Looking at how they are at a disadvantage, she was reluctant to leave.“We can defeat them. Team mo kami, hindi ba? Kaya magtiwala ka sa amin.” Ngumiti si Riz, at napatango na lang si Vivianne bilang tugon. “Let’s go.”Bryle and Riz nodded to each other. Hinila na siya ni Riz sa likuran, at ang magtatangkang humabol sa kanila ay kakalabanin ni Bryle at ng ilan pang natirang tauhan niya.Napadpad sila sa may gubat. Tatakbo pa sana ulit si Riz nang pigilan siya ni Vivianne. “Go back t
last updateLast Updated : 2024-05-08
Read more

Chapter 73

“AH, pucha!” Napamura si Vivianne nang madaplisan muli ng bala ang kan’yang braso. Kamuntikan niya pang mabitawan ang baril pero mabuti na lang at malakas pa rin ang pagkakahawak niya rito.Napatingin si Beckett sa kan’ya, at napamura ang binata nang makitang dumudugo na ang braso ng asawa. Doon ay tuluyan nang nawala ang pagiging kalmado niya. He took the guns on the ground and shot everyone… until the last one stumbled to the ground.Ang huling binaril ni Beckett ay ang lalaking bumaril kay Vivianne. Apat na bala ang nakatanim sa katawan nito; sa magkabilang braso at tuhod para hindi ito makagalaw.“You shot her, didn’t you?” tanong ni Beckett, at hindi sumagot ang lalaki. “Well, be ready to experience hell.”Lumapit si Beckett sa lalaki. Sinipa niya ang baril papalayo bago nagpaulan ng suntok. Napapasigaw ang lalaki dahil ang mga pinupuntirya ni Beckett ay ang mga may tama ng baril.Pero tila isang baliw si Beckett na gustong maghiganti. Habang naririnig ang mga pagmamakaawa ng la
last updateLast Updated : 2024-05-09
Read more

Chapter 74

“BECAUSE she’s my daughter. The next heir of the company and the mafia. Kung sa ganitong bagay lang ay hindi ko siya mapagkakatiwalaan, paano ko ipapamana sa kan’ya ang lahat ng ‘to?”“But Vivianne wasn’t interested in those things, and this is too dangerous. If I wasn’t able to go there in time, she might have died.” Nagtangis ang bagang ni Beckett nang sabihin ‘yon.He can’t imagine what he would do if Vivianne died. Hell, he couldn’t even imagine a life without her. Kapag nangyari ‘yon ay parang namatay na rin siya.“Kung namatay siya, ibig sabihin ay hindi siya karapat-dapat tawagin na anak ko,” sagot ni Alfred nang walang pag-aalinlangan. “This is her fate, and not her dream to be a dress stylist. Hindi ‘yon ang nababagay na mundo para sa kan’ya.”“And who are you to decide what she should do?” tanong ni Beckett bago nagpakita ng nakalolokong ngiti. “By the way, I can train her. I know that you did a background check about me. Alam mo na kung sino talaga ako.”Ngumisi si Alfred.
last updateLast Updated : 2024-05-09
Read more

Chapter 75

KATULAD ng sinabi ni Alfred, nagtayo ulit sila ng panibagong negosyo, at hindi katulad ng nauna nilang business, mas malago ang negosyo nila ngayon. Kumikita rin sila ng malaking pera dahil malaki rin ang nahanap ni Alfred na pera pang-invest.Ylona and Dyrus worked under his authority, too. Naisip nilang magaling pala mamahala ng negosyo si Alfred kaya karamihan ng mga desisyon ay kay Alfred nila ipinagkakatiwala.Maayos na sana ang lahat, pero may nalaman si Ylona, dahilan para sugurin niya si Alfred sa office nito.“Alam kong magkaibigan tayo, Ylona, pero rito sa kumpanya ay boss mo ako. Matuto kang kumatok,” saad ni Alfred habang nagbabasa ng mga dokumento sa lamesa. Ni hindi niya nilingon ang dalaga.Hindi sumagot si Ylona. Imbes ay padabog nitong inilapag ang mga dokumentong nasa kan’yang kamay sa lamesa ni Alfred, dahilan para mapatigil ang binata sa ginagawa.“Embezzlement, bribery, pakikipagkonekta sa black market, at maging ‘yong perang pinang-invest mo para itayo ‘tong kump
last updateLast Updated : 2024-05-09
Read more

Chapter 76

“HUWAG kang mag-alala. Hindi ako aalis,” sagot ni Ylona matapos ang ilang segundong pananahimik.“Great. Then I’ll call Dyrus.” Niyakap ni Alfred si Ylona dahil sa tuwa. “All of us will be together here… and we will be successful. Right?”“Right.”Ngumiti si Ylona, ngunit hindi naman talaga siya mananatili rito dahil tuluyan na niyang tinanggap ang masasamang gawain ni Alfred.She’s his friend… And she needs to make everything right.Kaya naman kahit labag sa kalooban ni Ylona, nagtrabaho siya roon sa mafia. Kinukuha niyang pilit ang tiwala ni Alfred, at ganoon din si Dyrus. Sinabihan kasi siya ni Ylona tungkol sa plano nito—Na itatakas nila ang mga babaeng nakakulong sa warehouse, pagkatapos ay aalis na rin sila.Isang araw, planado na sana ang lahat. Nakahanda na ang mga sasakyan sa labas, at ihahanda na rin sana ni Ylona at Dyrus ang mga gamit nila para sakali mang magkaroon ng labanan, may magagawa sila.“Dyrus, magdala ka rin ng kutsilyo para sigurado,” utos ni Ylona habang nilal
last updateLast Updated : 2024-05-10
Read more

Chapter 77

NAGTAGUMPAY si Ylona na gawin ‘yon. Nang makauwi ay sinabi niya sa kan’yang asawa ang lahat, kaya naman nagpakalayo-layo sila at nagtago mula kay Alfred. For years, they succeeded in maintaining a simple life. Akala nga nila ay tumigil na si Alfred sa paghahanap sa kanila noon… pero hindi pala. Dahil noong saktong papauwi pa lang si Beckett galing sa Milan, saktong natunton sila ni Alfred at kinuha ang buhay nilang dalawa. “Tangina,” napamura na lang si Alfred nang maalala ang lahat ng ‘yon. “How dare they betray me like this?” dagdag niyang bulong, naiinis dahil pakiramdam niya ay naisahan siya. Pero hindi niya hahayaang maulit ang nakaraan. Mahina pa siya no’n at marunong pa magtiwala, pero ngayon ay hindi na. Alfred took his phone and called someone. “Joan.” “Sir Alfred!” masayang bati ni Joan sa kabilang linya dahil hindi niya inaasahang tatawagan siyang muli ni Alfred. “M-May ipapagawa ka ba sa akin? Gagawin ko ang lahat para lang makabawi!” “This is the last time I’ll give
last updateLast Updated : 2024-05-10
Read more

Chapter 78

HINDI nagtagal ay ginawa na ni Beckett at Vivianne ang mga bagay na pinlano sa Agrianthropos. Ipinaalam na rin nila kay Ella ang mangyayari nang sa gayon ay hindi ito magulat kapag nakaramdam na siya ng sakit sa kan’yang puso.Now, they were at the Allamino mansion. Dalawa lang sila dahil nasa office lang si Alfred at nagbabasa ng mga dokumento. Kumakain ng dinner ang mag-ina, at nilagyan na ni Vivianne ng gamot ang inumin nito.Nagkukuwentuhan sila habang kumakain. Si Vivianne naman ay pasimpleng tumitingin sa orasan. Her and Beckett planned this specifically, kaya may kailangan silang sundin na oras. Inabangan ‘yon ni Vivianne.“Anak, oras na yata para manood ako ng paborito kong KDRAMA,” saad ni Ella.It was a code. Nagtatanong si Ella kung oras na ba para inumin niya ang tubig sa lamesa na may lamang gamot.Tumingin si Vivianne sa orasan bago tumango. “Oras na nga, ma. Ihahatid na ulit kita sa kuwarto pagkatapos natin kumain.”“Sige.” Tinapos na ni Ella ang pagkain, at nilagok ang
last updateLast Updated : 2024-05-11
Read more

Chapter 79

PUMASOK na si Vivianne sa loob ng kuwarto ng ina. Umupo siya sa gilid nito habang tahimik na umiiyak. Hindi siya mapakali dahil kanina lang ay nakakausap niya pa ito nang maayos, ngunit ngayon, para na itong lantang gulay. Namumula ang balat, at nakaratay sa kama.“Ma… I’m sorry,” bulong niya sa ina at bahagyang pinisil ang kamay nito.Pakiramdam ni Vivianne, kasalanan niya ang lahat ng nangyari. She couldn’t blame anyone on this, pero kanina ay sumabog na siya sa dami ng problemang pinagdaraanan.Her trauma hasn’t healed yet. Malaki ang trust issues niya. Alam niya rin na dapat hindi naging ganoon ang trato niya kay Beckett kanina, lalo na at gusto lang naman nitong tumulong. But because of what happened, her walls were up again.“I’m sorry, Beckett…” aniya, at maya maya ay tuluyan nang bumuhos ang luha nito.Pero lingid sa kaalaman ni Vivianne, sumunod si Beckett sa kan’ya. Nabuksan na nito ang pinto at handa na sanang pumasok sa loob, pero nang makita kung gaano kalungkot si Vivian
last updateLast Updated : 2024-05-12
Read more

Chapter 80

KAAGAD nahampas ni Beckett ang pader nang maisip ‘yon. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Binilisan niyang maghanap ng papel at ballpen para isulat doon ang mga nasa isip niya.Mabuti na lang at memorize niya pa ang ingredients, at alam niya rin ang mga gamot na puwedeng makagulo sa chemicals.Dahil sa walang katapusang pag-iisip, naging mabilis tuloy para kay Beckett ang tatlong araw na lumipas. Ni hindi niya namalayang dalawang beses sa isang araw na lang pala siya kumakain, at halos buong araw ay nakaupo lang siya sa gilid at nag-iisip.Halos isang buong notebook na ang nasulatan at na-drawing-an niya ng kung anu-ano. Everything was settled, kaya naman ang kailangan na lang niyang gawin kapag nakalabas ay pumunta sa warehouse at i-test ang lahat ng naiisip niya.“Kung tama nga ang naiisip ko, ibig sabihin ay ‘yong isa pang ininom ni Ella ang dahilan kung bakit siya na-comatose. It was the reason for her nosebleed, too,” bulong ni Beckett habang nakatitig sa notebook niya.Nabo-bo
last updateLast Updated : 2024-05-13
Read more
PREV
1
...
456789
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status