Let's Talk. Humihikab pa akong lumabas ng kotse ni Hanna matapos ako nitong ipahatid sa driver n’ya. Gustuhin ko man sanang magpaalam kay Athan bago ako umalis kanina ay minabuti kong wag na. He’s still sleeping at alam kong mamaya pa ang gising. Nakakatuwa dahil kahapon ko lamang nakilala ang bata pero parang ang tagal na naming magkakilala. Ngayon palang ay namimiss ko na agad si Athan. I should buy him toys, at tatawag na rin ako kay Hanna to check up on them. Miss na miss ko ang babaeng iyon at sino nga namang mag-aakalang uuwi itong may-anak na. Napailing nalang ako sa naiisip ko, tinignan ko ang oras sa suot kong relo. I’m ten minutes late, but it’s okay. Siguro kung hindi ko lang nalaman ang naranasan ni Hanna sa pamilya ni Mr. Dela Fuente, siguro ngayon ay lakad-takbo na ang nagawa ko makaakyat lang sa office ni Mr. Dela Fuente. “Good morning Ma’am, late po ata kayo?” Iyon agad ang bungad sa akin ni manong guard habang nag log-in ako sa log book nito. “Malayo pa po kase
Read more