Lahat ng Kabanata ng AMAZING TWINS: MOMMY WE FOUND OUR SCUMBAG DADDY: Kabanata 51 - Kabanata 60

83 Kabanata

CHAPTER 51 - TRIAD

"Leticia!" Halos na maos na ang boses ni Crystal sa kakasigaw ng pangalan nito sa labas ng pintuan. Kung ano-ano na ang tinatalak nito sa labas. Sarap lagyan ng Duct tape ang bunganga.Hinawakan ni Ciara ang wheelchair ng matanda at tinulak ito palabas. Naririndi na siya sa boses ng babae. “Chairman Leticia, pasensya na po, gusto ko man kayong manatili rito para sa anak niyo ngunit nakakabulahaw na ang bunganga ng hilaw mong manugang.” Binuksan niya ang pintuan kahit pa ayaw ni Leticia."Crystal, baka nakalimutan mo na isa kang modelo. Ano na lang ang sasabihin ng mga tagahanga mo kapag nakita nila na daig mo pa ang nasa palengke kung sumigaw!" Diniinan niya ang huling sinabi.Sa halip na sagutin siya, tinapunan lang siya ng matalim na tingin nito at muling tinuon ang atensyon kay Leticia. Halata ang galit sa mukha nito."Kunin nyo ang matandang 'yan at dalhin sa kotse!" Utos nito sa mga tauhan. Nagulat siya ng biglang kumapit ng mahigpit ang mga kamay ni Leticia sa laylayan ng besti
last updateHuling Na-update : 2023-05-19
Magbasa pa

CHAPTER 52 - MY SON, PHOENIX

“Sweetheart, kailangan nating makuha si Mommy.” bigla niya narinig ang boses ni Clarence. “Akala ko ba–”“Nagsasabi siya ng totoo.” Agaw nito sa sinabi niya. “Sweetheart alam ko malaki ang kasalanan niya sa atin, ngunit ang tungkol sa Triad at Planetarium na sinasabi niya, totoo lahat ng yun. Walang nakakakilala kay Demon Master, maliban sa akin at hindi iyon alam ni Mommy.Naguguluhan siya sa sinabi nito. “Paano mo siya nakilala gayung ang ibang boardlord, hindi?” curious niyang tanong.“Dahil siya ang tumulong sa akin kung paano lumaban. Kasama ko siya sa loob ng tatlong taon, noong nag-aaral pa lang ako sa states. Nagkakilala kami ng minsang iniligtas niya ang buhay ko. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Itinuring ko siyang parang aking ama. Simula pagkabata hindi ko nasilayan ang aking ama kaya siguro, magaan ang loob ko sa kanya. Walang sinuman na nakakaalam niyon, dahil sumumpa ako sa kanya na panatilihing lihim ang lahat. Matapang akong lumusob sa Triad noon upang kunin an
last updateHuling Na-update : 2023-05-19
Magbasa pa

CHAPTER 53 - THE TRUTH

Tumayo siya ng makita na pinipilit nito ang katawan upang makabangon sa higaan. Mabilis niyang nilapitan ito at tinulungan na makabangon. Ngunit nagulat siya ng bigla na lang yumakap sa kanya ng mahigpit.“My son,” naluluhang wika nito dahilan upang lalo siyang magtaka. “Master, sandali, naninibago po ako sa inyo. Di ba babae ang inyong anak?” takang tanong niya. “No, naalala ko na ang lahat. Ikaw ang anak ko.” Sagot nito. “Kung ganun, sino ang babaeng sanggol sa picture na pinakita mo sa akin?”muli niyang tanong. “Ang picture na nasa wallet ko ay anak ng matalik kong kaibigan.” "Huh?" Nagkasalubong ang dalawang kilay ni Clarence dahil sa narinig. Hindi kayang tanggapin ng kanyang sarili na ang lalaking hinahangaan, nagligtas, at nagturo sa kanya kung paano lumaban; ang taong naging dahilan kung bakit siya naging si Black Phoenix at tinanghal bilang ikapitong Boardlord ng Planetarium ay siyang totoo pala niyang ama. Kumalas siya ng yakap mula rito at tiningnan ng may pagtataka. G
last updateHuling Na-update : 2023-05-20
Magbasa pa

CHAPTER 54 - LORD DEMON

"Master Black, gusto kayong makausap ng Demon Master."Napalingon si Clarence ng marinig ang boses ni Brando. Mahigit dalawang linggo na ang nakalipas simula ng malaman niya ang katotohanan. At sa loob ng dalawang linggo, wala na rin siyang ginawa kundi ang manood kung paano nahihirapan ang kanyang ama. Palala ng palala ang sakit nito, ngunit wala man lang siyang magawa para ito’y matulungan. Marami na siyang Doctor na nakausap tungkol sa kondisyon nito, ngunit lahat sila isa lang ang sinasabi, ang ihanda niya ang kanyang sarili dahil hindi na ito magtatagal.“Master.” Narinig na naman niya ang tawag Brando, ngunit nanatili lamang siyang nakaupo sa malaking bato habang nakatunghay sa dagat. Suminghot siya at lihim na pinahid ang luha niya. Alam na niya kung bakit siya pinapatawag ng kanyang ama. Ngunit wala siyang lakas ng loob upang harapin ito. “Master, alam kong mahirap man tanggapin ngunit kailangan mong harapin ang katotohanan. Mas masakit kung hayaan mo siyang mawala na hindi
last updateHuling Na-update : 2023-05-23
Magbasa pa

CHAPTER 55 - THE BLOOD MERCENARIES

Matapos nilang bumalik sa Planetarium, nagkanya-kanya ng trabaho ang lahat ng mga tauhan niya ayon sa kanyang inutos. Papasok na sana siya sa kanyang chamber ng biglang lumuhod ang isa sa kanyang mga tauhan sa kanyang harapan dahilan upang huminto siya sa paglalakad.“My Lord, patawad po, ngunit nakatakas po ang dalawang bihag natin.”Hindi man lang niya pinag-aksayahan na tingnan ang tauhan niya na lumuhod sa kanyang harapan. Pinasok niya ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon niya. “Bakit nakatakas?” kalmado niyang tanong ngunit ramdam ng lahat na mga nakapaligid sa kanya ang takot.“M–my Lord, hindi ko po alam kung bakit, ngunit pagbalik ko po sa kanilang kulungan, wala na po sila.”“At nasaan ka?” unti-unting lumiliit ang pasensya niya.Namumutla ang tauhan nag nagbabantay sa bihag. Pautal-utak itong sumagot. “Ka-kasalukuyan po ak-akong may ginagawa noong tumakas sila, m-my Lord.” “Baril,” isang salita lang ang binigkas niya ngunit naintindihan agad iyon ni Levi na kanyang na
last updateHuling Na-update : 2023-05-23
Magbasa pa

CHAPTER 56 - AMAZING TWINS JOURNEY

"Zariah, why did you do that?" Galit na wika ni Clyde habang hinahabol ang kapatid sa paglalakad. Kasalukuyan sila nasa loob ng DelCas School. Kung dati hiwalay sila ng eskwelahan, ngayon dalawa na sila ang nag-aaral dito. Alam na rin ng lahat na kambal sila na anak ng CEO. Galit siya dahil sinuntok ng kapatid ang kaklase nila."To escape the Class!" Huminto si Zariah sa paglalakad at binalingan siya."Why? What is your problem, huh?" Lumapit siya sa kapatid. Protector siya nito physically and emotionally. Ayaw niyang nakikita na nasasaktan ang kapatid niya. Niyakap niya ito ng bigla na lang umiyak."Tell me my little sister," bulong niya sa kapatid."Kuya I'm sorry, but that is part of the plan. I have no problem, but we need to go out and find mommy," sagot ni Zariah sa pabulong na paraan na sila lang ang nakakarinig. Maraming mga men in black na nagbabantay sa kanila, ngunit alam ni Zariah na may ilan na nagpapanggap lang. Sa tuwing gabi, nakababad siya sa harapan ng laptop upang p
last updateHuling Na-update : 2023-05-26
Magbasa pa

CHAPTER 57 - LORD DEMON'S WRATH

Sumenyas si Clyde sa kambal na siya muna ang tatayo para alamin kung tuluyan ng nakaalis ang mga tauhan. Hindi naman gumalaw si Zariah mula sa kanyang kinaroroonan. Bumangon lang siya ng makita na pinapaypay siya ng kambal. "Tulungan mo akong humanap ng panghukay." Wika ni Clyde at nagmamadaling inikot ang paligid sa paghahanap ng gagamitin."Kuya, ito ang ginagamit nila sa paghuhukay kanina." Tinaas ni Zariah ang spade at shovel para makita ng kuya niya.Mabilis naman na lumapit si Clyde sa kambal at kinuha ang spade. "Halika bilisan natin, baka hindi na makahinga si Mommy. Almost 3 minutes na ang nakalipas." Nagmamadaling wika ni Clyde habang hinuhukay ang pinag libingan sa mommy nila. Hawak naman ni Zariah ang shovel, tinulungan niya ang Kuya niya na magbungkal ng lupa."Bohoho, Kuya I'm really tired na, ngunit hindi pa tayo nangalahati sa paghuhukay. Baka hindi na makahinga si mommy." Binalingan ni Clyde ang kapatid. Kahit nanlalabo na sa pinaghalong pawis at luha ang kanyang mg
last updateHuling Na-update : 2023-05-26
Magbasa pa

CHAPTER 58 - JANO

Malakas na hinagis ni Clarence ang katawan ng tauhan na pinaghahampas niya sa hukay bago patakbong hinabol ang apat na gustong tumakas sa kanya.“Saan kayo pupunta, huh?” Nanlilisik ang kanyang mga mata na inunahan sa pagtakbo ang apat at hinarangan ang mga ito. Mabilis niyang tinadyakan ang dalawa at pinatid sa paa ang sumunod na dalawa pa. Sabay-sabay ang mga ito na natumba. Tinagurian ang mga ito na malakas sa mga grupo na pinili niya, ngunit parang papel lang ang lakas ng mga ito para sa kanya. Sabay-sabay na lumuhod ang mga ito sa kanyang harapan habang umiiyak. “My Lord, pata—,” Pak “Arrgh!” umigting na naman ang mga panga niya ng marinig ang salitang patawad. Kaya hindi na niya pinatapos pa na kumpletuhin ang pagsasalita nito at agad na niyang binali ang buto sa leeg. Walang puwang sa puso niya ang salitang patawad, lalo na at binigay niya ang buong tiwala niya. Ipinagkatiwala niya sa kamay ng mga ito ang kanyang pamilya dahilan na kahit sarili niya ngayon hindi niya rin kayan
last updateHuling Na-update : 2023-05-27
Magbasa pa

CHAPTER 59 - DOCTOR CAIL DEL RIO

"Bakit master?" Nag-alalang tanong ni Lesly ng marinig ang pagmumura ni Clarence. Imbes na sagutin ang tanong ni Lesly. Iba ang pumapasok sa isipan ni Clarence kaya niya ito tinanong. "Nakita niyo na ba si Jano?" "Hindi pa master. May iniwan akong mga tauhan doon upang magmanman sa lugar sakaling may barkong parating. Nabalitaan ko kasi mula kay Donya Amanda ang nangyari kay Master Red kaya nagmamadali kaming bumalik rito." "Ano oras ang dating ng barko nila?" tanong niya. "Mamayang mga alas onse ng gabi pa raw ang dating nila, Master. Inutusan lang kami ni Master Red na magmanman doon ng maaga upang makapaghanda kaagad kami. Baka daw sinabi lang na sa gabi darating ang mga iyon ngunit ang totoo sa umaga pala sila aatake." Nagbuga ng hangin si Clarence. Nakapamewang na tinitigan niya si Lesly. "Sino ang nag inform kay Ciara na parating si Jano?" "Mayroon lang daw siyang natanggap na impormasyon, Master. Kaya pinapunta niya kami upang kumpirmahin kung totoo ang impormasyon na kan
last updateHuling Na-update : 2023-05-30
Magbasa pa

CHAPTER 60 - AMAZING TWINS BACK STORY

“Doctor Cail!” sigaw ni Clarence ng maabutan niya ang Doctor na papasok sa sasakyan nito. Nakita niyang sandali itong tumigil sa pagbukas ng pintuan ng kotse. Malaki ang kanyang mga hakbang na nilapitan ito bago pa ito tumakas sa kanya.“Ano ang kailangan mo?” Halata ang panunuyo ng lalamunan ng Doctor habang nagsasalita. Ramdam niya ang kaba nito.“Alam mo kung ano ang dahilan kung bakit gusto ka namin makausap ng asawa ko.” sagot niya dahilan upang mapatitig sa kanya ang Doctor.“Ikaw ang ama ng dalawang kambal?” tanong nito.“Oo, kaya gusto kong malaman kung ano ang nangyari bakit nagkahiwalay sila? Paano napunta sa akin ang isang anak ko, samantalang ang isa naman nanatili kay Ciara?” naguguluhan niyang tanong. Nakita niyang nagpalinga-linga ang Doctor sa paligid bago binalingan siya.“Hindi na mahalaga na malaman mo. Kung gusto mo ng tahimik na buhay, huwag mo ng alamin.” sagot nito sa kanya dahilan upang umakyat ang dugo sa ulo niya. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito na
last updateHuling Na-update : 2023-05-30
Magbasa pa
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status