CRYSTAL POV"Nandiyan si Courtney, Ma'am Crystal. Kasama si Amethyst."Mula sa binabasang dokumento ay nag-angat siya ng tingin kay Fe. Bitbit nito ang kapeng hiningi niya."Same school pala sila ni Serenity?" tanong nito bago ilapag sa mesa ang kape.Kumunot ang noo niya. Pang-limang araw na ng anak niya sa eskwela pero hindi nito nabanggit si Amethyst. Atsaka, kailan pa nagsimulang mag-aral si Amethyst?"Hindi ako updated. Ayos lang basta't nag-e-enjoy si Serenity," tipid niyang sagot atsaka kinuha ang kape."Si Royce, nasa kabilang opisina lang. Dito na yata maglalagi."Kumibit balikat siya bago humigop sa kape."Kahit mapunta ito kay Raphael, sigurado namang hindi niya paaalisin ang kapatid niya, Fe.""Pero kapag napunta ito kay Sir Royce, tiyak na patatalsikin kayo ni Miss Courtney."Umangat ang gilid ng labi niya, "Kung magagawa niya."Napangiti ito at napailing. Magsasalita pa sana ito kung hindi lang umilaw ang cellphone niyang nasa mesa. Nilalapag na niya roon dahil minsan ay
Read more