"Bwisit!"Gigil niyang nilapag sa mesa ang babasaging baso na katatapos niya lang inuman. Naiinis siya at literal na kumukulo ang dugo niya para kay Raphael.Sa binigay kasi nitong kondisyon ay talo pa rin siya. Malamang na hindi niya rin maiiwan ang magiging anak niya rito kung sakali."Mukha ba akong palahiang baboy?! Ka-gigil!" inis niyang angil habang nakatingin sa labas ng kusina na akala mo naman ay naroon si Raphael."Kapag talaga ako nakabalik, lintik lang ang walang ganti," bulong-bulong niya muli bago dumausdos ng upo sa upuan at sinubsob ang mukha sa mesa."Oh, kumalma ka na, Hija. Hindi ka rin pakikinggan niyan."Agad siyang napatingin kay Yaya Lilit na kapapasok lang sa kusina. Nakangiti pa ito na tila nasisiyahan sa nangyayari sa kanya."Ang hirap pakiusapan niyang alaga mo, Nay. Hambog na nga, damuho pa!" hindi niya mapigilang lakasan ang boses para sana marinig ni Raphael na nasa kwarto na yata.Mahinang natawa ang Ginang sa kanya, "Paano ka ba kasi makiusap? Sinusuyo
Read more