Matapos ang isang gabi ng ganap na paghihintay, ngayon ay binabagtas na ni Arianne ang daan patungong Hotel Uno kung saan sa magtatrabaho. Sakay ng isang bus, parang ninanamnam ni Arianne ang bawat bago at kakaibang amoy ng hangin sa syudad. Nakasuot siya ng itim na shades, nakablouse ng kulay puti at paldang itim. Sa kaniyang ayos ay hindi siya mahihinuhang disente o fashionista, pero sa kaniyang pigura, mababakas na isa siya sa mga gustong makikipagsapalaran malayo sa pamilya. At ang taglay na awra ng katapangan at determinasyon ay isa sa mga pangunahing character ng tunay na may pangarap. MAGKAHALONG kaba, eksaytment at pag-asam ang parehong nararamdaman ni Arianne habang papasok na sa opisina ng kausap niya kaninang umaga sa cellphone. Hindi naman siya nahuli sa time dahil sa katunayan, advance ng 5 minutes ang relo niya. Ginawa niya iyon para mas maaga pa siya sa kaniyang time sched. Una na niyang binati ang mga nakakasalubong sa kaniya ngunit hindi kilalang personalidad. Ugali n
Huling Na-update : 2023-03-14 Magbasa pa