"Maligayang pagbabalik sir, Guevara at maligayang pagdating rin sa inyo Mrs. Guevara." Sabay-sabay na bati sa amin ng apat na taong narito, may mga naka-sumbrero at nakasuot na pang-chef at dalawang babae na pareho ang suot."Sir nakahanda na po ang pagkain." nakangiting sabi ng babae na mediyo may edad na."Kumain muna tayo." aya niya sa akin.Sumunod lang ako sa kaniya at panay ang tingin ko sa paligid, kasi yung style nitong bahay para bang sinauna. Kasi ang hagdan hindi bato, para bang alaga sa lampaso sa bunot. Ang mga display dito na painting pang sinauna at mga upuan yung mga narra at may mga design sa ibabaw, pati ang mga kurtina na malalaki. Pero masasabi kong ang ganda at sobrang linis.Ang lamesa na mahana na yari sa narra rin pero may salamin ang ibabaw, maraming masasarap na pagkain ang narito at hindi ko inaasahan dahil yung karaniwang pagkain ang nandito. Tulad ng adobo, langka na gata pritong tilapia, may mangga sinagang na baboy at inihaw na bangus."Kumakain ka pala
Read more