HestiaManilaKagagaling ko lamang sa training center na pinapasukan ko under TESDA. Kumuha ako ng drafting course dahil walang pera pang-enroll sa Fine Arts school. At ngayong araw ang aming isang taon bilang magkasintahan ni Jason, kaya naman balak ko itong sopresahin sa kanyang tinutuluyang boarding house.“H-Hestia?!” gulat na tawag ni Danny sa akin na kasama ni Jason sa boarding house nang makapasok ako.“Hi,” nakangiti ko bati ngunit napansin ko parang taranta ito. Nagtanong ako, “Si Jason?”“A-ah, wala siya,” utal na sagot ni Danny.“Saan siya nagpunta? Mamayang gabi pa ang work niya,” nagtataka ko sabi. Sa call center nagtatrabaho si Jason at panggabi ito ngayong buong linggo. Hindi ito tumawag ngayong araw na pinagtatakhan ko dahil imposibleng makalimutan nito ang anibersaryo namin.“B-baka susunduin ka niya sa training center at nagkasalisi lamang kayo,” hinala ni Danny.“Baka nga,” hindi makapaniwalang sambit ko. Iba ang kutob na nararamdaman ngunit hindi ko ito maipaliwana
Huling Na-update : 2023-11-25 Magbasa pa