Home / Romance / For The Love Of Fiona / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of For The Love Of Fiona: Chapter 11 - Chapter 20

53 Chapters

CHAPTER 11

Agad na napalabas si Randall nang makarinig ng ingay mula sa labas. Kasalukuyan siyang nasa kusina ng mga Olvidares at umiinom ng tubig nang marinig niya ang mga tinig ng wari ay mga nag-uusap.Mula sa kusina ay tinungo niya ang entrada ng bahay. Mula roon ay nakita niya ang security guard na akmang papasok pa lang. Sa maliit na gate ito dumaan at napapakamot pa ng ulo nang bumalik sa pwesto nito.Randall walked towards him. "Anong nangyari?" usisa niya pa dito."Eh, Mr. Mondejar, si Ma'am Fiona ho kasi," alanganin nitong sabi sa kanya."Why?" mariin niyang sabi dito. Agad na naging alerto ang kanyang diwa nang marinig ang pangalan ng dalaga."Lumabas ho. Kasasakay lang ng taxi. Ang sabi ko nga ay hindi maaari kaso---""Bakit hinayaan mo na makalabas?" bigla ay singhal niya dito. "Buksan mo ang gate!"Mabilis niyang nilapitan ang kanyang sasakyan na kasamang nakaparada sa garahe ng mga Olvidares. Mula sa bulsa ng kanyang pantalon ay kinuha niya ang susi niyon. Kasama ang susi ng kanya
last updateLast Updated : 2023-03-20
Read more

CHAPTER 12

Marahang iginala ni Fiona ang kanyang mga mata sa kabuuan ng lugar. Marami ang tao at halos mag-unahan sa pagbaba ng barko. Sila ni Randall ay naroon pa rin sa upper deck at sadyang pinauna ang mga kasamahang pasahero sa pagbaba.Hindi niya pa maiwasang mapabuga ng isang malalim na buntong-hininga. It was her first time to take a public ferry boat. Sa tuwing pupunta siya sa ibang lugar ay lagi nang eroplano ang pinipili niyang sakyan. Maliban sa mas mabilis ay mas komportable pa iyon para sa kanya.At kanina ay halos hindi niya sang-ayunan ang nais ni Randall. Sakay ng Sedan nito ay agad silang bumiyahe patungong Lucena port upang sumakay ng isang ferry patungong Marinduque. Maging ang sasakyan ng binata ay kasama nila sa pagbiyahe.Nakahabol sila sa last trip patungong Marinduque. Gabi na rin at kung tutuusin ay maaari siyang matulog sa biyahe ngunit hindi niya ginawa.Hindi niya alam kung sinadya ni Randall na huwag paburan ang nais niya na eroplano ang sakyan nila patungo roon. Ang
last updateLast Updated : 2023-03-22
Read more

CHAPTER 13

"Ayos ka lang ba, hija?" narinig niyang sabi ni Tatay Lando nang makita ang pagkasamid niya.May bahagyang natapon pa na kape sa may dibdib niya na agad niyang pinunasan gamit ng kanyang palad."Are you okay?" wika naman sa kanya ni Randall.Hindi ito sinagot ni Fiona bagkus ay mas binalingan ang matandang lalaki. "H-Hindi ho kami---""Magpahinga ka na rin ho, 'tay," singit ni Randall dahilan para hindi niya naituloy ang mga nais sabihin. "Ituturo ko na lang kay Fiona ang gagamitin niyang silid. 'Pag lumiwanag na at gising na si Nanay Luz ay lilipat na ho kami sa kabila."She stared at Randall. Halos panliitan niya ito ng kanyang mga mata. It was so obvious that he stopped her from telling Tatay Lando the truth. At hindi niya alam kung bakit nito iyon ginawa.Iyon ba ang sadyang sinabi nito sa matandang lalaki? Iyon ba ang pakilala nito sa kanya sa abuelo nito? She saw them talking at the kitchen a while ago. Iyon ba ang pinag-usapan ng dalawa?"Kuu, alam mong walang kaso kahit dito pa
last updateLast Updated : 2023-03-23
Read more

CHAPTER 14

Marahang iniunat ni Fiona ang kanyang katawan kasabay ng dahan-dahan niyang pagmulat ng kanyang mga mata. At first, she felt the discomfort. Waring nananakit ang kanyang likuran dahil sa nipis ng kutson sa kanyang kinahihigaan. Ramdam niya rin ang sikip sa pang-isahang papag na kanyang tinulugan. Malayong-malayo iyon sa malapad na kama na nasa kanyang silid sa kanilang bahay.She glared at her surrounding as she opened her eyes. Halos marinig niya ang mumunting huni ng ilang ibon na nakadapo sa kalapit na punong-kahoy. She almost smiled by that. Ibang-iba iyon sa maingay na siyudad ng Kamaynilaan.Nang maalala na nasa ibang lugar nga siya ay agad na siyang napaupo sa higaan. Isinuklay niya pa ang kanyang mga daliri sa kanyang buhok kasabay ng pagsulyap sa labas ng bintana.Naalala niyang sadyang binuksan iyon ni Randall upang pumasok ang preskong hangin sa loob ng silid. And what he did really helped her, somehow, to have a rest.Maliwanag na sa labas. Mayroon pa siyang pakiramdam na h
last updateLast Updated : 2023-03-25
Read more

CHAPTER 15

"So, it was really your idea, Kuya Lucas?" Hindi maiwasang lakipan ni Fiona ng inis ang kanyang tinig habang kausap niya ang kanyang nakatatandang kapatid.Naalala niyang binanggit sa kanya ni Randall na suhestiyon ng kanyang Kuya Lucas na ilayo muna siya sa kanilang lugar upang mailayo rin siya sa mga taong nasa likod ng muntikan nang pagkakadukot sa kanya.Ngayon nga ay inalam niya kung totoo nga ba iyon. Tinawagan niya ang kanyang kapatid upang kumustahin ang mga ito at itanong na rin ang tungkol sa bagay na iyon.Maliban kasi sa may bodyguard naman siya sa katauhan ni Randall ay nasisiguro naman niya na hindi siya pababayaan sa Manila ng kanilang Uncle Ronniel. Sa sobrang lapit nito sa pamilya nila ay pamangkin na rin naman ang turing sa kanila nina Ronniel at Arianna, anak pa nga kung tutuusin.Besides, ang mas iniisip niya kasi ay ang mga commitments niya bilang modelo. May isang proyekto siya bilang product endorser at ano mang araw ay sisimulan na ang pagkuha sa commercial. Na
last updateLast Updated : 2023-03-25
Read more

CHAPTER 16

Nang sumunod na araw ay nasa loob lamang ng silid si Fiona. Kasalukuyan niyang inaayos ang mga damit na pinamili nila kahapon sa tiangge. Dahil sa wala nga siyang dala maliban sa kanyang maliit na bag ay kailangan niyang bumili, hindi lang ng mga damit kundi maging ng mga personal niyang gamit.Napalabhan na nila ang mga damit at ngayon nga ay isang summer dress ang kanyang isinuot. Ang haba niyon ay umabot lamang hanggang sa gitna ng kanyang mga binti. May manipis din iyong straps na sadyang nagpapakita ng mapuputi at makikinis niyang mga balikat.Kahapon nga ay sa bahay na nina Nanay Luz sila tumuloy. Sa bahay ding iyon lumaki si Randall at silid mismo nito ang kinaroroonan niya ngayon.Si Randall mismo ang nagpaabiso sa kanya na ang silid nito ang gamitin niya. Doon na rin dineretso ng binata ang electric fan na binili nito upang magamit niya.Masasabi niya na sadyang doble ang laki ng silid niya sa kanilang bahay kumpara sa silid ng binata. Ang kwarto ni Randall ay hindi kalakihan
last updateLast Updated : 2023-03-27
Read more

CHAPTER 17

Sunod-sunod ang paglunok na ginawa ni Fiona nang mapagtanto niya ang ibig sabihin ng mga sinabi ni Randall. Ang pagkailang na kanyang nadarama ay nadagdagan pa nang marahan pa siya nitong hinila sa kanyang kamay dahilan para mapalapit pa siya sa katawan nito. His closeness really affected her and she did not even know why.Pilit niyang hinatak ang kanyang kamay na hawak-hawak nito. "B-Bitiwan mo ako, Randall," saad niya dito sa mahinang tinig. Duda pa siya kung may lumabas bang tinig mula sa kanya. Pakiramdam niya kasi ay waring may nagbara sa kanyang lalamunan at nahihirapan siyang magsalita."You started this, Fiona. Ngayong pinapatulan kita ay aatras ka," wika nito sa nanunuksong tinig. "You called me a prude. And I can easily prove to you that I am not.""Ano ba, Randa---"Hindi na niya natapos ang ano mang nais sabihin nang makita niyang unti-unti ay bumaba ang mukha nito patungo sa kanya. Fiona knew very well what he was planning to do. At gusto niyang maalarma, hindi lang dahil
last updateLast Updated : 2023-03-28
Read more

CHAPTER 18

Nang sumunod na araw ay nakatanggap muli ng maraming mensahe si Fiona mula sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Mas inuna niyang sagutin ang mga chat messages ng kanyang ina at Kuya Lucas. Kapwa nangumusta ang mga ito at inalam kung ano ang sitwasyon niya sa Marinduque.Nakatanggap pa siya ng tawag mula sa kanyang ina at ilang minuto niya rin itong nakausap.She said she was just okay. Maliban sa ilang sagutan at ilangan sa pagitan nilang dalawa ni Randall ay maayos naman ang pakikitungo sa kanya ng mga kamag-anak ng binata. The uneasiness that she was feeling every time she was with him was the only reason why she felt uncomfortable on that place. Other than that, wala namang problema sa pananatili niya sa lugar na iyon.Maasikaso si Nanay Luz, na maging siya ay waring apo na rin kung ituring. Marahil ay dahil nga sa kasintahan ni Randall ang pagkakakilala nito sa kanya. At kung totoo man nga ang mga sinabi ni Lilia na masaya ang matandang babae sa "relasyon" nila ni Randall ay malaman
last updateLast Updated : 2023-03-30
Read more

CHAPTER 19

"Ayon sa mga kamag-anak ay wala raw silang masabi na ibang illegal na bagay na ginagawa ng lalaking nabaril mo, Randall," narinig niyang sabi ni Mr. Certeza mula sa kabilang linya.Kasalukuyan niya itong kausap sa kanyang cell phone at nakikibalita tungkol sa nangyaring muntikang pagkakadukot kay Fiona. Ayon kay Mr. Certeza ay pinaghahanap na ang ibang lalaking nakatakas nang gabing iyon. Naglabas na raw ito ng warrant of arrest sa mga salarin.Ang lalaking nabaril naman niya ay nakuha na ng mga kamag-anak nito. Nagsagawa ng ilang katanungan ng mga awtoridad sa pamilya ng lalaki ngunit maging ang mga ito man ay walang masabi kung paano nadawit ang lalaki sa ganoong illegal na gawain.Randall knew that those men were paid. At kung sino man ang pinakapinuno ng mga ito ay nais niyang malaman."How about the van that they used, boss? Hindi ba nakunan ng kahit isang CCTV na malapit sa lugar na iyon? We can get a lead from there," usisa niya pa."We are working on that?" tugon nito. "I will
last updateLast Updated : 2023-04-02
Read more

CHAPTER 20

Fiona stiffened in surprise as Randall's lips landed on hers. Ni hindi siya nakagalaw nang angkinin nito ang kanyang mga labi. Ang isang kamay nito ay lumipat sa kanyang batok at doon ay waring isang bakal na pinipigilan siyang huwag makakilos.Naipikit niya ang kanyang mga mata kasabay ng paglapat ng dalawa niyang palad sa dibdib nito. Gusto niya pang mamangha sa kakaibang kilabot na agad ay lumukob sa kanya nang unti-unti ay damhin niya ang matipunong dibdib ng binata.What she did earned a soft groan from him. Dahilan iyon para mas lumalim pa ang halik na iginawad sa kanya ni Randall at natagpuan na lamang ni Fiona ang kanyang sarili na tumutugon dito.She opened her mouth to him that made it easy for Randall to thrust his tongue inside. He even held her tighter as he went deeper inside her mouth. Ang ginagawa nito sa kanya ay naging sanhi rin upang kumawala ang isang mahinang ungol mula sa kanya.Fiona felt like what they were doing started a fire within her. At kung konsolasyon ma
last updateLast Updated : 2023-04-04
Read more
PREV
123456
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status