Mia's POVHINDI ko maigalaw ang aking katawan dahil sa nakita. Wala akong ideya kung bakit nandito si Cedrick at hindi ang boss ko na si Marvin. Ngunit kahit ganoon, pilit kong pinakalma ang sarili at kinuyom ang kamay, saka ngumiti sa kanya."Nagulat ka ba? Pinagpahinga ko muna si Marvin dahil baka pagod na siya," wika ni Cedrick saka tinaas ang paa sa lamesa na nasa harapan at sinandal ang likod sa backrest ng swivel chair. "After all, I am the heir of this company, hindi ba?" dagdag niya."Yes. No doubt, sir," maiksi kong tugon at pagsang-ayon.Sinimulan kong ihakbang ang aking paa patungo sa station ko at upang matapos na rin ang kayabangan ng taong to. Ngunit hindi pa man ako nakapagsisimulang lumayo, muli siyang nagsalita."Hindi mo ba man lang ako babatiin ng good morning? Ganyan ba talaga ang mga babaeng tulad mo?"Muli akong tumingin sa kanya at napakunot ang noo. Ngunit sa kabila ng pagtataka, pilit kong ningiti ang aking labi."Sorry, Sir. Good morning po. Nagulat lang ako n
Last Updated : 2023-03-03 Read more