Share

Chapter 4

Author: Rhan Jang
last update Last Updated: 2023-03-03 21:46:22

Mia's POV

HINDI ko maigalaw ang aking katawan dahil sa nakita. Wala akong ideya kung bakit nandito si Cedrick at hindi ang boss ko na si Marvin. Ngunit kahit ganoon, pilit kong pinakalma ang sarili at kinuyom ang kamay, saka ngumiti sa kanya.

"Nagulat ka ba? Pinagpahinga ko muna si Marvin dahil baka pagod na siya," wika ni Cedrick saka tinaas ang paa sa lamesa na nasa harapan at sinandal ang likod sa backrest ng swivel chair. "After all, I am the heir of this company, hindi ba?" dagdag niya.

"Yes. No doubt, sir," maiksi kong tugon at pagsang-ayon.

Sinimulan kong ihakbang ang aking paa patungo sa station ko at upang matapos na rin ang kayabangan ng taong to. Ngunit hindi pa man ako nakapagsisimulang lumayo, muli siyang nagsalita.

"Hindi mo ba man lang ako babatiin ng good morning? Ganyan ba talaga ang mga babaeng tulad mo?"

Muli akong tumingin sa kanya at napakunot ang noo. Ngunit sa kabila ng pagtataka, pilit kong ningiti ang aking labi.

"Sorry, Sir. Good morning po. Nagulat lang ako na wala si Sir. Marvin," tugon ko saka humarap sa kanya.

"Well don't be. Malay mo in the next future ako na talaga ang magiging boss mo," nakangisi niyang wika.

"Noted, sir."

Matapos kong sabihin ang bagay na iyon, nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa aking station at doon umupo. Hanggang ngayon, nanginginig pa rin ang aking kamay dahil sa presensya ng lalaking ito. Sa tuwing nakikita ko kasi siya, tila bumabalik sa aking isip ang alaala na iyon.

Nilapat ko ang aking kamay sa keyboard na nasa harapan, ngunit kahit anong gawin ko, hindi ko magawang tumipa ng kahit anong letra sa aking keyboard.

'Kalma lang, Mia. Please kumalma ka,' wika ko sa sarili saka bumuntong hininga.

Makalipas ang ilang minuto, nagawa ko na ring ikalma ang sarili at natapos ang mga dapat kong tapusin na mga dokumento. Marahan akong tumayo at hindi ko akalain na sa pagtayo kong iyon, makikita ko si Cedrick na nakatingin sa aking direksyon.

Kanina pa kaya siya nakatingin?'

Binaliwala ko na lang ito at kinuha ang tablet na naglalaman ng mga schedule ni Sir Marvin na sa tingin ko ay si Cedrick na ang gagawa.

Dala ang tablet, nagtungo ako sa kinaroroonan ni Cedrick at doon pinakita ang schedule niya.

"Sir, I just want to remind you about your schedule," panimula ko saka lumapit sa kanyang tabi at pinakita ang screen ng tablet. Gamit ang aking daliri, tinuro ko ang pagkakasunod ng kanyang schedule. "Ang meeting nyo po ay twelve AM sa Lee Global Corporation. Next po ay three PM naman kasama ang board-members. After that, magkakaroon kayo ng one hour vacant. For the next meeting, kasama po ang ibang executives," sunod-sunod kong paliwanag ngunit tila hindi niya ako pinakikinggan dahil diretsong nakatingin lang siya sa aking mukha.

"What a character development," aniya habang iniiling ang ulo at nakataas ang magkabilang labi.

Hindi ko ito pinansin, bagkus ay nagpatuloy lang ako sa pagpapaliwanag.

"And by the way, Sir. There will be a dinner meeting with your relatives po," pagpapatuloy ko.

"From prostitute to secretary."

Sandali akong natigilan dahil sa kanyang sinabi, ngunit pilit ko na lang itong binaliwala. Nang matapos ako sa mga bagay na dapat kong ipaliwanag, muli akong tumayo nang maayos at ngumiti sa kanya.

"May question pa po ba kayo, Sir?" wika ko.

"Yes. I have a question."

"Yes, sir?"

"Anong plano mo? Anong ginagawa mo rito sa kompanya ko? Bakit ka nandito? I mean, did you miss my d*ck? Nabuntis ba kita kaya gumagawa ka ng paraan mapalapit sa 'kin?" sunod-sunod niyang tanong sabay sa mga hand-gestures niya.

Muli ko itong binaliwala dahil ayokong magpaapekto sa mga bagay na kanyang sinasabi.

"Sir, kung wala na po kayong tanong na work related babalik na po ko sa area ko," pagpapaalam ko saka nagsimulang lumakad patungo sa aking station. "Just call me If you need something, sir," muli kong wika nang makaupo ako sa pwesto at inabala ang sarili sa pagta-type ng mga letra.

Nagsimulang tumayo si Cedrick mula sa kanyang pwesto at lumakad patungo sa aking kinaroroonan.

"You are really playing dumb, Ms. Mia Sandoval?" aniya saka nilagay ang kamay sa bulsa. "Nag-research na ko tungkol sa 'yo at kinuha ang impormasyon sa HR. You don't have a father and you only have your mom and a nine year old brother. Alam ba nila na isa kang prostitute?" pagpilit niya sa bagay na iyon.

Maya-maya lang, tumayo siya sa aking harapan na may nakangising labi.

"Sir, that is data privacy," tugon ko habang abala pa rin ang mga matang nakatingin sa screen ng computer.

Nilapat ni Cedrick ang kanyang kamay sa aking lamesa, saka binaba ang ulo at sinilip ang aking mukha, dahilan upang matigilan ako sa aking ginagawa.

"This is my company, Ms. Sandoval," nakangisi niyang wika.

"I'm sorry, Sir. Marami pa po akong trabaho."

"Bakit hindi mo ako trabahuhin ngayon?" aniya saka impit na tumawa.

Tila nandilim ang aking paningin at tuluyang nagpantig ang tainga. Hindi ko na napigil ang sarili dahil sa pambabastos na ginagawa niya sa akin.

Mabilis kong tinaas ang aking kamay at isang malakas na sampal ang lumipad sa kanyang pisngi.

Nanlaki naman ang mga mata niya dahil sa aking ginawa. Maya-maya lang, muli niya akong tinapunan ng matalas na tingin.

"Nasasanay ka nang sampalin ako, ha?"

"Sa tingin ko hindi pa sapat ang sampal lang sa pagmamaliit mo sa 'kin, sir!" sigaw ko pabalik sa kanya.

"What? Isa ka talagang–"

"Ganyan ba kayong mayayaman? Tingin nyo sa 'ming empleyado kaya nyong lait-laitin nang ganoon na lang?"

"Don't act like a clean woman," nanggigigil niyang saad sa akin.

Nagsimulang gumapang ang luha sa aking pisngi at mariin kong kinuyom ang aking kamay.

"Oh! Ano kung marumi ako? Ano kung nagpabayad ako? Hindi na ba ko pwedeng magbago? Hindi ko na ba pwedeng makuha 'yong pangarap ko? Habang buhay na ba akong magiging bayaran?" Sa pagkakataong ito, tuluyan kong nalimutan kung sino ang taong kaharap ko. "Sir, for your information, ginawa ko ang bagay na 'yon dahil nag-aagaw buhay sa ospital ang nanay ko noon. I have no choice and I need that money, kaya 'wag kang magsalita na parang alam mo ang lahat dahil kahit isang piraso ng buhay ko, wala kang alam!"

Tila natigilan si Cedrick dahil sa mga bagay na aking sinabi. Nakatayo lamang siya doon habang nakatingin sa akin, animoy hindi maintindihan ang mga bagay na lumabas sa aking labi.

Mariin kong pinahiran ang luha na tumakas sa aking mata, saka pinakalma ang sarili.

"Sorry, I don't think I have to explain my side. Wala ka nga palang pakialam," wika ko saka huminga nang malalim. Marahas akong tumayo at kinuha ang folder na nakapatong sa tabi ng aking keyboard, saka ito inabot sa kanya. "Ito po 'yong mga dokumento na kailangan mo para sa meeting mamaya. I have to go home, Sir. Excuse me."

Matapos kong bitiwan ang mga salitang iyon, kinuha ko ang aking bag at mabilis na lumabas sa opisina. Iniwan ko siyang nakatayo roon at tulala.

Wala na akong pakialam. Hindi ko na kaya, ayoko na!

***

Kinabukasan, sunod-sunod ang pagpatak ng aking luha habang pinagmamasdan sa lamesa ng aking silid ang isang papel na naglalaman ng resignation letter. Hindi ko akalain na darating ako sa puntong ito, na isusuko ko ang aking pangarap dahil lang sa lalaking mula sa aking nakaraan.

Mariin kong pinahiran ang aking luha at bumuntonghininga.

'I guessed this is it, Mia.'

Marahan akong tumayo at nilagay ang sobre sa loob ng aking bag, saka ako lumabas ng kwarto.

Kumunot naman ang aking noo nang mapansin ko si nanay na ngayon ay nasa kusina at marahang minamasahe ang kanyang noo.

"Nay, ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya saka lumakad at lumapit.

Hinawakan ko ang balikat niya at hinagod ito.

"Magpahinga ka muna, nay. Baka naman nagiging pasaway na si Glenn sa inyo."

"Hindi, anak. Bigla lang akong nahilo. Baka kulang lang sa tulog," aniya.

"Magpahinga ka rin kasi, nay. Sapat naman ang sahod ko sa 'tin, hindi ba?"

"Oo naman, anak. Wala namang problema roon," tugon ni nanay saka ngumiti sa akin. "Oh! siya. Lumakad ka na at baka mahuli ka sa trabaho," muli niyang wika.

"Sigurado ka ba, nay? Ayos ka lang ba talaga?" nag-aalala kong saad kay nanay.

Nakita ko naman ang pagngiti ng kanyang labi sa akin.

"Oo, nak. Ayos ako. Maayos na maayos," aniya na nagpaluwag naman sa aking dibdib.

Sumilay naman ang ngiti sa aking labi bago siya inalalayang umupo muna sa upuang nasa lamesa, saka ko siya binigyan ng tubig. Nang masigurado kong maayos na si nanay, nag-iwan ako ng halik sa kanyang pisngi at nagpaalam. Agad na akong sumakay ng taxi patungo sa CCheng Corporation.

'Ano kaya ang mararamdaman ni nanay kapag nalamang nag-resign na ako?'

Mariin kong niyakap ang aking bag nang maisip ang bagay na iyon. Iniling ko ang aking ulo at pilit na inalis ang bagay na iyon sa aking isip. Bahala na, alam ko namang makahahanap pa ako ng bagong trabaho.

***

"Why so sudden?" malumanay na tanong ni Sir Marvin habang tinitingnan ang resignation letter na nasa kanyang kamay.

"May nahanap po kasi akong opportunity sa labas, Sir. I'm sorry po."

"Why are you saying sorry? If this is for your growth, why not?" aniya habang nakangiti sa akin.

Napaka-supportive ni Sir Marvin at napakabait, ibang-iba siya sa kapatid niyang si Cedrick.

"But is this really because of growth?" Natigilan ako nang sabihin niya ang bagay na iyon. "Wala naman sigurong kinalaman ang kapatid ko rito, hindi ba?" muli niyang tanong sa 'kin.

"S-Sir, wala po. Bakit nyo naman nasabi?" nauutal ko pang tugon at hindi makatingin sa kanyang mata nang diretso.

"Look, Ms. Sandoval. I'm not blind. Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga empleyado rito ang nangyaring pag-propose ni Ced sa 'yo."

Mariin akong napalunok dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko mahanap ang itutugon sa mga ito at tila ang mga salita ay natigil sa aking lalamunan.

"Ako na ang humihingi ng pasensya para sa kapatid ko. Alam kong may pagka-isip bata siya at arogante. Mabilis din uminit ang ulo niya at hindi marunong tumanggap ng rejection. I guessed if he's doing something in you, baka dahil sa pag-reject mo sa kanya, pero I don't want you to be affected by that. I know this is your dream job, Mia," sunod-sunod niyang paliwanag sa akin. "Kung gusto mo, pwede kong kausapin si Cedrick at sabihing tigilan ka na niya."

Mabilis akong umiling at ngumiti.

"No, Sir. Ayos lang po ako."

Marahan niyang binaba ang papel na hawak at pinatong sa lamesa. Sinandal niya ang likod sa backrest ng swivel chair at pinag-intertwined ang mga daliri.

"Sigurado ka na ba rito? Bakit hindi mo muna subukang muli? I promise you, hindi ko na hahayaan si Ced na paglaruan ka," aniya na nagpatunaw sa aking puso.

Totoo nga, ibang-iba siya sa kapatid niya. Si Sir Marvin ay may konsiderasyon at may malasakit sa mga empleyado. Isa siyang mabuting lalaki. Ngunit kahit ganoon, buo na ang desisyon ko, kailangan kong lumayo sa lalaking iyon.

"Thank you, Sir. But my decision is final," tugon ko sa kanya saka pilit na ningingiti ang aking labi.

Isang buntonghininga naman ang ginawa ni Sir Marvin na animoy sumuko na at nirespeto na lang ang aking desisyon.

"Okay, sige. If your decision is final, sa tingin ko ay wala na akong magagawa," saad niya na may halong lungkot at panghihinayang.

Marahil kung siya lang talaga ang boss sa kompanyang ito, hindi ako aalis.

Muling kinuha ni Marvin ang papel na naglalaman ng resignation letter ko, saka ito nilagdaan.

"T-Thank you, sir."

Mapait akong ngumiti at nagsimulang mangilid ang luha. Sa aking pagtalikod, naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone. Agad ko naman itong kinuha mula sa bulsa.

Kumunot ang aking noo nang makita ang pangalan ni nanay sa screen.

'Bakit kaya siya tumatawag? Alam naman niya na oras ng trabaho ko,' wika ko sa isip.

Agad ko itong sinagot.

"Hello?"

"Ate! Si nanay hinimatay!"

Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang bagay na sinabi ni Glenn mula sa kabilang linya.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
Hala bakit napaano
goodnovel comment avatar
Caroline Alfonso Arzadon
i did not finish reading yet because its only chapter 4.there no chapter 5
goodnovel comment avatar
Grace Punong
it is a nice story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Billionaire's Karma   Chapter 5

    Mia's POVNANGINGINIG ang aking katawan habang hawak ang kamay ni nanay na ngayon ay nakahiga sa kama ng ospital. Iniisip ko kung saan ako nagkamali at kung bakit binaliwala ko ang nararamdaman niyang pagkahilo kaninang umaga.Maya-maya lang, napalingon ako sa pinto ng silid nang makita ko ang pagpasok ng doktor na nagbabantay kay nanay. Lumakad siya at lumapit sa akin, tumayo naman ako at humarap sa kanya, saka pinahiran ang aking luha."Ms. Sandoval," panimulang wika ng doktor. "'Wag po kayong mag-alala, dala lang po ng pagod kaya nahimatay ang nanay nyo. Pero I just want to warn you, Ms. Sandoval. Successful nga ang operasyon ng iyong ina pero hindi ibig sabihin no'n ay fully recovered siya. Matanda na siya, Ms. Sandoval. Kailangan niyang alagaan ang sarili at hindi magpakapagod sa mga bagay," sunod-sunod niyang paliwanag.Kinuha niya ang isang papel sa hawak niyang clip board saka ito inabot sa akin. Tinanggap ko naman ito at tiningnan. "Ito ang mga gamot na irereseta ko sa kanya

    Last Updated : 2023-03-06
  • The Billionaire's Karma   Chapter 6

    Mia's POVNAGSIMULA akong tumalikod. Lalabas na sana ako mula sa restaurant na iyon ngunit isang kamay ang naramdaman kong humawak sa aking kamay."Hey! Saan ka pupunta? Is that how you treat a client?" wika ni Cedrick na ngayon ay nakatayo sa aking likuran habang hawak ang aking braso.Hinawakan ko ang kanyang kamay at inalis sa pagkakahawak sa akin, saka Iritable humarap sa kanya at humalukipkip."Is this a prank? Because it's not funny. Kasabwat mo ba si Sir Marvin dito?" taas ang kilay kong sambit sa kanya.Nagsimulang maging seryoso ang kanyang mukha."Pwede bang doon tayo mag-usap sa lamesa? Nakakahiya sa mga tao na dito tayo sa entrance nag-uusap," wika niya saka ako inalalayan patungo sa table na naka-reserve para sa aming dalawa. Wala na sana akong balak pang sumunod sa kanya ngunit alam kong hindi rin naman siya titigil kung gagawin ko iyon.Sa aming pag-upo, malumanay siyang nagsalita."Look, I'm not here for a fight. I'm here to say sorry," aniya saka tumingin sa paligid n

    Last Updated : 2023-03-06
  • The Billionaire's Karma   Chapter 7

    Cedrick's POVLUMAKI ako na tanging katulong lang ang kasama sa bahay. Kung may pagkakataon mang umuwi ang aking mga magulang, sandali lang nila akong hahagkan at muli nang babalik sa kanilang silid. Tanging mga laruan lang ang aking kausap kaya hindi ako na-expose sa salitang kaibigan.Kung minsan, sinasama ako ni daddy sa mga gatherings upang ipakilala na ako ang tagapagmana ng CCheng Corporation. Noon ay hindi ko pa alam ang mga bagay na iyon hanggang sa unti-unti ko na ring nauunawaan.Isang gabi, nababalot ng dilim ang paligid. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa labas dahil sa malakas na ulan. Nandito pa rin ako sa isang malaki at malawak na silid kung saan ako lang mag-isa. Ngunit kahit gaano pa kalaki ang silid na ito, naririnig ko pa rin ang sigawan na nagmumula sa labas na tila may ilang metro ang layo, sigawan ng aking mga magulang.Humiga ako sa kama at tinakpan ng unan ang aking tainga upang mawala ang mga bagay na naririnig ko, ngunit kahit anong gaw

    Last Updated : 2023-03-10
  • The Billionaire's Karma   Chapter 8

    Mia's POVHANGGANG ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit ganoon na lang ang pagluha ni Cedrick nang siya ay nagising kahapon. Ano kayang panaginip niya?May kung ano sa loob ko ang nais malaman ang mga bagay-bagay, ngunit ano nga ba ang pakialam ko rito?Napabuntonghininga ako saka nagsimulang tumayo sa aking higaan.'Tama na, Mia. Kailangan na nating simulan ang araw at mala-late ka na naman sa trabaho,' pangaral ko sa sarili.Agad na akong tumayo. Kinumusta ko si nanay at nang makumpirma kong maayos siya, lumabas na rin ako ng bahay at sumakay ng taxi.***Sa pagdating ko sa opisina, naabutan ko roon si Cedrick. Kumunot ang aking noo dahil tila kinausap na naman niya si Sir Marvin na makipagpalit sa kanya. Kung minsan, hindi ko na rin talaga maintindihan kung sino ba sa kanila ang totoong boss ko."Good morning, sir," pagbati ko sa kanya.Ngunit nakapagtataka na hindi man lang niya ako nilingon, abala lang siya sa pag-aayos ng papel na nasa kanyang harapan.'Sipag, ha?'"Good morni

    Last Updated : 2023-03-11
  • The Billionaire's Karma   Chapter 9

    Mia's POVPAKIRAMDAM ko ay may importanteng bagay ang kailangan gawin dito ni Cedrick kaya may kung ano sa loob ko ang nagsasabing huwag na siyang gambalain. Nagdesisyon na lang akong bumalik sa building at gumawa ng paraan kung paano mareresolba ang mali kong nagawa, ngunit sa huli, wala pa rin akong naisip gawin sa kamalian ko.Kinabukasan, sa pagpasok ko sa opisina, agad kong narinig ang pagsasalita ni Sir Marvin sa loob.Agad kong binuksan ang pinto at nagsimulang lumakad, habang ang dalawang lalaki ay seryosong nakatayo at nag-uusap."Cedrick, hindi ka raw pumunta sa meeting kahapon?" wika ni Marvin.Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang bagay na iyon. Sinasabi ko na nga ba, hindi talaga ako dapat nagkakamali lalo na sa mga importanteng details tulad nito.Napakagat na lang ako ng labi dahil sa nagawa ko."Anong meeting?" kunot ang noong tugon ni Cedrick.Agad akong lumapit sa dalawa at kahit alam kong mali, sumingit ako sa kanilang usapan."S-Sir, excuse me po. S-Sorry kasa

    Last Updated : 2023-03-11
  • The Billionaire's Karma   Chapter 10

    Mia's POVMABILIS ang mga pangyayari. Tila bihasa na si Cedrick sa mga ganitong instances at sanay na sanay na siya sa aberya. Mabilis lang niyang na solve ang problemang pinasagot sa kanya ng kanyang ama."So that is the whole presentation," pagtatapos ni Cedrick sa kanyang sinasabi.Kasalukuyan kaming nasa loob ng conference room. Nakatingin lang ako sa kanya habang siya ay nakatayo sa harapan ng mga client na hindi niya naka-meeting noong nakaraan. Mabuti na lang at magaling magsalita si Cedrick kaya napapayag niya ang mga ito na makipag-meeting muli. Sa ngayon, katatapos lang ng presentation na pinagpuyatan niya noong nakalipas na araw.Naputol ang mga bagay na aking iniisip nang magsimulang magpalakpakan ang mga kliyente. Tila napahanga ni Cedrick ang mga ito dahil sa ganda ng kanyang presentation.Hindi ko alam kung bakit, ngunit nakatulala lang ang aking mga mata sa kanya na animoy namamangha. Isa-isang nakipagkamay si Cedrick sa mga kliyente na nandoon, habang ang mga ito ay n

    Last Updated : 2023-03-12
  • The Billionaire's Karma   Chapter 11

    Mia's POVNAKATULALA ang aking mata habang ang ballpen ay nasa loob ng aking bibig, kagat ko sa aking ngipin.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na pinuntahan ako ng babaeng iyon para lang sabihin sa 'kin na sa kanya lang si Cedrick."Ano naman ang pakialam ko roon? Saka, sa kanya na si Cedrick. Kanyang-kanya na," gigil kong wika."Nagsasalita ka na namang mag-isa, Mia."Nanlaki ang aking mata nang makarinig ng isang tinig na nagsalita mula sa aking pinto."S-Sir Marvin," gulat kong wika sabay sa pagtayo. Ngunit dahil sa aking ginawa, natapon ang kape na nasa aking lamesa, dahilan upang ito ay mapunta sa aking binti."Sheesh!" inis kong sabi nang maramdaman ito. Mabuti na lang at hindi na ito mainit. Dahil siguro sa katutulala ko kanina, nalimutan ko nang inumin ang kape ko."Ayos ka lang?" nag-aalalang wika ni Sir Marvin.Hindi niya malaman ang gagawin dahil akala niya ay mainit ang tubig."Okay lang po ako, Sir."Kinuha niya ang kanyang panyo saka dalidaling nagtungo s

    Last Updated : 2023-03-14
  • The Billionaire's Karma   Chapter 12

    Mia'a POVKUMUNOT ang aking noo nang makita ko ang mommy ni Cedrick sa loob ng bahay."N-Nay, anong–""Ah, oo nga pala, anak. Nakita ko siya sa palengke. Kinatutuwaan kasi siya ng mga tao roon. Eh, naawa naman ako kaya sinama ko na rito," paliwanag ni nanay habang inaalalayan ang kasama, saka ito pinaupo sa sofa kung saan kami naroroon."Halika, maupo ka muna," pag-aya ni nanay. Ngumiti naman ang mommy ni Cedrick at umupo. "Naaawa ako sa kanya kasi hindi niya raw maalala ang pangalan niya, ni hindi niya alam ang bahay niya," wika ni nanay.Tiningnan ko ang mukha ng mommy ni Cedrick, tulala lang ito at diretsong nakatingin sa tv."Ma'am, kumusta po kayo?" tanong ko sa kanya saka nagbigay ng matamis na ngiti.Hindi siya tumugon sa 'kin. Umangat ang kanyang ulo upang ako ay tingnan, ngunit ang mga mata niya ay walang bahid ng emosyon."Heto, uminom ka muna ng tubig," wika ni nanay, saka inabot ang baso. Tinanggap naman ito ng mommy ni Cedrick.Matapos iyon, hinawakan ko ang braso ni nana

    Last Updated : 2023-03-17

Latest chapter

  • The Billionaire's Karma   Chapter 17

    Mia's POV"WALA bang alam ang pasiyente tungkol dito?""Ngayon ko lang din po nalaman, Doc."Kumunot ang aking noo dahil sa mga bagay na aking naririnig. Ramdam ko ang malambot na kama na aking hinihigaan at sa amoy palang ng paligid, alam kong nasa ospital ako.Marahan kong minulat ang talukap ng aking mga mata, dahilan upang makuha ko ang pansin ng mga tao sa paligid."Mia, mabuti naman at gising ka na," nag-aalalang wika ni nanay saka siya tumakbo at lumapit sa aking kinaroroonan at iniwan ang doktor na kaharap niya kanina."N-Nanay," hirap kong wika."Mia."Napalingon ako 'di kalayuan sa aking kinaroroonan nang marinig ang tinig ni Marvin. Marahan kong ginalaw ang aking katawan at dahan-dahang umupo at sinandal ang ulo sa headboard ng kama."A-Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya."Pumunta kasi ako sa bahay nyo para malaman kung bakit hindi ka na pumapasok, pero naabutan kitang nakahiga sa sahig, kaya agad kitang dinala rito sa ospital. Pero hindi ko akalain na..."Naputol

  • The Billionaire's Karma   Chapter 16

    Mia's POVSUNOD-SUNOD ang patak ng aking luha habang nakatingin sa lalaking ngayon ay nakaupo sa swivel chair. Tila binuhusan ng malamig na tubig ang aking paa at hindi ako makagalaw dahil sa pagkagulat."H-Hindi totoo 'yan, 'di ba? Nagbibiro ka lang, 'di ba?" basag ang tinig kong sambit habang gumagapang ang maraming luha mula sa aking pisngi.Ngunit tahimik lang si Cedrick at hindi tumutugon sa akin."Ced, sabihin mong biro lang to. Please, sabihin mo," muli kong wika saka mariing kinuyom ang aking kamay.Isang malalim na buntonghininga ang kanyang ginawa, saka sinandal ang likod sa backrest ng upuan."It is not my fault kung bakit ka nagpaloko sa 'kin, Mia. I thought in the first place, alam mo na ang nais ko. Pero nagkamali ako," sunod-sunod niyang wika na tila hindi tinatanggap ng aking isip. "Are you serious? Do you really believe I will fall for someone like you?"Nanlaki ang aking mga mata nang marinig iyon. Pakiramdam ko ay mas sumikip ang aking dibdib nang malamang hindi nam

  • The Billionaire's Karma   Chapter 15

    Mia's POVMARIIN akong napakapit sa bedsheet nang unti-unti kong maramdaman ang pagbaon ng p*gkalalaki ni Cedrick sa akin. Halos napaliyad ang aking likod habang dinadama ang bawat paghagod nito."Aahh..." mahina kong ungol sabay sa mariing pagkagat ng aking labi.Ang lalaking ito ang unang lalaking umangkin sa akin at ngayon, siya muli ang pinagkatiwalaan ko ng aking katawan."Are you okay? Is it still hurt?" nag-aalala niyang tanong sa akin.Ibang-iba ang tinig ni Cedrick ngayon kaysa sa unang beses naming gawin ang bagay na ito. Noon ay tila isa siyang hayop na hayok sa laman, ngunit ngayon, tila isa siyang lalaking maingat sa babaeng kaniig niya.Nilapat ko ang aking palad sa pisngi ni Cedrick na ngayon ay nasa aking ibabaw. Sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi habang diretso akong nakatingin sa kanyang mga mata."I'm okay. Please move, Cedrick. I want you. I want more of you," pagmamakaawa ko, isang bagay na hindi ko akalaing lalabas mula sa aking labi."Uummm..."Sinimulan

  • The Billionaire's Karma   Chapter 14

    Mia's POVHINDI mawala ang ngiti sa aking labi habang iniisip ang mga nangyari nitong nakaraang araw. Masarap sa pakiramdam ang nagmamahal at alam kong ganoon din sa 'kin si Cedrick. Pero isa lang ang hiling ko sa ngayon, sana hindi ako nagkamali ng desisyon. Sana tama ang ginawa kong pagbigay sa kanya ng pagkakataon.Muli akong ngumiti habang nakatanaw ang mga mata sa bintana ng taxi na sinasakyan ko ngayon, patungo na kasi ako sa opisina at sa tingin ko, masiyado akong naging maaga."Ito po ang bayad," wika ko sa manong driver nang ibigay ko sa kanya ang bayad ko sa taxi.Bumaba ako ng sasakyan at tumingin sa gusali na ngayon ay nasa aking harapan, ang gusali ng mga Cheng.Nagsimula na akong maglakad, papasok sa loob, ngunit hindi pa man ako nakapapasok, isang babae ang humarang sa aking daraanan.Sa pag-angat ng aking ulo, tumambad sa aking harapan si Monique."M-Monique?" mahina kong pagbanggit sa kanyang pangalan."Pwede ba tayong mag-usap?" aniya habang nakahalukipkip at nakataa

  • The Billionaire's Karma   Chapter 13

    Mia's POVMARIIN akong napalunok nang makita ko siya. Pilit kong pinakalma ang sarili at nagsalita."S-Sir, pinabibigay po ni Sir Marvin," nauutal ko pang tugon.Pinakita ko sa kanya ang dokumento na hawak ko kanina at sinundan naman niya ito ng tingin."Okay, thank you," tugon niya sa akin.Nagsimula na siyang maglakad patungo sa kanyang office table. Ngumiti naman ako saka yumuko nang kaunti, saka nagpaalam sa kaniya na aalis na ako.Tumango lamang ito at diretsong nagtrabaho. Hindi mo nga maipagkakaila na mag-ama sila ni Marvin, pareho silang workaholic.Agad na rin akong lumabas ng opisina na iyon nang makuha na ng daddy ni Marvin ang dokumento, saka ako bumalik sa aming opisina.***Matapos ang isang mahabang araw, nagpaalam na si Marvin at naunang umuwi. Ako naman ay nagligpit pa ng gamit at nang matapos ang mga ito, lumabas na rin ako ng opisina.Sa pagbaba ko ng gusali at pagtungo sa entrance, nagulat ako nang makita si nanay at si Glenn."N-Nay, anong ginagawa nyo rito?" kuno

  • The Billionaire's Karma   Chapter 12

    Mia'a POVKUMUNOT ang aking noo nang makita ko ang mommy ni Cedrick sa loob ng bahay."N-Nay, anong–""Ah, oo nga pala, anak. Nakita ko siya sa palengke. Kinatutuwaan kasi siya ng mga tao roon. Eh, naawa naman ako kaya sinama ko na rito," paliwanag ni nanay habang inaalalayan ang kasama, saka ito pinaupo sa sofa kung saan kami naroroon."Halika, maupo ka muna," pag-aya ni nanay. Ngumiti naman ang mommy ni Cedrick at umupo. "Naaawa ako sa kanya kasi hindi niya raw maalala ang pangalan niya, ni hindi niya alam ang bahay niya," wika ni nanay.Tiningnan ko ang mukha ng mommy ni Cedrick, tulala lang ito at diretsong nakatingin sa tv."Ma'am, kumusta po kayo?" tanong ko sa kanya saka nagbigay ng matamis na ngiti.Hindi siya tumugon sa 'kin. Umangat ang kanyang ulo upang ako ay tingnan, ngunit ang mga mata niya ay walang bahid ng emosyon."Heto, uminom ka muna ng tubig," wika ni nanay, saka inabot ang baso. Tinanggap naman ito ng mommy ni Cedrick.Matapos iyon, hinawakan ko ang braso ni nana

  • The Billionaire's Karma   Chapter 11

    Mia's POVNAKATULALA ang aking mata habang ang ballpen ay nasa loob ng aking bibig, kagat ko sa aking ngipin.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na pinuntahan ako ng babaeng iyon para lang sabihin sa 'kin na sa kanya lang si Cedrick."Ano naman ang pakialam ko roon? Saka, sa kanya na si Cedrick. Kanyang-kanya na," gigil kong wika."Nagsasalita ka na namang mag-isa, Mia."Nanlaki ang aking mata nang makarinig ng isang tinig na nagsalita mula sa aking pinto."S-Sir Marvin," gulat kong wika sabay sa pagtayo. Ngunit dahil sa aking ginawa, natapon ang kape na nasa aking lamesa, dahilan upang ito ay mapunta sa aking binti."Sheesh!" inis kong sabi nang maramdaman ito. Mabuti na lang at hindi na ito mainit. Dahil siguro sa katutulala ko kanina, nalimutan ko nang inumin ang kape ko."Ayos ka lang?" nag-aalalang wika ni Sir Marvin.Hindi niya malaman ang gagawin dahil akala niya ay mainit ang tubig."Okay lang po ako, Sir."Kinuha niya ang kanyang panyo saka dalidaling nagtungo s

  • The Billionaire's Karma   Chapter 10

    Mia's POVMABILIS ang mga pangyayari. Tila bihasa na si Cedrick sa mga ganitong instances at sanay na sanay na siya sa aberya. Mabilis lang niyang na solve ang problemang pinasagot sa kanya ng kanyang ama."So that is the whole presentation," pagtatapos ni Cedrick sa kanyang sinasabi.Kasalukuyan kaming nasa loob ng conference room. Nakatingin lang ako sa kanya habang siya ay nakatayo sa harapan ng mga client na hindi niya naka-meeting noong nakaraan. Mabuti na lang at magaling magsalita si Cedrick kaya napapayag niya ang mga ito na makipag-meeting muli. Sa ngayon, katatapos lang ng presentation na pinagpuyatan niya noong nakalipas na araw.Naputol ang mga bagay na aking iniisip nang magsimulang magpalakpakan ang mga kliyente. Tila napahanga ni Cedrick ang mga ito dahil sa ganda ng kanyang presentation.Hindi ko alam kung bakit, ngunit nakatulala lang ang aking mga mata sa kanya na animoy namamangha. Isa-isang nakipagkamay si Cedrick sa mga kliyente na nandoon, habang ang mga ito ay n

  • The Billionaire's Karma   Chapter 9

    Mia's POVPAKIRAMDAM ko ay may importanteng bagay ang kailangan gawin dito ni Cedrick kaya may kung ano sa loob ko ang nagsasabing huwag na siyang gambalain. Nagdesisyon na lang akong bumalik sa building at gumawa ng paraan kung paano mareresolba ang mali kong nagawa, ngunit sa huli, wala pa rin akong naisip gawin sa kamalian ko.Kinabukasan, sa pagpasok ko sa opisina, agad kong narinig ang pagsasalita ni Sir Marvin sa loob.Agad kong binuksan ang pinto at nagsimulang lumakad, habang ang dalawang lalaki ay seryosong nakatayo at nag-uusap."Cedrick, hindi ka raw pumunta sa meeting kahapon?" wika ni Marvin.Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang bagay na iyon. Sinasabi ko na nga ba, hindi talaga ako dapat nagkakamali lalo na sa mga importanteng details tulad nito.Napakagat na lang ako ng labi dahil sa nagawa ko."Anong meeting?" kunot ang noong tugon ni Cedrick.Agad akong lumapit sa dalawa at kahit alam kong mali, sumingit ako sa kanilang usapan."S-Sir, excuse me po. S-Sorry kasa

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status