Home / Romance / YOU'RE STILL THE ONE / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of YOU'RE STILL THE ONE: Chapter 31 - Chapter 40

48 Chapters

Chapter 31

Nagising ako kinaumagahan dahil sa masamang panaginip. Kinuha ko ang picture na nasa ilalim ng unan ko at kinakausap siya. "Hanggang ngayon galit ka parin sa akin mahal ko? The way you look at me sa aking panaginip ay parang gusto mo na talaga akong saktan para lang hindi mo ako makita, h'wag kang mag-alala hindi naman kita gagambalain kapag nagkita tayo muli. Hihingi lang ako ng tawad sa'yo, sa lahat na sinabi ko. "Maniwala ka man o hindi mahal na mahal kita hanggang ngayon nandito parin sa puso ko nakaukit ang isang ikaw. Bukas anniversary na natin pero ito yung araw na nasaktan kita. Ito yung araw na pinakawalan kita. Sana mapatawad mo ako Cloudy ko. Patawad mahal ko…patawad. Kung may namamagitan man sa inyo ni Karen habang tayo pa ay wala akong magagawa kung mas pinili mo siya kaysa sa akin. Basta sa mga panahon na iyon ay sobrang mahalaga ka sa akin, mahal na mahal kita."Pagkatapos kung kausapin ang kanyang larawan ay bumangon na ako at pumunta sa banyo para maligo. Ginagawa k
last updateLast Updated : 2023-03-07
Read more

Chapter 32

Nakatitig lang ito sa cake na hanggang ngayon ay nasa kamay ko parin at hindi niya nilapitan para hipan ang kandila at hindi na niya ako tinapunan ng tingin sa mga mata o mukha man lang.Ibang-iba na siya ngayon kaysa dati. Alam ko naman na magbabago talaga ang kanyang pangangatawan at porma pero hindi ko maisip na ganito pala kaganda ang hubog ng kanyang katawan kahit may suot pa itong simpleng t-shirt at jean pants. Siya parin ito ang matangos na ilong, thin lips, low fade haircut at ang kanyang mga mata na kulay abo na ngayon ay malamig ang tingin hindi man sa akin kundi sa cake. Katawan na hapit na hapit sa kanyang damit at mas lalo siyang tumangkad. Ibang-iba na siya sa nakikita ko sa mga pictures namin na lagi kong tinititigan kapag namimiss ko siya.Gusto ko mang ngumiti at batiin siya pero walang lumalabas sa aking mga labi, dahil siguro hindi rin ito ngumingiti at nakaigting lang ang kanyang panga. Titig na titig parin ako sa mukha niya, sinisigurado ko na tama ang nakikita
last updateLast Updated : 2023-03-08
Read more

Chapter 33

Nagising ako na masakit ang ulo ko. Gumulong-gulong muna ako sa kama para mawala ang sakit pero parang lalo tuloy akong nasasaktan. Bakit nagkaganito? Sumasakit naman minsan ang ulo ko pero hindi katulad ngayon na parang binibiyak yata ang utak ko. Unti-unti ko ng dinilat ang mga mata at nakatitig sa kisame.May naalala ako. Uminom pala ako kagabi at hindi ko na alam kung ano ang nangyari. Basta ang natatandaan ko lang na nagkasagutan kami ni Cloud at nagtago ako sa cabinet pagpasok ko sa loob ng kwarto. Hindi ko maalala kung kailan ako nagising at napunta sa kama. Inangat ko ang damit ko na kulay white at hindi ko rin maalala kung anong oras ako nagbihis at talagang nakapag bihis pa ako ng bagong damit. Siguro sa kalasingan ko kaya kung ano-ano na lang ang ginagawa ko at hindi ko maalala ang mga pinaggagawa ko."Gosh! Ayoko na talagang uminom pa. Ang sakit pala sa ulo…" Mabuti na lang at ako lang ang nakakaalam sa mga pinaggagawa ko kahit hindi ko naman talaga maalala kung ano pa
last updateLast Updated : 2023-03-08
Read more

Chapter 34

Tinaasan ko siya ng kilay, anong ginagawa niya dito? Pati ba naman dito ay hindi ako kabilang? Umupo ako sa silya habang naghihintay ng order. Bakante pa dito malapit sa exit kaya dito na ako kakain. Nasa counter si Cloud at kausap pa rin ang babae.Palingon-lingon ito sa gawi ko. Lahat na lang ba ng kilos ko binabantayan niya? Hinayaan ko na lang at tinuon ko ang atensyon sa pagbabasa ng mga messages ng mga kaibigan ko sa chat room. Sa susunod na buwan ang binyag ng baby ni Mercy. Kanya-kanya na sila ng suggest kong anong ireregalo at sino ang magiging ninang at ninong, at isa na ako doon. Hindi pa nila alam na nagkita ulit kami ni Cloud, ano kaya ang magiging reaksyon nila 'pag malaman nila na isa ko pala siyang amo at nasa iisang bubong lang kami nakatira."Can I borrow money from you?" Nagulat man dahil sa biglang pagsulpot niya sa harapan ko. Hindi ko alam na lalapitan niya ako. Inangat ko ang ulo ko para makaharap siya, nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. What? Kailan p
last updateLast Updated : 2023-03-08
Read more

Chapter 35

(Warning: Mature content)"Ano?" gulat na tanong ni Carlos habang nagpapakpak ng dragon seeds habang nanonood ng Korean drama. "What did you say?" si Domingo na kakatapos lang maligo dahil nagpupunas na ito ng buhok ngayon."Di nga, totoo!?" Si Samson habang katabi si Cathy sa kama. Malapit narin silang ikasal, next year yung napagplanohan nila."Wee..saan na siya ngayon?" si Dinnes habang nasa tabi ni Mercy na nagpapadede sa bote ng kanilang little angel."Bakit ngayon mo lang sinabi kung ilang weeks na palang magkasama kayo?" si Vincent.Hindi ko alam kung anong tawa ba ang ipapakita ko sa kanila dahil sa reaksyon nila, na ang kaibigan pala na dumating galing ibang bansa ay walang iba kundi si Cloud. Ka video call ko sila lahat ngayong gabi. Nangungumusta kaya ayoko namang ililihim ko sa kanila ang bagay na ito kaya nasabi ko na rin sa kanila, kaya may pagdududa at gulat ng malaman nila na kasama ko lang sa isang bubong si Cloud."Hindi mo talaga alam na siya ang uuwi, She?" tanong
last updateLast Updated : 2023-03-09
Read more

Chapter 36

Pagkatapos ng online class ko at paglilinis ng bahay ay nagbihis ako ng damit pang-alis. Simpleng white top off-shoulder and high waist skinny jeans at white sneakers. Nilugay ko lang ang aking buhok at nag suot ng white cap.Ngayong araw ako pupunta ng mall dahil may bibilhin at dadaan narin ng grocery store. Kahapon sana kaso iba naman ang mundong pinuntahan namin ni Cloud, shit lang.Maaga itong umalis dahil may emergency meeting sa company nila mismo. Hindi ko na inusisa kung ano ito dahil pakiramdam ko wala pa talaga akong karapatan sa kanya. Kahit marami na siyang sinabi kagabi at nakikinig lang ako. Nasa leeg ko parin na ginawang necklace ang unang singsing na binigay nung kinasal kami 8 years ago, at nasa ring finger ko naman ang nilagay niya kagabi. Nagsabi naman ako kay Cloud na pupunta ako ng mall kahit sinabi niya na uuwi lang siya ng maaga para sabay na kaming pumunta. Hindi ko na siya hihintayin dahil gusto ko kasi makauwi agad ako para makaidlip man lang baka mamayang
last updateLast Updated : 2023-03-09
Read more

Chapter 37

"Maayos na ang pakiramdam mo? Rix! Call the doctor please." " Ayos na ba siya?""Ako na pupunta," narinig ko na lang ang pagbukas at pagsara ng pinto.Tuluyan ko ng idiilat ang mga mata ko dahil sa maiingay na boses. Tanging puting kisame, puting kwarto ang unang bumungad sa akin at amoy ng gamot. What happened? Inaalala ko ang nangyari at sa isang iglap pinaalala agad ng utak ko. "Hey! Kumusta ang pakiramdam mo ngayon? Ayos ka lang ba? May nararamdaman ka bang ibang masakit sa katawan?" tanong ni boss Edziel."How are you feeling right now? Food? Water?" sunod-sunod na tanong ni Ignacio. Nginitian ko silang lahat na nasa kwarto ngayon, bakas sa kanilang mga mukha ang pag-alala. Nasa loob ng kwarto si Ignacio, sir Hedrei, sir Rix at si sir Edziel. May tao akong inaasahan kong makita pagdilat ng mga mata ko pero wala siya. Ilang minuto ay may pumasok sa loob ng kwarto ng hospital at akala ko siya na pero si sir Lance at ang doktor pala ang dumating. Lumapit ang nurse sa akin para ma
last updateLast Updated : 2023-03-10
Read more

Chapter 38

(Warning: Mature content)Pinaupo niya ako sa gilid ng kanyang kama habang siya ay nakaluhod at hinahawakan ang mga kamay kong nanginginig. Nakatingala siya sa akin. Hindi ko siya matingnan ng derecho sa kanyang mga mata, nasa kamay niya ako nakatingin sa kanyang malaugat na kamay dahil natatakot ako kung ano ang magiging reaksyon niya sa akin kapag nasa mukha niya ako nakatingin. "Ang tanga, tanga ko Cloud, ang iresponsable kong tao!""Baby, no! You're not," Cloud said while crying too. "Kung hindi, bakit namatay ang little angel nating dalawa? Hindi ko alam, maniwala ka please..hindi ko alam na buntis ako Cloud. Lahat ng kilos sa akin ay normal, lahat-lahat ay wala akong nakikitang senyales na may baby ako sa sinapupunan ko. Sinabi ng ibang nanay at nanay ko o ayon narin sa nabasa ko sa mga libro na makakaramdam ka ng pagsusuka sa umaga pero hindi nangyari sa akin yun, katulad na matakaw sa pagkain o naghahanap ng pagkain dahil nag cacrave ay wala, lalo at nasa school ay ginaga
last updateLast Updated : 2023-03-11
Read more

Chapter 39

Chapter 39 (Warning: Mature content)"Wow! Ang ganda dito Cloudy." "You like it?" tanong nito sa akin. Nilagay niya ang kanyang baba sa aking balikat. He hugged me tight habang nasa likod ko siya. Tumango ako at malapad na nakangiti habang tanaw ang magandang view sa labas ng bahay. Malalaking puno at maraming bulaklak ang nakapalibot sa subdivision na ito. May mga kakilala o kaibigan din daw siya na rito nakatira o halos lahat ng kaibigan niya ay exclusibong may mga bahay dito. Kung sino man ang may alam sa design ay sila ang naging mag partner sa subdivision na pinapatayo nila. Binili nila ang lupa worth billion dahil sa apad nito na ilang hectare then sinimulan na agad ang projects na planong itayo dito sa gustong design ng kliyente na dream house nila. Dahil isang engineer si Cloud at ang company nila ang taga supply ng mga iba't-ibang gamit sa pagpapatayo ng bahay kaya minsan sa kanila kinukuha ang mga supply para sa mga bahay na ganito. Kliyente ang pipili kung anong design
last updateLast Updated : 2023-03-11
Read more

Chapter 40

"Babe! Are you done?" tawag ni Cloud sa akin. Hindi ko siya pinapasok sa banyo noong inabot niya sa akin ang pregnancy test dahil nahihiya ako na nasa harapan ko siya habang umiihi. Hindi ko muna ito tiningnan at para sabay na naming makita na dalawa ang resulta."Y..yeah! Come in," tawag ko sa kanya. Itinago ko ang pregnancy test sa likod ko habang hawak ng kamay ko, hindi ko pa ito tinitingnan para hindi ko mabasa o makita anong nakalagay, sabi sa instructions na kapag dalawang guhit ay patunay na buntis na ang tao. Sana nga..sana nga."Anong lumabas, positive ba babe?" tanong nito agad ng makapasok sa loob ng banyo. Umiling agad ako. Ang saya ng mukha niya ay napalitan ng pagkadismaya. Nilapitan niya at niyakap ng mahigpit. "That's okay, that's okay..hindi tayo titigil hangga't hindi tayo makabuo pero sa ngayon that's okay babe, hmm tahan na, stop crying. Makakabuo rin tayo hindi man ngayon pero sa marami pang paraan," pag-aalo niya sa akin. Umiiling ulit ako naiiyak na, natakot sa
last updateLast Updated : 2023-03-11
Read more
PREV
12345
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status