Home / Romance / Love Me Again / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Love Me Again: Chapter 11 - Chapter 20

42 Chapters

Chapter 11

MAYROONG coffee shop sa lower ground ng gusali at doon naisipan nina Reese at Ellie na magpunta na lang at hindi na sa madalas nilang pinupuntahan na coffee shop, ang Book Cafe. Pinili nila ang may kalayuan sa ibang mga customers para makapagkuwentuhan sila sandali. Hindi naman sila nagtagal pa dahil saglit lang naman ang break nila. May kailangan pa rin tapusin si Reese sa kaniyang trabaho. Pero napag-usapan nila na sabay sila mamayang gabi magdinner. Pumayag naman siya dahil nasa Baguio na si Uno. Kakaalis lang kaninang umaga.Wala sa mood kanina si Uno na umalis at talagang wala siyang balak na umalis dahil sa ginawa ni Sandra sa kaniya. Ngunit kailangan niyang kaibiganin muna si Sandra para hindi ito magiging dagdag problema niya habang inaayos nila ni Ellie ang kanilang kasal. Inaayos niya rin ang bahay na bibilhin niya para sa kanilang dalawa ni Ellie kapag naikasal na sila. Siguradong wala nang magagawa ang Lolo ni Uno at pamilya ni Sandra kapag nalaman nilang kasal na sila ni
last updateLast Updated : 2023-02-24
Read more

Chapter 12

"BAKIT KA naman bigla-biglang nagdududa kay Sandra?" tanong ni Reese kay Ellie habang abala ito sa pagbuklat ng magazine. Kasalukuyan na nasa apartment niya sila ngayon ni Reese. Hindi na sumama pa si Mark dahil may lakad daw sila nina Logan. Mas pinili ni Reese na samahan siya para makapagkuwentuhan man lang sila.Tumayo si Ellie mula sa puwesto niya na nakaupo sa dining area at lumapit sa couch. Tumabi siya kay Reese at pinatay ang tv dahil hindi naman sila nanunuod. Tiningnan siya ni Reese at napatigil sa pagbubuklat ng magazine."Iba ang kutob ko Reese. It's an instinct. Feeling ko may gusto si Sandra si kay Uno at mayroong hindi magandang mangyayari.""Hay, naku! napapraning ka na. Kung may gusto si Sandra kay Uno, sana noon pa siya nagpakita ng interes. Bakit hinayaan niyang maging close kayong dalawa ni Uno, aber?""No! believe me, Reese. Iba ang tingin ni Sandra tuwing magkasama kaming dalawa ni Uno. Matagal ko na iyon napapansin, ayaw ko lang bigyan ng ibang kulay. Pero ngay
last updateLast Updated : 2023-02-24
Read more

Chapter 13

ELLIEExcited ako na umuwi ngayon dahil bukas ng umaga ay darating na si Uno. Nasa baba na ang driver niya para sunduin ako. Inayos ko na ang desk ko at kinuha ang bag. May mga hindi pa ako natatapos na iinput na report pero bukas na lang. Ilang araw na rin naman akong nageextend sa trabaho dahil wala naman si Uno.Habang nasa elevator ako, tinawagan ko si Uno dahil kaninang lunch time pa niya ako huling minessage. Nadismaya lang ako dahil hindi niya sinasagot.Ano kaya ang ginagawa niya? Bakit 'di ka niya sinasagot ang tawag ko?Nilagay ko na lang sa bag ko ang phone nang bumukas na ang lift. Tinawagan ko rin si Manong Boyet dahil hindi ko makita ang sasakyan niya pero hindi rin sinasagot ang tawag ko.Naglakad-lakad na lang muna ako at hinanap sa parking ang kotse. Baka nakatulog si Manong Boyet kaya hindi narinig ang tawag ko.Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko ang familiar na itim na malaking sasakyan ni Uno.Lumakas ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa sasakyan. Naee
last updateLast Updated : 2023-02-24
Read more

Chapter 14

ELLIEMAGKAHAWAK KAMAY kaming dalawa ni Uno na naglalakad papasok sa branch ng kaniyang restaurant sa Quezon City. Pagkatapos niya akong sunduin sa trabaho ko ay dito kami nagpunta. Medyo natagalan lang ang biyahe namin papunta rito dahil sa traffic."Good evening, Sir Uno, Ma'am Ellie," masiglang bati sa amin ni Uno ng kaniyang staff."Good evening!" bati rin ni Uno.Ngumiti ako. "Good evening, Miya. Kumusta?" bati ko rin. Kilala ko na rin ang mga staff dito dahil dinadala ako rito ni Uno noon pa. Si Miya ang madalas kong nakakausap dahil hindi siya nahihiya sa akin. Kapag nag-oopisina rito si Uno noon, si Miya ang kakuwentuhan ko dahil busy si Uno sa harap ng kaniyang laptop. Hindi naman ako every week nandito dahil matraffic sa gabi kapag pupunta kami rito. Pero at least sa isang buwan ay dinadala ako rito ni Uno."Mabuti naman, Ma'am Ellie. Lalo kayong gumaganda." Lumapit pa siya sa akin at may binulong. "Sana all, nadidiligan," sabay hagikgik nito. Walang preno rin talaga ang bib
last updateLast Updated : 2023-02-24
Read more

Chapter 15

NAGULAT SI Uno nang pumasok ang kaniyang Lolo Ronaldo sa kaniyang opisina. Nasa head office siya ngayon dahil may meeting siya. Pupunta rin ang kaniyang daddy dahil sa biglaang pagpapatawag nito ng meeting. May announcement daw ito. Napatiim bagang si Uno sa inis kay Sandra. Mukhang ito ang dahilan kung bakit napauwi nang maaga ang kaniyang Lolo. Surpresa ito para sa kaniya dahil walang sinabi sa kaniya ang kaniyang mga magulang na ngayon ang pagbabalik ng Lolo niya. Kaya pala may announcement ang daddy niya. Pero bakit nasa opisina niya ang kaniyang Lolo? Ano ang koneksiyon nito sa business niya?Hindi pa nila naitutuloy ang plano nila ni Ellie na magpapakasal dahil naging abala siya sa kaniyang trabaho. Hindi rin naman niya naisip ang tungkol sa kaniyang Lolo na uuwi na ito. Nakaplano na ang kanilang kasal ni Ellie sa Linggo sa Tagaytay."Ganito mo na ba ako batiin ngayon, Uno? Ang titigan lang ako." Sarkastikong saad ni Ronaldo sa apo.Napabuga nang malalim na hininga si Uno at tu
last updateLast Updated : 2023-02-24
Read more

Chapter 16

ELLIE"JUDAH?" Tawag ko sa kaibigan ko upang kuhain ang atensiyon niyang mukhang malalim ang iniisip. Hindi ko inaasahan ang pagpunta niya rito ngayon sa opisina ko. Masaya akong makita siya ulit dahil talagang masarap kausap si Judah. Madami kami laging napagkukuwentuhan at talagang hindi ko namamalayan ang oras kapag kasama ko siya.Nakatalikod siya at nakalagay ang dalawang kamay sa kaniyang bulsa habang nakayuko at tila may iniisip na malalim. Ang guwapo tingnan ni Judah sa suot nitong white long sleeves na nakatupi hanggang siko. Noong college kasi kami ay ayaw niyang magsuot ng formal tulad ng long sleeves. T-shirt na black ang hilig niyang suotin noon. Nakakatuwa dahil marunong na siyang magdamit ng ibang kulay bukod sa itim. At talaga namang bagay na bagay na sa kaniya. Kaya ang daming nahuhumaling sa kaniya na mga babae.Agad niya akong nilingon pagkarinig niya sa pagtawag ko sa kaniya."Hi," tipid niyang bati sa akin. Tipid din siya ngumiti kaya naninibago ako sa kinikilos
last updateLast Updated : 2023-02-24
Read more

Chapter 17

ELLIE"SAAN TAYO pupunta? Akala ko ba uuwi na tayo?" Nakakunot ang noo ko na tanong kay Uno. Hindi ito ang daan namin papunta sa bahay na bagong bili niya. "May trabaho pa ako, Uno. Saka nasa opisina pa ang mga gamit ko at siguradong hahanapin nila ako."Hindi ako sinagot ni Uno. Tahimik lang siya na nagdadrive. Nayayamot ako bigla sa kaniya. "Uno, slow down." Utos ko sa kaniya dahil biglang bumilis ang pagpapatakbo niya sa kaniyang sasakyan. Mahigpit ang kapit niya sa manibela.Huminahon na rin naman siya pero parang may humahabol sa amin kaya ang bilis nang pagpapatakbo niya ng sasakyan."Uno, naririnig mo ba ako? Ano ba ang nangyayari sa iyo? Hindi na kita maintindihan. You're acting weird. Nagalit ka kay Uno ng walang dahilan.""Nothing," tipid niyang sagot sa'kin. Nagsalubong na naman ang kaniyang kilay.Nothing lang ang sagot niya. Nothing pa ba iyon na kung wala kami sa pampublikonh lugar baka kung ano na ang nagawa niya kay Judah.Nararamdaman ko na may mali. Ang biglaan niy
last updateLast Updated : 2023-02-24
Read more

Chapter 18

ELLIEUNTI-UNTI AKONG nagmulat ng mata. Puting-puti na silid ang bumungad sa akin paggising ko. Masakit ang katawan ko at nanghihina ang pakiramdam ko. Nasa hospital ako. Inikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng silid ng hospital. Wala akong kasama.Si Uno!Nang maalala ko si Uno agad kong sinubukan na bumangon. Pinilit kong tanggalin ang dextrose na nasa kamay ko. Pumasok sina Judah at Reese."Ellie! God, you're awake," ani Judah.Agad silang lumapit sa akin. Hinawakan ni Judah ang kamay ko para awatin sa ginagawa kong pagtanggal ng dextrose. I hate this! Ayaw ko sa hospital. I need to see him. I need to see Uno. Gusto kong malaman kung maayos ang kalagayan niya.Hindi ko kakayanin kong may mangyaring masama sa kaniya."Ellie, magpahinga ka muna." Awat sa akin ni Judah. Pinipilit niyang pahigain ako ulit. Kahit masakit ang katawan ay ininda ko iyon dahil gusto ko makita si Uno. Gusto ko malaman ang kalagayan niya. Nangilid agad ang luha ko sa pag-aalala kay Uno.Nakita ko rin na nasa
last updateLast Updated : 2023-02-24
Read more

Chapter 19

ELLIEPAGKALABAS KO ng hospital ay bumalik agad kami ng Maynila. Pupuntahan ko si Uno. Wala na ako naging balita sa kaniya. Nangako sa akin sina Logan na babalitaan nila ako tungkol kay Uno pero wala akong natanggap na kahit anong balita. Tinatago nila sa akin si Uno o mayroong problema. Ilang araw na akong hindi nakakatulog nang maayos sa kakaisip. Para na akong masisiraan ng ulo kakaisip kung ano na ang nangyari kay Uno. Ang sakit kasi nang ganitong pakiramdam na parang naiwan ako sa ere. Hindi ko kasi alam kung ano ang nagawa kong mali bakit bigla na lang niya akong iniwasan at iniwan. Alam kung may dahilan siya at iyon ang gusto kong malaman.Masaya pa kami bago kami naaksidente. Kaya ang sakit-sakit nang nararamdaman ko. Halos hindi ako makahinga sa sakit. Hindi ko na rin mapigil ang sarili ko kakaiyak. Naaawa na ako sa anak ko pero talagang nasasaktan ako.Hindi ko na makontak ang kaniyang number. Si Tita Criselda ay nagpalit na rin ng number. Sinubukan ko na rin tumawag kay San
last updateLast Updated : 2023-02-24
Read more

Chapter 20

ELLIE“SO, ALAM NIYO ni Mark?” Nangingilid ang luha ko habang tinatanong ko kina Reese at Mark ang tungkol sa sitwasyon ni Uno at Sandra. Gusto kong sumigaw sa inis dahil tinago nila sa akin ang totoo. Gusto ko rin magalit kay Uno dahil pinaglihiman niya ako pero hindi ko magawa. “All these time, alam niyo pero hindi niyo man lang nagawang ipaalam sa akin ang totoo. Bakit? Mukha ba talaga ako kaiwan-iwan sa ere? Noon si mommy, iniwan ako ng hindi ko alam ang totoong dahilan kung bakit niya ako iniwan na lang. Tapos ngayon, ganito rin ang ginawa sa akin ni Uno. Basta na lang niya akong iniwan ng hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kaniya!”Tuluyan na akong napaiyak. I can't control my emotions anymore. I'm tired; emotionally and physically tired. Pero hindi ako puwedeng sumuko ngayon. Not now. Hangga't hindi sinasabi sa akin ni Uno na ayaw na niya, hindi ako bibitaw. I'll fight for him. I'll fight what we have. I will still hold on to our promise.Nangako siya e. Nangako kami isa'
last updateLast Updated : 2023-02-25
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status