NAGULAT SI Uno nang pumasok ang kaniyang Lolo Ronaldo sa kaniyang opisina. Nasa head office siya ngayon dahil may meeting siya. Pupunta rin ang kaniyang daddy dahil sa biglaang pagpapatawag nito ng meeting. May announcement daw ito. Napatiim bagang si Uno sa inis kay Sandra. Mukhang ito ang dahilan kung bakit napauwi nang maaga ang kaniyang Lolo. Surpresa ito para sa kaniya dahil walang sinabi sa kaniya ang kaniyang mga magulang na ngayon ang pagbabalik ng Lolo niya. Kaya pala may announcement ang daddy niya. Pero bakit nasa opisina niya ang kaniyang Lolo? Ano ang koneksiyon nito sa business niya?Hindi pa nila naitutuloy ang plano nila ni Ellie na magpapakasal dahil naging abala siya sa kaniyang trabaho. Hindi rin naman niya naisip ang tungkol sa kaniyang Lolo na uuwi na ito. Nakaplano na ang kanilang kasal ni Ellie sa Linggo sa Tagaytay."Ganito mo na ba ako batiin ngayon, Uno? Ang titigan lang ako." Sarkastikong saad ni Ronaldo sa apo.Napabuga nang malalim na hininga si Uno at tu
ELLIE"JUDAH?" Tawag ko sa kaibigan ko upang kuhain ang atensiyon niyang mukhang malalim ang iniisip. Hindi ko inaasahan ang pagpunta niya rito ngayon sa opisina ko. Masaya akong makita siya ulit dahil talagang masarap kausap si Judah. Madami kami laging napagkukuwentuhan at talagang hindi ko namamalayan ang oras kapag kasama ko siya.Nakatalikod siya at nakalagay ang dalawang kamay sa kaniyang bulsa habang nakayuko at tila may iniisip na malalim. Ang guwapo tingnan ni Judah sa suot nitong white long sleeves na nakatupi hanggang siko. Noong college kasi kami ay ayaw niyang magsuot ng formal tulad ng long sleeves. T-shirt na black ang hilig niyang suotin noon. Nakakatuwa dahil marunong na siyang magdamit ng ibang kulay bukod sa itim. At talaga namang bagay na bagay na sa kaniya. Kaya ang daming nahuhumaling sa kaniya na mga babae.Agad niya akong nilingon pagkarinig niya sa pagtawag ko sa kaniya."Hi," tipid niyang bati sa akin. Tipid din siya ngumiti kaya naninibago ako sa kinikilos
ELLIE"SAAN TAYO pupunta? Akala ko ba uuwi na tayo?" Nakakunot ang noo ko na tanong kay Uno. Hindi ito ang daan namin papunta sa bahay na bagong bili niya. "May trabaho pa ako, Uno. Saka nasa opisina pa ang mga gamit ko at siguradong hahanapin nila ako."Hindi ako sinagot ni Uno. Tahimik lang siya na nagdadrive. Nayayamot ako bigla sa kaniya. "Uno, slow down." Utos ko sa kaniya dahil biglang bumilis ang pagpapatakbo niya sa kaniyang sasakyan. Mahigpit ang kapit niya sa manibela.Huminahon na rin naman siya pero parang may humahabol sa amin kaya ang bilis nang pagpapatakbo niya ng sasakyan."Uno, naririnig mo ba ako? Ano ba ang nangyayari sa iyo? Hindi na kita maintindihan. You're acting weird. Nagalit ka kay Uno ng walang dahilan.""Nothing," tipid niyang sagot sa'kin. Nagsalubong na naman ang kaniyang kilay.Nothing lang ang sagot niya. Nothing pa ba iyon na kung wala kami sa pampublikonh lugar baka kung ano na ang nagawa niya kay Judah.Nararamdaman ko na may mali. Ang biglaan niy
ELLIEUNTI-UNTI AKONG nagmulat ng mata. Puting-puti na silid ang bumungad sa akin paggising ko. Masakit ang katawan ko at nanghihina ang pakiramdam ko. Nasa hospital ako. Inikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng silid ng hospital. Wala akong kasama.Si Uno!Nang maalala ko si Uno agad kong sinubukan na bumangon. Pinilit kong tanggalin ang dextrose na nasa kamay ko. Pumasok sina Judah at Reese."Ellie! God, you're awake," ani Judah.Agad silang lumapit sa akin. Hinawakan ni Judah ang kamay ko para awatin sa ginagawa kong pagtanggal ng dextrose. I hate this! Ayaw ko sa hospital. I need to see him. I need to see Uno. Gusto kong malaman kung maayos ang kalagayan niya.Hindi ko kakayanin kong may mangyaring masama sa kaniya."Ellie, magpahinga ka muna." Awat sa akin ni Judah. Pinipilit niyang pahigain ako ulit. Kahit masakit ang katawan ay ininda ko iyon dahil gusto ko makita si Uno. Gusto ko malaman ang kalagayan niya. Nangilid agad ang luha ko sa pag-aalala kay Uno.Nakita ko rin na nasa
ELLIEPAGKALABAS KO ng hospital ay bumalik agad kami ng Maynila. Pupuntahan ko si Uno. Wala na ako naging balita sa kaniya. Nangako sa akin sina Logan na babalitaan nila ako tungkol kay Uno pero wala akong natanggap na kahit anong balita. Tinatago nila sa akin si Uno o mayroong problema. Ilang araw na akong hindi nakakatulog nang maayos sa kakaisip. Para na akong masisiraan ng ulo kakaisip kung ano na ang nangyari kay Uno. Ang sakit kasi nang ganitong pakiramdam na parang naiwan ako sa ere. Hindi ko kasi alam kung ano ang nagawa kong mali bakit bigla na lang niya akong iniwasan at iniwan. Alam kung may dahilan siya at iyon ang gusto kong malaman.Masaya pa kami bago kami naaksidente. Kaya ang sakit-sakit nang nararamdaman ko. Halos hindi ako makahinga sa sakit. Hindi ko na rin mapigil ang sarili ko kakaiyak. Naaawa na ako sa anak ko pero talagang nasasaktan ako.Hindi ko na makontak ang kaniyang number. Si Tita Criselda ay nagpalit na rin ng number. Sinubukan ko na rin tumawag kay San
ELLIE“SO, ALAM NIYO ni Mark?” Nangingilid ang luha ko habang tinatanong ko kina Reese at Mark ang tungkol sa sitwasyon ni Uno at Sandra. Gusto kong sumigaw sa inis dahil tinago nila sa akin ang totoo. Gusto ko rin magalit kay Uno dahil pinaglihiman niya ako pero hindi ko magawa. “All these time, alam niyo pero hindi niyo man lang nagawang ipaalam sa akin ang totoo. Bakit? Mukha ba talaga ako kaiwan-iwan sa ere? Noon si mommy, iniwan ako ng hindi ko alam ang totoong dahilan kung bakit niya ako iniwan na lang. Tapos ngayon, ganito rin ang ginawa sa akin ni Uno. Basta na lang niya akong iniwan ng hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kaniya!”Tuluyan na akong napaiyak. I can't control my emotions anymore. I'm tired; emotionally and physically tired. Pero hindi ako puwedeng sumuko ngayon. Not now. Hangga't hindi sinasabi sa akin ni Uno na ayaw na niya, hindi ako bibitaw. I'll fight for him. I'll fight what we have. I will still hold on to our promise.Nangako siya e. Nangako kami isa'
AWANG-AWA si Reese sa kalagayan ng kaibigan niya na simula kahapon ay patuloy lang ito sa pag-iyak. Naabutan nila si Ellie na basang-basa ito ng ulan nang pinuntahan nila ni Mark sa bahay ni Uno. Hindi matanggap ni Ellie ang dahilan ni Uno. Hindi man lang niya nasabi kay Uno ang dapat niyang sabihin na buntis siya dahil naunahan na siya nito ng ibang balita.Sa condo na ni Reese dinala nila si Ellie. Sinubukan nilang tawagan si Uno ngunit nabigo lamang sila. Si Ellie rin ang nagsabi na umalis na si Uno kasama ang buong pamilya nito at si Sandra dahil buntis ito.Parehas na hindi naniniwala sina Reese at Mark dahil saksi sila kung gaano kamahal ni Uno si Ellie simula noong college pa lamang sila.“Ellie, tama na iyan. Makakasama sa baby mo ang ginagawa mo.”Nakahiga lang si Ellie at hindi pa rin bumabangon para kumain ng agahan. “Hayaan mo na ako, Reese. Kahit ngayon lang, please?” She knew she needed to release all the pain that she's feeling right now. Pagkatapos no'n ay susubukan n
5 YEARS LATER“SUSUNDUIN ko na si Mikhaela, hon. Huwag ka na dumaan sa flower shop. Naisip ko kasi na dumaan muna kami sa mall bago umuwi. May bibilhin akong gamit para sa event ko next week," saad ko kay Judah sa kabilang linya habang naglalakad ako patungo sa room ni Mikhaela. May bago kasi kaming client na nagorder ng flowers para sa restaurant niya sa Tagaytay. Next week ay magkaroon din kami ng meeting dahil gusto niyang makipatie-up sa amin. Nagca-cater kasi sila ng food para sa mga events at mas madami raw talaga silang clients na wedding ang events. Naisip ng may-ari ng restaurant na eexpand ang business niya. Hindi naman na nabanggit ni Ma'am Celestine ang ibang details ng expansion ng business ng boss niya pero ang sabi niya ay magbubukas na rin ang function hall na pinapaayos pa para sa event.Kahit ako ay na-excite dahil hindi pa naman malaki ang shop namin ni Reese pero may magandang opportunity na agad ang nagbukas para sa amin. Napag-usapan na namin ito kanina ni Reese
HABANG nakakatitig si Ellie sa natutulog na asawa ay hindi niya maipaliwanag ang labis na kasiyahan na nararamdaman. She's beyond grateful for everything that God has given to her. Ang makasama si Uno habang buhay at mabiyayaan ng mga anak ang kaniyang labis na pinagpapasalamat. Nabuo ang pinapangarap niyang masayang pamilya na hindi niya naranasan noon. Marahan niyang hinaplos ang buhok ni Uno habang nakatitig siya rito. Ang ngiti niya sa labi ay hindi maalis-alis. Sa tuwing naaalala niya ang pinagdaanan nilang dalawa noon ay hindi niya akalain na si Uno pa rin ang makakasama niya habang buhay. Madaming masasakit na alaala pero higit na madami ang masasaya. Bahagyang gumalaw si Uno at niyakap siya nito kaya napangiti siya lalo. Si Uno ang higit na maalaga sa kanila. Lahat ay binibigay nito at sinisiguro na maayos ang lahat para sa kanila. Hindi rin ito nagkulang na iparamdam sa kaniya ang pagmamahal nito. Palagi pa rin silang nagdedate na dalawa at palagi pa rin siyang sinusurpres
"REYNE, dito ka. Huwag mong harangan ang panunuod ng kapatid mo," saad ni Ellie sa pangalawang anak. Nasa home theater silang lima habang hinihintay ang pagdating ni Uno. Apat na taon na si Reyne, ang sumunod ay si Ysabel na tatlong taong gulang at ang bunso ay si Jacob na isang taong gulang.Nakatayo kasi si Reyne sa gitna at ginagaya ang pinapanuod sa movie. Si Ysabel at Mikhay ay hindi na nakakapanuod nang maayos dahil sa kaniya."I want to sing and dance, mommy." Protesta ni Reyne sa sinabi ni Ellie. Kahit ilang beses na nga ba nilang pinanuod ang paborito nitong movie ay hindi pa rin nagsasawa si Reyne."Your siblings are watching, too.""They've watched it already." Hindi pa rin talaga ito natinag at doon pa rin pumuwesto sa gitna si Reyne. "And you've watched it several times already." Nakangusong sagot ni Mikhay. "Ikaw na lang lagi ang nasusunod sa pinapanuod na movie.""Because I love this movie." Tumigil sa paggaya ng sayaw si Reyne at nilingon ang kaniyang ate. "Girls, s
NAGISING AKO na may luha sa mata at sa boses ng anak ko. Inikot ko ang paningin sa kabuuan ng silid. Puting silid. May dextrose ang isang kamay ko. Nanghihina ang pakiramdam ko at nanunuyo ang lalamunan ko.Nasaan ako?"Mommy?" Nasa gilid siya ng higaan ko at katabi si Reese."Mark, tumawag ka ng Doctor," utos ni Reese sa asawa niya at sinunod naman agad ni Mark. "Kumusta ang pakiramdam mo, Ellie?" Pinilit kong bumangon pero pinigilan ako ni Reese. "Huwag ka munang bumangon. Magpahinga ka muna. Hintayin lang natin ang Doctor."Masakit ang ulo ko. Pinilit ko pa rin talagang bumangon at inabot si Mikhay. "H-i, baby." Pilit na ngumiti ako kay Mikhay."Mommy, okay na po kayo?" I nodded with my daughter's question.Bigla kong naalala si Uno at Judah. "Sina Uno? Kumusta na sila?" Kinakabahan kong tanong dahil ang huling tanda ko sa sinabi ng Doctor ay hindi maganda.Hindi na ako nasagot ni Reese dahil pumasok ang Nurse at Doctor. Chineck agad nila ako. May mga ilan na binilin sila sa akin p
"ELLIE..." Tawag sa akin ni Lolo Ronaldo. Nakaupo ako sa bench habang hinihintay ang paglabas ng Doctor at sabihin ang magandang balita na ligtas na sina Uno at Judah.Parehas na nasa loob ng operating room ang dalawa at parehas na nag-aagaw buhay.I loathed Judah, but I never wished for him to die. Hindi ko rin pala kaya na makita siya na walang ng buhay. Naging parte ng siya ng buhay ko, sa masaya at kasama ko noong mga panahon na akala ko ay tuluyan na akong iniwan ni Uno. Kanina ko pa nararamdaman na gusto akong kausapin ni Lolo Ronalo ngunit tingin ko ay humahanap lang ng tiyempo. Si Logan ay kausap ng mga pulis sa labas. Si Mikhay ay nakaconfine at natutulog na ngayon. Nilagnat si Mikhay dahil naulanan din kami. Dumating sina Logan kasama si Ronaldo para tulungan kami. Mabuti na lang at nakasunod agad sila kaya naitakbo agad ang dalawa sa hospital. Sina Tita Criselda at Tito Lorenzo ay papunta na. Naospital pala si Tita Criselda nang nabalitaan mula kay Sandra na nakasunod di
HUMINA NA ANG ulan habang binabaybay namin ang kagubatan. Nanginginig na ang katawan ko sa lamig. Hawak-hawak ako ni Uno sa isang kamay habang karga niya si Mikhay. Pagod na pagod na rin ang pakiramdam ko sa paglalakad. Lakad-takbo para makalayo nang tuluyan lugar na ito."Uno, tigil muna tayo sandali," hingal na hingal kong pakiusap sa kaniya. Para na akong babagsak. Para nang babagsak ang dalawa kong tuhod sa pagod. Kinakapos na rin ako ng hininga."Babe —"We heard gunshots. Umaalingawngaw ang putok ng baril. Napahinto kami at pinakiramdaman ang paligid. Malapit lang sa kinaroroonan namin. Niyakap agad ako ni Uno. Mukhang nasundan kami kung saan kami tutungo. Nakarinig na kami ng mga boses ng mga tao at mukhang marami sila. Hindi iyon mga tauhan ni Logan.Dinala niya kami sa malaking batuhan na natatakpan ng mga puno. "Daddy..." Yumakap nang mahigpit lalo si Mikhay kay Uno nang makarinig ulit kami ng putok ng baril. Sinasadya yata talaga nilang magpaputok para matakot kami. "I'm s
PINAGLUTO ko si Uno ng paborito niyang pagkain. Gusto kong bumawi sa kaniya. Kahit naging biktima rin ako ng kasamaan nina Judah ay gusto ko pa rin bumawi kay Uno. Nasaktan ako noon pero mabigat ang pinagdaanan ni Uno noon.Gusto ko rin siyang ipakilala nang pormal kay Mikhay. Ilang araw pa lang kami nandito at hindi pa rin sila talaga nagbobonding na mag-ama. Palagi kasing naririnig ni Uno na hinahanap ni Mikhay si Judah bilang daddy niya. She's too young to be involved with our issues with Judah. At natutuwa ako kay Uno dahil hindi niya binigla si Mikhay na kilalanin siya bilang daddy nito. "Magaling pala kayong magluto, Ma'am Ellie. Siguradong madaming makakain si sir Uno. Favorite niya itong lahat na pinaghanda niyo," puring-puri ni Aling Sonya sa mga niluto ko. Sila na ang naghanda pagkatapos kong magluto.I smiled. "Salamat. Siguradong namiss kasi iyan ni Uno kaya pinagluto ko siya." Tinulungan ko na rin sila maghanda. Aakyatin ko rin ang mag-ama ko pagkatapos ng ginagawa ko ri
LUMAPIT AGAD ako sa paghihintuan ng sasakyan ni Sandra pagkakita ko ng sasakyan niya. Inabangan ko na siya para makausap bago niya puntahan si Uno. Hindi ko kasi alam kung tinutulungan ba niya si Uno o gusto niya lang kunin ang loob."Sandra, puwede ba tayong mag-usap?" tanong ko agad pagkababa niya ng sasakyan. Halos mag-init na naman ang ulo ko sa suot ni Sandra. Hapit na hapit na naman ang suot nitong pulang dress sa kaniyang katawan. Para siyang modelo sa kaniyang ayos. Nag-alinlangan siyang tumango at tipid na ngumiti sa tanong ko."Sure..." Halata ang pagkalito sa kaniyang mga mata pero nagawa pa rin niyang ngumiti kahit papaano.Niyaya ko siya sa lanai. Nagdadalawang isip na sumunod naman siya sa akin. "Bakit nakulong si Uno noon?" agad kong tanong. Ayaw ko na magpaligoy-ligoy pa dahil ayaw ko siyang makausap nang matagal. I just want to know the truth.Nag-iwas agad siya ng tingin sa akin dahil hindi niya inaaasahan na itatanong ko iyon sa kaniya. Alam ko kasing iniiwasan niy
"BABE?" Nasa terrace kami kasalukuyan ni Uno habang si Mikhay ay pinapanuod namin mula sa puwesto na masayang naglalaro sa garden kasama ang isang kasambahay. Nakatayo ako at nakahawak sa railings ng terrace at nakatuon ang tingin sa baba. May malaking puno ng mangga na nagtatakip kaya hindi kami gaanong kita mula sa labas at sa gate pero nakikita namin si Mikhay sa baba at alam niya rin kung nasaan kami ni Uno."You've been quiet since this morning. Is there something wrong?" Niyakap niya ako mula sa likuran ko at sumiksik sa leeg ko. "You can tell me." He planted small kisses on my shoulders and neck.Kahapon ko pa iniisip ang mga napag-usapan namin nina Celestine at Sandra. I'm scared. I am scared of what will happen next. But I trust Uno. Logan is also helping us. Pinilig ko ang ulo ko para kalimutan ang mga nalaman. Ngayon na magkasama na kami ni Uno, wala nang makakapaghiwalay sa amin. Even death can't separate us.I smiled.Naalala ko si Celestine at ang mga sinabi nito na inuu
NIYAKAP AKO ni Uno mula sa likuran. Simula kaninang umaga ay hindi ako bumaba para kumain. Nagdahilan akong masama ang pakiramdam ko. Pinakiusapan ko lang si Aling Sonya na siya muna ang bahala kay Mikhay. Hindi naman nagpumilit si Uno at siya ang nag-alaga kay Mikhay. Naiinis ako dahil nandito palagi si Sandra kahit na sinabi ni Uno sa akin na magkaibigan na lang silang dalawa ni Sandra. Gusto raw bumawi ni Sandra kay Uno kaya tinutulungan siya nito ngayon.Hinalik-halikan niya ang balikat kong lantad dahil sa suot kong sleeveless na dress na hindi aabot sa tuhod. Agad akong pumiksi sa ginawa niya at naglakad papunta sa couch na naroon sa loob ng silid namin at doon umupo. Sumunod siya sa akin at lumuhod sa harap ko, sa pagitan ng hita ko. "Ano ba?!" Nag-iinit pa rin ang ulo ko sa kaniya. Tinabig ko ang kamay niyang nagsimulang humahaplos sa binti ko. "Lumabas ka na nga. Baka hinahap ka na ni Sandra." Hindi ko napigilan ang sarili na sabihin. Iniwas ko ang tingin nang marealize ang