Sinabi ko sa kanya ang napag-usapan namin ng magulang ni Mariella ang hindi ko lang binanggit ang alok nila noon bago ako bumalik sa Korea. "Sa tingin mo, Allen para hindi na ako gambalain ng ex mo lumipat na lang ako ng station? Tapos, permanente na akong manirahan dito sa Pilipinas na kasama ka." sagot ko bigla sa kanya nag-uusap na kami tungkol dito kahapon nabanggit ko lang ulit dahil wala akong natanggap na sagot sa kanya. "Ikaw ang bahala kung ano ang desisyon mo papayuhan lang kita, Joon gusto mo ba talaga dito permanenteng tumira?" tanong niya nasa loob kami ng sasakyan papunta sa network. "Oo, kung saan ka doon ako...kung saan ka komportable doon ako pero, kung ganoon din ang sasabihin mo sa akin doon tayo sa talagang gusto nating place sabi mo nga, ipakita natin sa isa't-isa ang totoong tayo? Gusto kong kilalanin pa natin ang bawat isa." amin ko sa kanya bumitaw siya sa manibela at hinawakan ang kamay ko. "Napaka-transparent mo," sabi niya inamin ko naman may insecurities
Last Updated : 2024-07-18 Read more