Home / Romance / The Dangerous Man Weakness / Kabanata 21 - Kabanata 30

Lahat ng Kabanata ng The Dangerous Man Weakness : Kabanata 21 - Kabanata 30

81 Kabanata

Kabanata 21

Tuwang-tuwa si Salome nang malamang bukas ang silid. Madalas itong i-lock ni Treous at hindi siya pinapayagan agad na lumabas. Pero ngayon bukas iyon. Maaga pa mga bandang 3 ng madaling araw. Sinulyapan niya si Treous na nahiga pa sa kama hanggang ngayon. Kagabi ay mga 11 niya na ito napansing pumasok. Gising pa siya pero nagkunwari siyang tulog. Napansin niya kagabi na saglit itong umupo sa single sofa habang nakatingin sa gawi niya. Nakatuko ang magkabilang siko sa mga hita at tila may malalim na iniisip. Mga bandang 12 nang maisipan nitong humiga sa tabi niya at matulog. Amoy na amoy ang body wash sa katawan nito. Napakuyom siya ng kamao. Hindi niya alam kung bakit pero kakaiba ang dating sa kaniya ng amoy na galing dito. Parang gusto niyang lumapit pa sa katawan nito at amuyin ito. Nakagat niya ang ibabang labi at diniinan ang pikit ng mata. Ano bang nangyayari sa kaniya? Hindi siya agad nakatulog, naghihintay siyang makarating ito. At ngayong nandito na ang lalaki ay saka lang s
last updateHuling Na-update : 2023-02-26
Magbasa pa

Kabanata 22

Hindi niya mapirmi ang tingin niya kay Miguel. Minsan ay napapatingin siya sa likuran nito. Paano kung may iba itong kasama? Namapamura ito nang makumpirma na siya nga ang kaharap nito. “Pagkatapos mong maka-usap si Treous nawala ka na bigla.”“Nagmamadali ako, Miguel. Aalis na ako.” Pilit niyang hinihila ang kamay mula dito pero mahigpit ang pagkakahawak nito. Bumigat ang titig nito sa kaniya. Agad siyang nangamba sa nakikitang emosyon sa mukha nito. “Hindi, Salome. Sagutin mo muna ako. Bakit kilala mo si Treous? Bakit ka niya sinama? At... bakit ka sumama?” Bakas ang kalituhan sa mga mata ni Miguel. Nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa mga mata niya. Tila nahirapan itong basahin siya. Imbes na sagutin ito ay pumiksi siya. Kung may una mang makakaalam sa problema niya ay si Evangeline iyon at ang pamilya nito. Ang problema niya ay hindi na sakop ni Miguel. “Aalis na ako nagmamadali ako-”Nagulat siya nang bigla siyang hinila nito. Nabitiwan niya ang pills na hawak. Pareho
last updateHuling Na-update : 2023-02-27
Magbasa pa

Kabanata 23

Hindi kailanman nagbago ang desisyon nito. At wala siyang choice kundi ang manatili doon. Wala na rin siyang kalayaang lumabas pa gaya noong mga nakaraang araw. Sinusiguro nitong hinding-hindi na siya makakabili ng pills sa labas. Kung ipipilit niya baka madamay ang anak niya. Kailangan niya munang maging sunod-sunuran sa ngayon. Ngunit hindi niya alam kung kailan sila makakaalis sa poder ni Treous. Nagbabalat siya ng apple sa may garden habang abala sa paglalaro ang bata. Nagulat na lang siya nang biglang tumayo si Daniel at tumakbo. Natataranta tuloy siyang sinundan ang anak. Natigil lang siya sa sala nang matanaw kung sino ang sinalubong ni Daniel sa main door. Si Treous pala. Niluluwagan nito ang necktie habang buhat-buhat sa kabilang braso ang bata. Isang linggo pa lang na ina-approach ni Treous ang bata ay parang nagiging komportable na bigla ang anak niya sa lalaki. May bitbit na naman itong car toy na bagong bili. Pang-pito na itong binili nito ngayon.Nagtiim bagang siya. S
last updateHuling Na-update : 2023-02-28
Magbasa pa

Kabanata 24

Bumuntong hininga siya nang pasadahan ng tingin ang sout. Nagbihis siya dahil medyo nabasa ng kunti ang suot niya kanina. Laylay ang balikat niya nang tingnan ang maikling short. Muntik pa siyang mapatalon nang makita si Treous na naka-upo sa gilid ng kama. Agad nagtama ang mga mata nila. Nakasiklop ang mga kamay nito sa harap habang nakatuko ang mga siko sa tuhod. Napalunok siya at nag-iwas ng tingin. “Wear some decent dress today. May appointment tayo sa clinic ng OB. Ipapa-check kita.”Kumunot ang noo niya nang tingnan ito ulit. Bakit naman? Mukhang wala naman siyang problema. Atsaka, desenteng damit? Mayroon ba sa closet niyon? Gusto nitong lumabas sila na suot ang mga maiikling damit na binigay nito? Nakaramdam siya ng iritasyon. Magsasalita na dapat siya nang maghubad ito ng shirt sa harapan niya. Agad niyang iniwas ang tingin. Ilang saglit ay napansin niya ang paa nito malapit sa kaniya. Pilit niyang iniiwas ang mata at nanatiling nakayuko. Biglang itong may iniabot na paper
last updateHuling Na-update : 2023-03-01
Magbasa pa

Kabanata 25

“Yeah, later. Uuwi ako ng maaga mamaya. Just call me kapag nakarating na kayo dito.” His soft and sweet voice ringing in her ears.Kakalabas niya lang sa banyo. Iyon ang naabutan niya. Treous is always serious and ruthless on her. Hindi kailanman lumambing ang boses nito sa kaniya. Until now. “Yes, Carrie. Sure. What else you want me to buy for you?”Carrie. Natigilan siya nang marinig ang pangalan na iyon. Ibig sabihin ay babae. Parang may kumurot sa dibdib niya. Ngunit hindi niya alam kung bakit nararamdaman niya ito. Maliban sa pagiging baby maker, wala na dapat siyang ibang issue sa buhay ni Treous. O kung sino mang babae ang aaligid dito. Dahil hindi niya na problema iyon. Ang totoong trabaho niya ang dapat niyang pagtuonan ngayon.Napansin niyang sinulyapan siya ni Treous. Kalaunan ay binaba nito ang tawag. Inaayos nito ang necktie nito pero naudlot nang may tumawag ulit. Seryoso nitong sinagot ang tawag ngunit nararamdaman niya ang mga sulyap nito sa kaniya. Napalunok siya at
last updateHuling Na-update : 2023-03-03
Magbasa pa

Kabanata 26

Hindi niya na pinansin ang sugat. Deretso na siyang nagtungo sa banyo. Kinakabahan siya. Galit na galit iyong babae kanina. At kung iisipin iyong tuno ni Treous kanina noong kausapin nito si Carrie sa phone ay alam niyang importante ito sa lalaki. Sana lang ay walang gawing masama si Treous sa kaniya. Siguradong iniisip nitong sinaktan niya si Carrie.Tumingin siya sa salamin sa may sink. Namumutla pa rin siya hanggang ngayon. At ngayon niya lang napansin ang nagdurugong kamay. Akmang pipihitin niya ang faucet nang may kamay na biglang humawak sa pulsuhan niya.Namimilog ang mata niya nang balingan ang may-ari ng kamay. Si Treous pala at nagdidilim ang awra na nakatitig sa sugat sa kamay niya. Agad nitong ini-on ang faucet at hinugasan ang kamay niya. “T-Treous?” Wala sa sarili niyang banggit.Napasinghap siya nang iangat siya nito upang iupo sa may sink. “Stay here. I'll get a medicine,”anito sa seryosong boses. Wala na siyang ibang nagawa kundi ang maghintay doon. Saglit lang nan
last updateHuling Na-update : 2023-03-04
Magbasa pa

Kabanata 27

“Happy Birthday, Daniel.” Hinalikan niya sa noo ang anak. Niyakap niya ito. Panay ang hagulhol niya. Nasa bandang 3:30 pa lang ng madaling araw. Napansin niyang kinusot nito ang mata. Namimigat pa ang mga talukap nito sa mata nang bumuka iyon. Ngumiti siya dito.“Suotin mo na ang jacket mo, baby.” Kinuha niya ang jacket mula sa gilid. Kanina niya pa iyon inihanda para ipasuot sa anak. Malamig sa labas. Hindi ito pwedeng mahamugan kundi ay magkakasakit ito. Kagabi niya pa inihanda ang mga gamit nila sa labas. Isinilid niya sa trash bag ang back pack na pinaglagyan niya ng mga damit ng anak niya. Nagkunwari siyang magtatapon kagabi. “Mama...”Sinenyasan niya ito na huwag mag-ingay. Natigil ito at inosente lang na nakatitig sa kaniya.Mabuti na lang at nakumbinsi niya ang yaya ni Daniel na siya na muna ang tatabi kay Daniel ngayon. Mas madali niyang madala ang anak ng walang aberya.Tinulungan niya ang batang isuot ang jacket nito. Bahagyang binilisan niya ang pag-aayos sa suot ng bata
last updateHuling Na-update : 2023-03-05
Magbasa pa

Kabanata 28

Ramdam niya ang bigat ng kaniyang ulo nang makabangon. Maririnig ang tilaok ng manok, at mahinang pag-uusap sa labas. Nakahiga siya sa kawayang higaan. Medyo mataas na ang sikat ng araw sa labas. Nang maalala ang anak niya ay tila binuhusan siya ng isang baldeng tubig at agad na tumayo. Derederetso siyang nagtungo sa pinto. Binuksan niya iyon at agad dumako ang tingin ni Miguel sa kaniya. May kabayo na nakatali sa puno ng mahogany. May iba pang kabayo sa unahan na tumatakbo sa malawak na espasyo na may harang. Nasaan na ba siya? Bakit napakarami niyang nakikitang kabayo sa paligid? May kaharap si Miguel na lalaking matangkad din. Napansin niyang sumunod agad si Miguel nang magsimula siyang maglakad palayo.“Salome!”Hindi niya ito pinakinggan. Mas binilisan niya pa ang mga hakbang. Mas matangkad si Miguel at kapag hinabol siya nito ay paniguradong maaabutan talaga siya. At hindi nga siya nagkakamali dahil nahawakan siya nito sa braso. Ubod lakas niyang pinalis ang kamay nito. Dahil
last updateHuling Na-update : 2023-03-06
Magbasa pa

Kabanata 29

Bahagya siyang natulala pero kalaunan nang matauhan ay agad din na tinanggal ang kamay ni Miguel sa baywang niya. Napalunok siya at agad tumalikod. Tiningnan niya ang unahan. Ang tamis-tamis nga naman ng mga salita ng mga lalaki. Mapait siyang napangiti sa kawalan. Minsan na rin siyang naloko ng matatamis na salita ni Treous. Nagtagal siya sa poder nito dahil inakala niyang mali lang ng iniisip ng iba dito. Pero tama nga ang mga iyon. Si Treous ay si Treous. Nilingon niya ulit si Miguel. Nakita niyang may hawak na itong flashlight ngayon. “Dito ako natutulog simula noong dumating tayo dito. May tent ako doon banda.” Inilawan nito ang hindi kalayuang banda kung saan hindi masiyadong matalahib.Napansin niya ang maliit na kubo na walang dingding sa unahan. Mahangin doon kaya't napakalamig lalo na sa gabi. Hinihimas ng kamay niya ang magkabilang bisig dahil sa lamig.“Doon tayo, Salome.”Balak nitong hawakan ang kamay niya pero umiwas siya at nauna nang maglakad. Hindi na bago sa kaniy
last updateHuling Na-update : 2023-03-07
Magbasa pa

Kabanata 30

Aaminin niyang nahirapan siya sa mga requirements para makapasok bilang katulong. Sino ba naman ang mag-aakalang dinaig pa sa pagiging pangulo ng bansa ang pagbusisi sa mga katulong ni Treous? Lalo na sa background niya. Mas focus sila sa background niya at lastly ay ang credibility niya o kung flexible siya pagdating sa mga gawain. Pero ngayon ay nakasakay na siya ng van at natatanaw na ang pamilyar na gate. Lumuwag-luwag na ang pakiramdam niya ngayo'ng nakapasok na siya. Parang maluluha siya habang papalapit sa lugar.Medyo nagulat pa ang butler nang mamukhaan siya. Pero wala siyang pakialam sa mga reaksyon ng mga nandoon. Ang importante ngayon ay nandito na siya at magtatrabaho na siya dito. Agad niyang sinuyod ng tingin ang buong mansyon. Nasaan kaya si Daniel ngayon? Kumusta na kaya ito? Na-miss ba siya ng anak niya? Umiiyak ito dati kapag wala siya sa tabi nito. Kaya ngayo'ng naiisip niya ang tagpong iyon, parang kinukurot ang dibdib niya.“Di ba si Ma'am Salome 'yan?”Narinig
last updateHuling Na-update : 2023-03-08
Magbasa pa
PREV
123456
...
9
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status