Natahimik silang lahat. Walang nakapagsalita. Para siyang nabingi sa tunog ng baril. Hindi niya alam kung sino ang may tama sa kanila. At parang nag-slowmo ang lahat nang kumilos ang mga lalaki. Hindi niya na mahagilap sa harapan si Daniel. Hindi niya alam kung nasaan na ito. Nilingon niya ang ama-amahan. Namilog ang mata niya nang makita kung papaano ito sumuka ng dugo. Nabitiwan siya nito maging ang baril na hawak na tinutok lang nito kanina. Lalapitan niya sana ito upang matulungan pero isang kamay ang pumigil ng braso niya para hindi tuluyang makalapit sa ama. Nalingunan niya ang seryusong mukha ni Daniel. Ngunit sa kabila ng kaseryusuhan ay bakas ang pag-aalala sa mga mata. Napasinghap siya nang hilahin siya nito upang ikulong sa mahigpit na yakap. Tila saglit nitong nakalimutan ang sitwasyon nila at ang mga kasamahan. “Sumakay ng bangka ang kasama niya. Baka hindi pa nakakalayo. Sundan niyo!” Narinig niya ang head na minanduhan ang team nito. Kaya agad ay kanluran ang ti
Magbasa pa