Home / Romance / Nefarious Love / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Nefarious Love : Chapter 11 - Chapter 20

34 Chapters

Chapter 10

Mommy Lexie and Daddy Al extended their vacation on Ate Miranda's new house. Iyon ang nakasaad sa letter na ibinigay ng mailman noong makauwi ako sa bahay namin. Bago ako tuluyang umuwi, chineck ko ulit ang mga letrang nakasulat sa likod ng pintuan, ngunit burado na ito. Nakakapagtaka lang dahil hindi iyon gaano kalinis noong napuntahan ko, unlike before. My first hope vanished, thanks to my stupid ideas. Kung sana'y naging wais ako ay mauunahan ko ang taong iyon.Noong makapasok ako sa kwarto ko ay kaagad akong bumagsak sa aking kama. To my surprise, my soft, comfortable bed I used to sleep in was now hard rock as solid. Muntik na akong mapasigaw sa sakit nang tumama ang likod ko sa matigas na bagay. Mabilis akong tumayo at binuklat ang bedsheet na naka cover dito.I guess mommy and daddy won't be home tonight...Nanlaki ang aking mga mata sa salitang nakasulat sa kahoy na pinalit sa aking malambot na kama. Nang bumaba ang tingin ko sa sumunod na nakasulat ay halos himatayin ko sa t
Read more

Chapter 11

Blind date?Narinig ko ang booth na 'yan pero hindi ko alam kung ano ang gagawin at sino ang makakaharap ko. Ang sabi ng mga taong dumakip sa akin, hindi raw nila sasabihin kung sino ang aking pair dahil blind date nga raw, nakadepende na raw sa amin ng date ko kung irereveal ba namin ang identity ng bawat isa.Dahan-dahan ko nang naririnig ang magiliw na awitin mula sa loob ng tinaguriang booth, dagdag pa ng mga facilitator sa akin ay naka locate raw sila sa classroom para may privacy kami ng kung sino mang pair na ito. She said it'll only take five minutes and I don't have to worry. Tumango nalang ako at ramdam ko ang pag alalay nila sa akin paupo sa upuan na naka assign sa amin ng blind date ko. Akala ko ay tatanggalin na ang aking piring nang sabihin nilang iyon ang twist, hindi raw p'wede dahil nakalagay iyon sa rules. Hindi naman gaano kalakas ang musika ngunit naririnig ko ang lyrics nito, at mukhang love song nga.“Hey..”Napaigtad ako nang makarinig ako ng boses sa aking har
Read more

Chapter 12

Walang pasok pero heto ako, nag iisip ng paraan kung paano ko mapapasok ang school na hindi napapansin. Ang sabi ni Grant kahapon sa akin ay kinuha raw ang footage sa campus mula umaga hanggang sa oras ng insidente. Noong silipin ko ang CCTV kahapon, naka off ito. Siguro ay pagkakataon ko na iyon para makapasok. Sabado na ngayon at magaling na ang mga sugat ko. Dating gawi, nilinisan ko ulit ang bahay namin at pinagluto ang aking sarili. Sa sobrang swerte ko ay nadiskubre kong may google map pala ang aking cellphone, kaya't naisipan kong i-search ang location ng aming school at tignan iyon. Hindi ganoon katayog ang mga gates ng campus, p'wede akyatin pero delikado dahil matinik. Hindi rin naman ako p'wedeng dumaan sa entrance at exit dahil may mga bantay doon. Nang tignan ko mula sa likod ang paaralan namin ay napansin kong higit na mas maliit at maikli ang bakod sa likod ng school kaysa sa front. Mag a-alas otso na ng gabi nang maisipan kong umalis dala ang aking bag. Hindi nama
Read more

Chapter 13

Kinabukasan, nakipagkita sa akin si Sir Harrison.Inipon ko lahat ng mga ebidensyang nakuha ko mula sa unang pangyayari hanggang sa liham na nakuha ko kagabi. Kakagising ko lang ngunit kailangan ko na kaagad maghanda para sa pagkikita namin.Noong dumating ako sa playground na tinutukoy ni Sir Harrison ay nandoon na siya. Prenteng nakaupo sa kaliwang banda ng swing, suot ang kaniyang hawaiian shirt at khaki pants. Mukhang kakagaling niya lang sa bakasyon at kakauwi lang. Nang mapansin niyang papalapit na ako ay tumigil siya kakatingin sa kaniyang relo at tumingin sa aking direksyon.Kinamot ko ang gilid ng aking mata. Mukhang hindi na nga talaga ako nananaginip. He's here. For real.“Morning, Ninety Nine!” pagbati pa niya sa akin. “Naramdaman kong may maibibigay ka sa akin kaya't nakipagkita ako.” Dagdag pa niya at inimuwestra ang kaniyang kamay sa kanang bahagi ng swing, tila ba'y iniimbita akong umupo. Sinunod ko naman ito. Kinapa ko ang aking bulsa at kinuha ang mga papel doon na
Read more

Chapter 14

Kumakaway na sa bintana ng aming tahanan ang himig ng pasko.Ilang araw na lang ay magpapasko na. Mabilis akong napaupo mula sa aking pagkakahiga nang marinig kong may kumatok sa pintuan. Kanina pa ako gising ngunit hindi ko feel bumangon mula sa aking higaan dahil nga sa nangyari kahapon, noong pag uwi ng aking mga magulang.“Asheia? Get up! Mamimili tayo ng Christmas decorations ngayon!”It was my Mommy Lexie's voice. I immediately stood up and opened the door. Nakabihis na ang aking ina at mukhang handang-handa na nga ito sa pag shopping. Paano naman ako? Bumaba ang tingin ko sa aking katawan. Nakasuot pa rin sa akin ang pajama at plain t-shirt na suot ko kagabi bago matulog. Hindi pa ako naliligo dahil tinatamad ako. Mom smiled at me and titled her head, "Come on, darling.”I smiled and nodded my head. Noong isinara ni Mommy ang pintuan ng aking kwarto ay kaagad akong nagpunta sa aking banyo at naghanda.This is my first Christmas with my family! Halos mabaliw ako k
Read more

Chapter 15

I was stunned of what she just said.Humalakhak ang babae ng ilang segundo at kumaway sa akin upang magpaalam. “Adios, amiga! See you around!”Sa sobrang gulat ko sa kaniyang sinabi ay muntik ko pa mahulog ang cupcake na kinuha ko mula sa table. Buti't naalala ko pa ang direksyon kung saan nakaupo ang mga magulang ko, kung hindi pa, siguro'y nawawala na ako ngayon. Noong tumunog ang microphone mula sa stage ay nagmamadali akong umupo sa aming seat upang makinig sa nagsasalita. Ayon kay Mommy, iyon daw ang birthday celebrant sa araw na ito, si Mr. Martinez. Mabait daw iyon na tao at magaling magpalago ng negosyo. Napatango-tango ako. Hindi ka na lang talaga magugulat bakit sobrang tatayog ng buildings niya. May ibinigay pa itong speech, ngunit maya-maya'y lumapit ang aking mga magulang sa kaniya upang personal na iabot ang kanilang regalo. Noong naiwan ako sa aming table ay naisipan kong libutin ang lugar gamit ang aking mga mata. Sa sobrang dami ng tao ay halos mahilo ako kakatingi
Read more

Chapter 16

Walang katao-tao sa lugar kung saan kami nakatayo ni Master Heins. Iyon ang dahilan kung bakit tahimik doon at pakiramdam ko'y kaming dalawa lang ang tao sa mundo sa oras na ito.Noong binitawan niya ang aking pulso ay doon lang ako nag iwas ng tingin sa kaniya. “Ano?” Labas sa ilong kong panimula sa kaniya. Nakapamulsa siyang nakatingin sa akin. “You look hot when you're mad. A hot angel, to be specific.”Napairap ako sa kaniyang sinabi. Mukha ba akong nagbibiro? “Anong gusto mong pag-usapan? Bilisan mo na, nasasayang oras ko kakatayo rito.” Pagrereklamo ko pa, dahilan para ma-alerto siya sa kaniyang kinatatayuan.“Sisha is not my girlfriend.”Napataas ang aking kilay sa kaniyang sinabi. “Pake ko, ipa billboard mo.”Noong mga nagdaang araw ay natutuhan ko ang mga salitang ginagamit nila, ng mga normal na estudyante sa mundong ito. May sana all pa nga, ipa tattoo mo, pinagsasabi mo sis at iba pa. Ngunit ito ang tanging nahiligan ko na gamitin dahil natatawa ako tuwing sinasabi ko i
Read more

Chapter 17

Natuloy ang pag d-decorate namin sa bahay. Kasama ang aking mga magulang, nagtulungan kaming isabit lahat ng magagandang disenyo sa paligid ng aming bahay. Tuwang-tuwa pa nga ang aking ina dahil kasama na nila ako sa paskong ito, same lang naman kami ng nararamdaman, sobrang saya ko rin. Ang theme ng bahay namin ay pula't puti, na may kasamang asul. Nagtayo rin kami ng Christmas tree, ako na ang nagsabit ng mga christmas balls at ang star ng pasko. Ilang araw na lang, pasko na. Ilang araw nalang ay mararanasan ko na ang paskong kasama ang pamilya. Napangiti ako nang makita ang panghuling isasabit ko sa decoration, iyon ay ang candy cane sa may sulok. Mag a-alas otso na pala ng gabi noong matapos ko lahat. Maaga kong pinagpahinga ang aking mga magulang, lalo na't nagtabas kami ng hardin kanina at bumili ng mga bagong kagamitan. Napakamot ako sa aking ulo at napahikab. Hindi lang ‘ata sila Mommy Lexie ang napagod, pati na rin siguro ang katawan ko. Dati-rati sa mansyon ay kinakaya
Read more

Chapter 18

It's been three days after my master, Heins Cyan Xenia confessed his feelings for me. Kinuha ko ang spare key na nasa kabinet at nagpaalam sa aking mga magulang. Ngayon kasi ang araw na mamamasyal kami ni Heins sa malayong lugar upang makapag relax ako. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niyang relax dahil hindi ko maramdaman ang aking mukha tuwing nasisilayan ko siya. Paano ako marerelax no’n? Pakiramdam ko nga ay magiging bato ako tuwing hinahawakan niya ang kamay ko o kahit buhok ko lang.Lumabas ako sa aming bahay at doon tumambad sa akin ang nakasandal na Heins sa kaniyang itim na kotse. Nakapamulsa ito habang nakatingin sa aking direksyon, may mapaglarong ngiti sa kaniyang labi. Kumaway ako sa kaniya at dahan-dahang naglakad papalapit. “Hi!” bati ko sa kaniya. “Saan tayo ngayon?” Tanong ko pa at hinawakan ang slingbag na aking bitbit.“Church.”I titled my head. “Huh?” Anong pinagsasabi ng lalaking ito? Inalis niya ang kaniyang pagkakasandal sa kotse at lumapit sa akin.
Read more

Chapter 19

A day before Christmas.Abalang-abala ang aking mga magulang sa pagluluto ng handa para sa pasko nang biglang tumunog ang aming doorbell. Suot-suot ko pa ang apron na nadungisan na ng mga sauce sa kusina. Tinakbo ko ang distansya mula sa kusina hanggang sa tanggapan ng aming bahay, at doon, nakita kong nakatayo sa aking harapan ang nakangiting Ate Miranda at Kuya Ash. Sumigaw lang ako upang ipaalam sa mga magulang ko na nandito na ang aming pinakahihintay na bisita. Hindi ko rin magawang mayakap ang aking kuya dahil sobrang dumi ko nga at nag do-doble ingat din ako dahil maselan ang pagbubuntis ni Ate Miranda. “Ang ganda mo talaga kahit kailan, Asheia!” pagpuri pa ni Ate at kinurot ang aking pisngi. Sa sobrang diin no'n ay halos maiyak na ako, kung hindi pa siya sinuway ni Kuya, baka nagkasugat na itong pisngi ko. “Sorry! Ang cute mo kasi! Sarap mong kurutin!”Nagtungo ulit ako sa kusina at kumuha ng meryenda para sa kanilang dalawa. May naihanda na rin kasi kaming mga pagkain, kung
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status