"MOMMY, okay ka lang?" Nakangiting sinalubong ko ang mga mata ni Ferra. "Yes, baby. Do I look like , I'm not?""Yes, po.""Of course, okay lang si mommy," ani ko, at niyakap ito. "I can sense that you're not okay," saad nito.Napasulyap akong muli sa relong-pambisig. It's almost 11:45 in the morning. "Dito ka lang muna, mag-cr lang saglit si mommy, okay? Manood ka na muna ng cartoons.""Alright, mommy."Tumayo ako at tinungo ang naturang comfort room. Pero bago pa man ako tuluyang makarating ay eksaktong bumukas ang pinto ng opisina ni Zeus. Nagmamadaling bumalik ako sa aking daan at nagtago. Nagulat ako nang tila mainit ang ulo nito. Pinapagalitan ang dalawang employees nito. Lihim akong nagpapasalamat. Akala ko talaga ano na. Binalikan ko na lamang si Ferra. Lumapit ako rito. Nagulat ito nang makita ako. "Ang bilis mo naman po, mommy?""Maraming tao sa comfort room, sweetheart. Tara na," ani ko rito."Hindi na po ba busy si daddy?""Baka, try lang nating bumalik," sagot ko rito.
Read more