"ARE YOU SURE?!" bulalas ko rito. Hindi makapaniwala sa offer nito. That was unbelievable!"I am serious, Yna. Isa pa, isipin mo na lang ang ina mo. Makakatulong din ito para sa kanya. Para sa mga pangangailangan niya. At sa pag-aaral mo.""Wait lang, nalilito ako Eliza. P—pero bakit?""Dahil may sakit si Farrah at ayaw niyang masaktan ang kaibigan ko na asawa niya. Please, pumayag ka na lang."Gusto kong makita at makausap si Farrah," pagdakay saad ko sa kaibigan. "You mean, inilihim niya ang sakit niya sa sariling asawa para hindi ito masaktan, pero kaya niya itong lokohin?""Sometimes we need to use the thing called white lies, para lang hindi masaktan ang mga mahal natin sa buhay, and that's the reality of life, Yna."Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. Panginoon ko, tama ba itong papasukin ko?"Dalhin mo ako kay Farrah ngayon din. Mabuti na lang at maagang naubos ang paninda ko," tugon ko rito. Inayos ko ang suot kong damit na medyo nalukot."Salamat," tugon ni Eliza.
Magbasa pa