Kallix POVHindi ako makapaniwala sa sarili ko na nakayanan kong magtimpi. Sobrang dami ng nagbago simula ng nakasama ko siya. Nagpaalam siya na uuwi siya sa kanila pumayag naman ako dahil ano ba ang dahilan para hindi ako pumayag. Baka isipin niya na masyado na akong mahigpit sa kanya."Senyorito magpapaalam po sana ako para mag grocery," sabi niya sa akin."Marami pa naman ang mga stocks sa pantry?" Nagtatakang tanong ko sa kanya."Hindi po dito, para po sana sa bahay. Gusto ko po sana ibili sila nanay ng stocks. Malayo po kasi kami sa bayan," sagot niya sa akin."Okay, I'll go with you," sabi ko sa kanya. Kahit ako ay nagulat rin sa sarili ko dahil kailan pa ako sinipag na pumunta sa grocery store."Po? Naku 'wag na po," kaagad na sagot niya sa akin.Kumunot ang noo ko para takutin siya. Madalas ko kasing ginagawa kapag hindi ako sang-ayon. "Sige na nga po, pero paalala po 'wag kayong tumabi sa akin ha," sabi niya kaya nagtaka ako."Baka ano pa sabihin sa inyo kapag katabi niyo ak
Read more