KABANATA 12MYCA’S POVPagkatapos kong maghanda ng pagkain namin ay saka ko tinawag si Ian. Mas lalo lang kaming naging tahimik ngayon na kumakain na kami. The truth is I am still trying to absorb everything. Hindi man lang ako nagkaroon ng oras para mag-isip at magulat sa mga nagdaang araw dahil sa mga nangyari. Ngayon ko pa lang nararamdaman ang pinaghalo-halong hiya, gulat, saya, inis, at pagtataka. Dumagdag pa na ngayon ko pa lang naaamin sa sarili ko na nakakahiya ang mga ginawa ko sa mga nagdaang araw. Dapat na ba akong magdasal na sana ay hindi niya malaman man lang kung paano ko siya napapakain? Nakakawala ba ng dignidad ang mga ginawa ko? Pero hindi ba ay may rason naman ako para gawin iyon? He can’t just blame me because I saved him!“So… Did you even feed me while I am past asleep?” Halos mabulunan ako sa naging tanong ni Ian bigla.Para namang narinig niya ang nasa isip ko kanina. Tumikhim ako at tumango nang simple. Hindi ko naman sasabihin sa kanya kung paano ko iyon gin
Read more