"MALALIM ata ang iniisip mo, Yel?" tanong sa kanya ni Joshua nang mapansin siguro nito ang pananahimik niya.Katatapos niya lang itong punasan at mapalitan ng mga damit. Tipid niya itong nginitian at marahan na umiling."Wala naman," pagsisinungaling niya.Umubo ito. "Kilala kita kung kailan ka nagsasabi ng totoo at kung kailan ka nagsisinungaling. Tell me what's bothering you?"Nakagat niya ang ibabang labi. Hindi niya alam kung sasabihin ba niya rito ang naging pag-uusap nila ni Jonathan kagabi. Pero sa huli ay minabuti na lang niyang isarili. Ayaw niyang bigyan ng stress ang binata."Tungkol kay Jonathan,""What about him?""Hmm... Napansin ko lang na magkaibang-magkaiba kayo ng ugali," sabi na lang niya.Tipid siya nitong nginitian. "Well, hindi lang ikaw ang nakapagsabi niyan. Since we were children, sinasabi nila na para kaming umaga at gabi. Masiyahin ako habang si Jonathan seryoso at mabibilang mo ang pagngiti niya. But honestly, I envy him. Everyone adores him dahil sa talent
Read more