Naging maayos ang lahat. Nakalabas na sa hospital ang daddy ni Nathalie. Mas minabuti ng daddy niya na sa kanila na lang muna tumira para hindi siya mag-alala. At mas pabor naman ito sa kanya. Para naman namomonitor niya ito. Alam kasi niya na nanghihina pa ang daddy niya. “Daddy, sigurado po ba kayo na wala na kayong nararamdaman? Ang ulo mo, hindi na ba sumasakit?” nag-aalala na tanong niya sa daddy niya. “Anak, I’m fine. Malakas pa ako sa kalabaw.” natatawa na sagot ni Xacto sa kanyang anak. “Naninigurado lang ako, daddy. Ayaw ko na kayong makita na ganun. Natakot ako e, sobrang takot ako na iwan niyo ako. Hindi pa po kasi ako ready na mawala ka.” umiiyak na siya ngayon. “Shhh… Don’t cry, lagi mong isipin na hindi natin hawak ang buhay natin. Pero sino ba ang may gusto na mamatay? Wala, dahil lahat tayo gustong makasama ang mga mahal natin sa buhay. Ikaw, ang mommy mo at ang mga apo ko. Gusto ko pa kayong makasama, anak. Mahal na mahal ko kayo at hangga’t buhay ako ay gusto kong
Read more