Zeph PovBiglang napatayo si Alpha Hunter nang marinig ang sinabi ko. Nagpaalam kasi ako sa kanya na aalis na ako sa bahay niya. Ayoko kasi na mas lumalim pa ang nararamdaman ko sa kanya hanggang sa hindi ko na makayang kontrolin ang aking sarili. Kaya habang maaga pa at kaya ko pang pigilan ang nararamdaman ko sa kanya ay makabubuting umalis na lamang ako at lumayo."Ang sabi ko ay magpaalam na ako sa'yo, Alpha Hunter. Malaki na ang naitulong mo sa akin at hindi naman ako forever na mananatili rito sa bahay mo kaya napagdesisyunan kong umalis na sa bahay mo," pag-uulit ko sa sinabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung hindi niya ako naintindihan kaya pinaulit niya ang sinabi ko o baka iniisip niyang nagkamali lamang siya ng dinig."Alam mo ba ang sinasabi mo, Zeph? Alam mo na nasa panganib ang buhay mo kaya hindi ko maintindihan kung bakit mo nais umalis sa bahay ko," tila inis ang boses na sagot niya sa akin. Kahit ang tatlo niyang kaibigan ay nakalarawan din sa kanilang mukha ang pagtut
Last Updated : 2023-04-23 Read more