Zeph PovNanatili sa tinitirahan kong bahay si Duffy dahil ayaw pa niyang umuwi sa bahay nila. Ayaw niyang makita ang kanyang stepmother lalong-lalo na ang stepbrother niyang si Hernan kaya nakiusap siya sa akin na kung maaari ay dito na lang muna siya kasama ko. Agad naman akong pumayag dahil mabuti nga na nandito siya para may kasama ako at kausap. Nang sa gayon ay hindi lamang ang aking sarili at kung ano-anong insekto sa paligid ang madalas kong kinakausap. Kahit sinong makakita sa akin habang nagsasalita ngunit wala namng kausap ay tiyak na iisipin nilang nasisiraan na ako ng bait.Noon akala ko ay talagang perpekto ang buhay ni Duffy. Ang totoo pa nga niyan ay kinaiinggitan ko ang buhay na mayroon siya. Anak siya ng isang mayaman at sa eda na labinlima ay kaya na niyang mag-shift ng kanyang katawan into wolf kapag sumasapit ang kabilugan ng buwan. May mga kaibigan siya na palagi niyang kasama lalo na kung binu-bully niya ako. Kaya naman nagulat ako nang malaman ko na may problem
Hunter PovMag-isang umiinom ako ng alak sa aking silid nang marinig ko na may kumakatok sa pintuan. Agad kong ibinaba sa lamesita ang hawak kong kopita na may alak bago ko binuksan ang pintuan. Inaasahan ko nang ang tatlo kong kaibigan ang makikita ko sa labas ng pintuan at hindi ako nagkamali. Tuloy-tuloy silang pumasok sa loob ng aking silid kahit na hindi ko pa sila sinasabihang pumasok na. At iyon ay dahil sanay na sila sa akin at sanay na rin ako sa kanila. Parang magkakapatid ang turingan namin sa isa't isa kaya kapag kaming magkakaibigan lamang ang magkakaharap at walang ibang tao ay hindi isang alpha ang trato nila sa akin kundi isang matalik na kaibigan."Umiinom ka na naman, Hunter? Magmula nang umalis si Zeph sa bahay mo ay madalas ka na naming nakikitang umiinom. Hindi naman ganyan ang Hunter na kilala namin noon," agad na sermon sa akin ni Ruyi nang makita niya ang kopitang may alak sa aking lamesita. "Kahit na hindi mo sabihin sa amin ang dahilan kung bakit madalas ka
Zeph PovNakumbinsi ako ni Duffy na bumalik sa bahay ni Alpha Hunter at ipaglaban ang nararamdaman kong pag-ibig sa kanya. Kaya pagkalipas ng ilang araw matapos niya akong kausapin ay nagdesisyon akong umalis na sa tinitirahan ko samantalang si Duffy naman ay nakahanda na ring harapin ang kanyang stepmother na siyang nag-utos kay Hernan na dukutin siya at gawan ng masama. Ngayon ay malakas na ang aking loob dahil hindi na hadlang sa aming dalawa ang pagiging omega ko. "Kapag ginawan ka ulit ng masama ng iyobg stepmother ay sabihin mo lang sa akin at parurusahan ko siya agad," bilin ko kay Duffy habang hawak ko ang kanyang mga kamay. Magkakahiwalay na kasi kami dahil magkaiba ang daan na dadaanan namin."Tatandaan ko iyan. Pero huwag kang mag-alala dahil hindi na ako magpapatalo pa sa kanya. Ngayon pa na may kaibigan na ako na isang diyosa at makapangyarihan," nakangiting biro niya sa akin pagkatapos ay biglang sumeryoso ang mukha. "Maraming salamat sa pagtanggap mo sa akin, Zeph. Nga
Zeph PovLumukso ang puso ko nang makita ko si Alpha Hunter sa aking harapan. Hindi ko na kailangan makipaglaban o gumamit ng aking kapangyarihan laban sa tatlong lalaking ito na nangbabastos sa akin. Ayokong malaman muna ni Alpha Hunter at ng ibang mga tao na may taglay akong kapangyarihan. Hindi ko kasi alam kung paano ko ito ipapaliwanag sa kanila nang hindi nila ako paghihinalaan na isang mangkukulam. "Si Alpha Hunter!" takot na bulalas ng tatlong lalaki. Pagkatapos ay mabilis silang nagsipagtakbuhan palayo para tumakas."Habulin ninyo ang tatlong iyon at patayin," mariing utos ni Alpha Hunter sa kanyang mga tauhan. Agad namang tumango ang kanyang mga tauhan at mabilis na sinundan ang tatlong lalaking nais tumakas.Nang makaalis ang mga tauhan niya ay muli niya akong hinarap. Blangko ang expression ng kanyang mukha kaya hindi ko mabasa kung ano ang kanyang damdamin sa muli naming pagkikita. Gusto kong panghinaan ng loob ngayong nasa harapan ko na siya ngunit kailangan kong itulo
Hunter PovHindi ako mapakali habang palakad-lakad ako sa loob ng aking silid. Nag-aalala ako na baka bigla na lamang umalis si Zeph nang hindi ko nalalaman. Hindi ko sinasadya ang mga sinabi ko kanina. Dahil ang totoo ay natutuwa ako na nagbalik siya rito sa bahay ko. Ngunit Kailangan kong gawin iyon dahil nasa harapan si Ashley. Kapag nakita niya ang magandang pagtrato ko kay Zeph ay iisipin niyang may nararamdaman ako para sa aking dating alipin. Ngunit ang mas inaalala ko ay ang mga taong nasa paligid ko at lihim na nanunuod sa magiging reaksiyon ko sa muli naming pagkikita ni Zeph. Alam ko na kahit inalis ko na ang mga espiya ni Keiver mula sa aking mga alipin ay hindi naman ako nagtagumpay na maalis sa aking bahay ang nga espiya ng ibang taga-north council kagaya na lamang ng ama ni Ashley.Kapag makarating sa ama ni Ashley kung paano ko tratuhin si Zeph ay baka maghinala siya na isa lamang palabas ang mabuting pagtrato ko sa kanyang anak. Tiyak na pagdidiskitahan na naman nila
Zeph PovMaganda ang aking panaginip. Katabi ko ngayon sa kama si Alpha Hunter at hinahalikan niya ako sa aking mga labi. Alam ko na panaginip lamang ang nagaganap, hindi gagawin ni Alpha Hunter na halikan ako dahil may ibang babae siyang mahal. Ngunit parang totoo ang nangyayari at hindi lamang isang panaginip. Tila totoo ang kanyang mga yakap at halik sa akin. Nang saglit siyang huminto sa paghalik ay nagmulat ako ng aking mga mata at napangiti ako nang makita ko ang guwapo niyang mukha. Umangat ang isa kong kamay at hinaplos ang kanyang pisngi."Bakit hanggang sa panaginip ay nakikita pa rin kita, Alpha Hunter?" tanong ko sa kanya. Ang bigat ng aking mga mata ngunit ayoko pang ipikit ito dahil ayokong maglaho siya sa aking harapan. "Zeph," mabigat ang paghinga na sambit niya sa pangalan ko. Isang mahinang ungol lamang ang isinagot ko sa kanya. Kahit ang kanyang boses ay parang totoong-totoo. Mukhang sa sobrang pag-iisip ko sa kanya ay napapaniginipan ko na siya."Halikan mo ako, A
Zeph PovHindi ko maiwasang makaramdam ng pagkailang habang sakay kami ng kabayo. Nasa unahan niya ako at nakapaloob ako sa kanyang dalawang braso. Hindi maiwasan na mapasandig ako sa kanyang dibdib habang tumatakbo ang kabayo. Hindi ko alam kung ano ang kanyang iniisip dahil tahimik lamang siya at tila wala siyang balak na makipag-usap sa akin. Naisip ko kung hindi ba siya nakaramdam ng selos kanina? Si Ruyi kasi ang kasama ni Ashley sa kabayo at hindi siya. O baka naman nagselos siya ngunit hindi lamang niya ipinahalata dahil kaibigan niya si Ruyi. At ang pagiging tahimik niya ngayon ang pruweba na nagselos siya kanina. Kaya wala siya sa mood na makipag-usap sa akin ngayon dahil sa nangyari kanina.Hanggang sa nakarating kami sa loob ng gubat ay hindi pa rin niya ako kinakausap. Kaya naman ako na ang hindi nakatiis at inunahan ko na siyang kausapin."Kung gusto mo ay hanapin na muna natin si Ruyi para magpalit kayo ng mga sakay ninyo," kausap ko sa kanya. Ako na ang kusang nag-sugg
Hunter's PovNilapitan ko ang rabbit na tinamaan ng aking sibat kanina. Napangiti ako nang makita kong malusog ang rabbit na aking nahuli. Nilingon ko si Zeph para tawagin siya at ipagmalaki sa kanya itong nahuli kong rabbit ngunit hindi ko siya matanaw sa bahagi ng gubat na pinuntahan kanina. Sinabi ko naman sa kanya na huwag siyang lalayo at huwag din siyang magtatagal ngunit hanggang ngayon ay hindi pa siya bumabalik. Nagsimula akong makaramdam ng pag-aalala nang hindi ko siya makita sa aking paligid. Naghintay muna ako ng mga ilang minuto pa dahil baka may pinuntahan siyang iba ngunit nang hindi pa rin siya nagpakita pagkatapos ng paghihintay ko sa kanya ay doon na talaga ako kinabahan. Maraming scenario ang biglang nabuo sa aking isipan. Paano kung bigla na lamang umalis si Zeph nang hindi nagpapaalam sa akin? Paano kung hindi sinasadyang napalayo siya at naligaw pagkatapos ay may nakasalubong siyang masasamang taong-lobo? Paano kung pinatay siya at itinapon na lamang ang bangkay
Zeph PovPagkatapos naming mapatay si Urusula ay agad kaming nagtungo sa dating bahay kung saan nakatira si Hunter. Pagdating namin ay kasalukuyang nakikipaglaban na ang dalawang magkalabang panig. Sa nakita ko ay malapit nang matalo ang aming mga kapanalig at tila nawawalan na sila ng pag-asang manalo ngunit nang makita nila ang pagdating namin ni Hunter ay bigla silang nabuhayan ng loob. Malaking bagay ang pagdating ng presensiya namin ni Hunter para manumbalik ang tapang sa kanilang mga puso.Sa unang pagkakataon ay ipinakita ko sa buong pack members ng Golden Wolf Pack ang aking kapangyarihan. At dahil mga ordinaryong taong-lobo lamang ang mga kalaban kaya mabilis namin silang natalo. Ngunit ang mga kawal lamang ni Keiver ang nahuli namin dahil wala siya roon. Alam ko na may binabalak siyang plano laban sa amin kaya wala siya rito. Dahil doon ay inutusan ko ang aming mga kapanalig na maging alerto. Pagkatapos ng madugong laban ng dalawang magkaibang panig ay nagawa naming pasukui
Zeph PovAng simpleng halikan namin ni Alpha Hunter ay nauwi sa mas mainit na eksena. Hinayaan ko siyang alisin ang lahat ng saplot sa aking katawan at tuklasin ang bawat bahagi ng katawan ko na nais marating ng kanyang mga kamah. At bawat bahagi ng katawan ko na madaan ng kanyang mga palad ay nag-iiwan ng apoy sa aking balat. Apoy na hindi nakakasunog sa halip ay nagbibigayng ng ibayong sarap at kiliti na hindi ko maipaliwanag. Bago sa akin ang pakiramdam na ito ngunit inaamin ko na ito ang pakiramdam na gusto kong paulit-ulit na maramdaman.Nang tuluyan na niyang pag-isahin ang aming mga katawan ay nakaramdam ako ng sakit na tila ba may napunit sa kaloob-looban ng aking katawan. Mariing ipinikit ko ang aking mga mata at tiniis ang sakit. Hindi ko akalain na makakarmdam din ako ng sakit dahil akala ko ay puro sarap lamang ang mararamdaman ko. Ngunit saglit lamang ang sakit na aking naramdaman dahil agad na pumalit ang pakiramdam na hindi ko kayang mapangalanan. At ito ang pakiramdam
Zeph PovLumitaw kami ni Alpha Hunter sa harapan ng kuwebang binanggit ni Hillary. Lahat ng mga taga-suporta ni Alpha Hunter ay nagsaya nang makita nilang magkasama kaming dumating ni Alpha Hunter sa kanilang safe place. Naroon na rin sina Duffy na matagumpay na nailigtas ang mga kaibigan ni Alpha Hunter."Ligtas na tayo! Nandito na ang ating alpha at luna!" halos sabay-sabay na sigaw ng mga taong-lobo. Napansin ko na maliban sa south council ay mga taga-north council din na kasamang nagtatago. Siguro sila ang mga taga oposisyon na ayaw sa malupit na pamamalakad ni Alpha Hunter kaya mas pinili nilang magtago. Binibihag kasi ni Keiver ang kahit sino na kontra sa kanyang pamamalakad o worst ay pinapatay."Natutuwa kami at ligtas kang nakatakas sa pagkakulong, Alpha Hunter," masayang salubong ni Ashley sa amin. Kasama niya sina Duffy at Hillary pati na rin ang mga kaibigan ni Alpha Hunter na bagama't puno ng sugat sng mga katawan at nanghihina ay ginusto pa ring salubungin ang aming pagd
Zeph PovNang makita namin ang ginawa ni Hillary ay inalis ko na ang ginawa kong harang para makita niya kami. At nang makita nga niya kami ay hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Tumakbo siya palapit sa akin at umiiyak na yumakap. Sa pangatlong pagkakataon ay nagkatinginan kami nina Duffy at Ashley."Mabuti naman at nandito ka na, Zeph. Iligtas mo si Alpha Hunter. Papatayin na siya bukas ng aking ama. Papatayin siya sa harapan ng mga taga-north at south council para ipakita sa kanila na makapangyarihan siya," umiiyak na sumbong ni Hillary. Lalo lamang akong nakaramdam ng galit kay Keiver ngunit pinilit kong kinalma ang aking sarili. Hindi ako makakapag-isip ng maayos kung umiiral ang galit sa aking puso."Bakit mo ito ginagawa, Hillary? Hindi ba't galit ka sa akin noon pa man?" nagdududang tanong ko sa kanya."Oo nga, Hillary. Paano kami maniniwala na nagsasabi ka ng totoo? Baka naman gumagawa ka lamang ng patibong para mahuli ninyo si Zeph?" wika naman ni Duffy na katulad ko ay hindi
Zeph PovHindi ko napigilang sisihin ang aking sarili matapos kong malaman kay Duffy at Ashley ang naging kalagayan ni Alpha Hunter nang umalis ako sa pack namin. Kung alam ko lang na makakaranas pala siya ng matinding backlash dahil sa ginawang pagtanggi sa kanya bilang mate ko ay hindi na sana ako nagliwaliw sa iba't ibang werewolf pack. Kung sana ay hindi ko na pinaabot pa ng mahigit anim na buwan bago ko naisipang magbalik sa pack namin ay hindi sana nararanasan ngayon ni Alpha Hunter ang kalupitan sa mga kamay ni Keiver."Patawarin niyo ako. Naging makasarili ako. Kahit nalaman kong na wala talagang kasalanan ang ama ni Alpha Hunter ay mas ginusto ko na huwag bumalik. Naduwag kasi akong harapin ang galit niya sa akin," umiiyak na paumanhin ko sa dalawa kong kaibigan. Halos madurog ang aking puso nang malaman ko kung paano pinahihirapan ni Keiver si Alpha Hunter."Wala kang kasalanan, Zeph. Biktima ka lamang din ng pagmamanipula ni Keiver. At hindi pa huli ang lahat. Buhay ka pa k
Zeph PovNakangiting kinawayan ko ang huling pasyente ko sa araw na ito. Nagpatayo ako ng isang maliit na clinic sa Ash Pack kung saan ay nagustuhan kong pansamantalang manirahan. Mahigit tatlong buwan na ako rito dahil ginugol ko ang ibang mga buwan sa pag-iikot kaya maraming pack akong napuntahan. Lahat sila ay tinanggap ako ng may ngiti sa kanilang mga labi. Kaya bilang kapalit ng mainit nilang pagtanggap sa akin ay pinagaling ko ang lahat ng mga may karamdaman sa bawat pack kung saan ako nanatili ng mga ilang araw. Hanggang sa nakarating ako sa Ash Pack. Isang pack na nasa paanan ng bundok at naninirahan ng tahimik. Nagustuhan kong manatili rito dahil ang mga taong-lobo na nakatira rito ay mababait. Wala silang discrimination kahit anong rank ka man nagmula. Lahat ay masaya. Nalilibang ako kaya hindi pumapasok sa aking isip ng iniwan kong pack kung saan ako nagmula. At kapag hindi talaga naiiwasang sumagi sa aking isipan lalo na kapag nag-iisa ako ay agad kong ipinipilig ang akin
Hunter Pov"Hunter!" tawag ni Ruyi sa aking pangalan mula sa labas ng kulungang kinaroroonan ko. "I'm sorry kung natagalan kami bago ka namin napuntahan para maitakas. Masyadong mahigpit ang mga nagbabantay na kawal kaya hindi kami makapasok. Ngunit ngayon ay nabawasan ang mga bantay na kawal dahil pinasama ni Keiver sa paghahanap sa mga tagasuporta mo na nakatakas," paliwanag sa akin niya sa akin. Mabilis akong umiling at ngumiti. "Makita ko lang na ligtas kayo ay okay na ako. At saka hindi niyo ako magagawang maitakas dito dahil naglagay ng spell si Urusula para hindi ako makatakas sakaling makakawala man ako sa pagkakatali nila sa akin," paliwanag ko sa kanila."Mga walang hiya sila!" galit na bulalas ni Sami habang nakakuyom ang mga kamao. "Paano ka namin magagawang maitakas dito, Hunter?""Si Zeph lamang ang tanging makakaalis ng spell dahil isa siyang goddess. Ang anumang kapangyarihang itim na ginamit ni Urusula ay walang bisa sa kanya at kaya niyang kontrahin," sagot ko haban
Hunter PovSa apat na sulok ng kulungang kinaroroonan ko ay maririnig ang aking mahihinang pagdaing at ang malakas na hagupit ng latigo na tumatama sa aking katawan habang ang aking dalawang kamay ay nakatali ng padipa. Sa tindi ng nararamdaman kong sakit ay halos nakaluhod na ako sa malamig na sahig ng kulungan. Ngunit walang awa pa rin akong hinahagupit ng latigo ni Beta Keiver na ngayon ay siya nang bagong alpha ng Golden Wolf Pack.Halos anim na buwan na ang nakalilipas magmula nang lusubin ng mga kawal ni Keiver ang aking bahay at dinakip ako. Wala akong lakas para makipaglaban sa kanila kaya walang kahirap-hirap na nakuha niya ang aking bahay at ang pagiging alpha ng aming pack. Magmula kasi nang umalis si Zeph ay hindi na bumalik ang aking lakas. Tuwing gabi, pagsapit ng alasais ay umaatake ang matinding sakit ng katawan na una kong naramdaman nang gabi ng aking kaarawan kung kailan naman ako iniwan ni Zeph matapos niyang tanggihan ang aking pag-ibig sa harapan ng aking mga bi
Zeph PovParang dinaklot ang aking puso nang marinig ko ang pangalan ng aking mga magulang. Sa wakas, pagkatapos ng labinwalong taon ay nalaman ko rin ang pangalan ng aking mga magulang. Lumaki kasi ako na ni pangalan ng aking mga magulang ay hindi ko alam. Ang tanging alam ko lamang tungkol sa kanila ay pareho silang omega at traydor sa aming pack. Kaya naman nang marinig ko ang kanilang pangalan ay parang may dumaklot sa aking puso. Gusto kong maiyak sa sobrang tuwa. "Alpha Amaro at Luna Quinee ang pangalan ng dating alpha ng Golden Wolf Pack at nang kanyang luna?" tanong ko kay Alpha Trio kahit na kababanggit pa lamang niya sa pangalan ng aking mga magulang. Gusto ko lang talagang siguraduhin na hindi ako nagkamali ng dinig sa kanilang mga pangalan."Tama ang narinig mo, Zeph. Alpha Amaro at Luna Quinee ang kanilang pangalan. May koneksiyon ka ba sa kanila?" curious na tanong sa akin ni Alpha Trio.Tumango ako bago ko siya sinagot. "Ako ang nag-iisa nilang anak na babae," sagot ko