Mactan International Airport. Hila-hila ang maleta ay lumabas mula sa airport si Jenica. Hawak ng isang kamay ang handle ng maleta habang hawak ng kabila ang maliit na kamay ng batang nasa limang taong gulang pa lamang. Nakasimangot ang bulilit at pilit nitong tinitingala ang matangkad na postura ng ina. "Mom, I want Tita Carol, not other nannies!" maktol nito.Bumuntong-hinga si Jenica. "Tita Carol is busy. Be good and I'll buy you your favorite mocha cake. Is that alright?"Walang nagawa ang paslit kundi tumango at busangot na sumunod sa yapak ng ina. Tinanaw ni Jenica ang naglalakihang mga gusali sa hindi kalayuan. "Fuego Empire," bulong niya na may ngiti sa mga labi. "It's been five years... I'm back."Limang taon na nang lumipad siya sa ibang bansa upang takasan ang naghihingalong asawa. Nawalan siya ng komunikasyon sa lalaki gayunpaman, inaalam pa rin niya ang mga balita ukol dito. "Kyah! Magpapakasal na si Miss Gia! Tingnan niyo girls, owner ng Fuego Empire ang fiance niya!
Last Updated : 2022-12-22 Read more