Share

Hidden Mafia King and the Fearless CEO
Hidden Mafia King and the Fearless CEO
Author: aranew

Chapter 1

Mactan International Airport. 

Hila-hila ang maleta ay lumabas mula sa airport si Jenica. Hawak ng isang kamay ang handle ng maleta habang hawak ng kabila ang maliit na kamay ng batang nasa limang taong gulang pa lamang. 

Nakasimangot ang bulilit at pilit nitong tinitingala ang matangkad na postura ng ina. "Mom, I want Tita Carol, not other nannies!" maktol nito.

Bumuntong-hinga si Jenica. "Tita Carol is busy. Be good and I'll buy you your favorite mocha cake. Is that alright?"

Walang nagawa ang paslit kundi tumango at busangot na sumunod sa yapak ng ina.

Tinanaw ni Jenica ang naglalakihang mga gusali sa hindi kalayuan. "Fuego Empire," bulong niya na may ngiti sa mga labi. "It's been five years... I'm back."

Limang taon na nang lumipad siya sa ibang bansa upang takasan ang naghihingalong asawa. Nawalan siya ng komunikasyon sa lalaki gayunpaman, inaalam pa rin niya ang mga balita ukol dito.

"Kyah! Magpapakasal na si Miss Gia! Tingnan niyo girls, owner ng Fuego Empire ang fiance niya!" excited na sigaw ng babaeng kasabay niyang lumabas ng airport.

Pasimple siyang bumaling sa dalawang babae na kapwa nakatingin sa cellphone.

"Sure ba yan?" tanong ng kasama nito.

"Yes! Kilala mo si Miss Gia, 'di ba? Siya 'yong magaling na singer songwriter plus award winning artist. Idol na idol ko 'yan. Nagpalabas na siya ng statement na engage na siya sa CEO ng Fuego Empire."

CEO ng Fuego Empire?

Naningkit ang mga mata ni Jenica. Sa pagkakaalam niya ay asawa niya ang CEO ng Fuego Empire pero bakit sinasabi nilang fiance ito ng babaeng nagngangalang Gia?

Sumagi sa isipan niya ang maputlang mukha ng asawa at dumilim ang paningin niya. Her husband really has the guts to find another woman after five years? Good. Very good.

Kumunot ang noo niya at kumuyom ang mga kamao sa inis. Nagulat na lang siya nang maramdaman ang maliit na palad ng anak sa mga kamay. 

"Mom, are you okay?"

Tumingin siya kay Shamrock at ngumiti. "Good Sham, Mom is okay." At marahang hinaplos ang malambot nitong buhok na hanggang balikat. 

Isa sa mga dahilan kung bakit siya lumipad pabalik sa bansa kasama ang anak ay dahil nalaman niyang magpapakasal si Alexander, ang walang hiyang asawa niya. 

Liban sa nakatali pa siya sa lalaki, binuntis siya nito na kinatakot niya noon. Ayaw niyang maging bastardo sa paningin ng publiko ang anak kaya kahit labag sa kalooban ay lumipad siya pabalik sa bansa.

Huminto ang taxing sinasakyan sa isang magarang subdivision. Hinawakan niya ang kamay ni Sham at akmang papasok sa loob ng gate nang sitahin siya ng guwardiya. 

"Miss, sandali. Bawal pumasok sa loob kung hindi homeowner."

Tumingin siya sa guwardiya. "Asawa ako ni Mr. Fuego," aniya. 

"Ah, Miss..." Natawa ang guwardiya. "Ilang babae na ang nagpakilalang asawa at girlfriend ni Mr. Fuego pero walang ni isa ang nakapasok sa loob. Kung ayaw mong makaladkad palayo ay kusa na kayong umalis." Bumaba ang tingin nito kay Sham. "Huwag mong sabihing anak ito ni Mr. Fuego? Miss, marami nang sinungaling na pinakulong ni Sir." Ngumisi ito.

Kumulo ang dugo ni Jenica sa sinabi ng guwardiya. "Hindi mo ba ako kilala? Five years ago, dito ako nakatira!" aniya. 

"Miss, marami nang babae ang nagsabi niyan kaya hindi uubra ang rason mo."

Napamura si Jenica at masamang tiningnan ang naglalakihang mga bahay sa loob ng subdivision. Just you wait, Alexander Fuego!

Hinila niya paalis si Sham nang madilim ang mukha. Hindi niya lubos akalaing matapos ang limang taon ay hindi na siya makapasok sa loob. Naalala pa niya kung paano yumukod ang mga guwardiya sa kaniya noon. 

"Mom, it's hot!" reklamo ni Sham. 

Tumingin siya sa anak at nakitang naliligo na ito sa sariling pawis. Kinagat niya ang ibabang labi at agad na dinukot ang bull cap sa gilid ng maleta. "Wait a moment, Sham. Mom will look for a car, okay?" aniya saka sinuksok ang isang panyo sa likod ng bata. 

Tumayo sila sa lilim ng malaking puno at dinukot niya sa bulsa ang cellphone. "Hello, Shimen. Busy ka ba ngayon? I need your help. Isi-send ko ang address."

Hindi nagtagal ay may pumaradang itim na kotse sa tapat. Bumukas ang driver's door at lumabas ang lalaking naka-shades. Naka-polo shirt ito at may ngiting nakapaskil sa mga labi.

"Jen, nice to have you back. But why are you here? Kanina ka pa hinihintay ni Mama," ani Shimen at kinarga si Shamrock. "Little boy, Uncle Shimen's here to fetch you. Are you happy?"

Lumabi si Sham at umiwas ng tingin. "I want my Dad!"

Awkward na ngumiti si Jenica. "Sorry. Sinusumpong na naman siya dahil sa init."

Natawa si Shimen at napailing. "Sham, I'm also your godfather. You can call me Daddy..."

"No!" maktol ni Sham.

Agad naman itong pinagsabihan ni Jenica na tinawanan lang ni Shimen. Sabay na lumulan ng kotse ang tatlo at tumakbo ang sasakyan palabas ng exclusive subdivision.

"Anong plano mo ngayon?" tanong ni Shimen habang nagda-drive.

Kanina pa nakatulog si Sham sa backseat habang nakaupo siya sa passenger seat. May seatbelt na nagpo-protekta sa bata kaya hindi siya nag-alala.

Bumuntong-hinga si Jenica at tumingin sa labas ng bintana. "Kailangan kong makasiguro na safe para kay Sham na bumalik sa tatay niya. The news about him having a fiancee..." Pumikit siya at hinilot ang sentido. "Too troublesome."

Ilang segundong natahimik si Shimen bago muling nagsalita. "Tumakas ka sa lalaking 'yon five years ago." At marahan itong natawa. "After five long years, babalik ka."

Kumibot ang sulok ng mga labi ni Jenica. "I maybe too impulsive back then, but I don't regret my decision. Kung nanatili ako sa poder niya ay baka hindi ko mailuwal si Sham," bulong niya.

Maraming nangyari five years ago na siyang nagtulak sa kaniya para tumakas. Si Shimen ang tumulong sa kaniya para tuluyang makalipad palabas ng bansa. At kahit na nasa ibang bansa ay hindi sila nawalan ng komunikasyon, dahilan para magpresenta ang lalaking maging ninong ni Sham.

"Sa'n kayo titira ni Sham?" tanong ni Shimen.

"Just drop us in this address." Binigay niya ang address ng bahay na binili ng assistant niya sa ibang bansa.

Hindi nagtagal ay huminto ang kotse sa tapat ng two-storey house. Tumingin si Shimen sa bahay. "Kailan kayo bibisita sa bahay? Excited si Mama na makita ang apo niya."

Marahang natawa si Jenica. "Pakisabi na kapag naka-adjust na si Sham sa klima ng bansa, bibisita kami kay Tita."

"Good. Maghihintay ako."

Hindi na pumasok sa loob si Shimen dahil biglang tumawag ang assistant nito at sinabing may emergency sa kompanya. Tinanaw lang ni Jenica ang papalayong bulto ng sasakyan bago pumasok sa loob ng bahay habang karga-karga ang natutulog na bata.

Matapos niyang ihiga sa kama si Sham ay tinawagan niya ang assistant. "Locate Mr. Alexander Fuego and send someone from Nanny Center and direct the nanny into this house."

"Got it, Agent J."

Hindi nagtagal ay may kumatok sa pinto. Pinagbuksan niya ng pinto ang ginang na nasa mid-40s. Nakangiti ito sa kaniya. "Maam, mula ako sa Nanny Center. Ako ang inatasan ng aming head upang ipadala rito."

"I see. Come in," aniya. "Ito 'yong sched niya sa school na papasukan," aniya sa matanda at inabot ang listahan. "In the next few days ay magiging busy na ako kaya hindi ko na mababantayan si Sham."

Mariing nakinig ang ginang sa habilin niya. Ang assistant niya sa ibang bansa ang inatasan niyang kumuha ng nanny kaya malaki ang tiwala niya sa ginang. 

Pagkatapos niyang ipaalam lahat ng habilin ay umalis na siya ng bahay. Tinungo niya ang address na sinend ng assistant niya.

Isa 'yong night club na puno ng mga naglalampungang mag-jowa sa may tabi. Nagsalubong ang dalawang kilay ni Jenica at tinungo ang second floor kung nasaan ang mga VIP room.

Ayaw na ayaw ni Alex na magpunta sa ganitong lugar pero bakit sa night club niya makikita ang asawa pagkatapos ng limang taon?

She sneered. Totoo nga ang kasabihang people change with the passage of time.

Dim lights ang bumungad sa kaniya pagpasok sa pinakadulong VIP room. Tatlong lalaki ang nakaupo sa mahabang upuan. May maliit na platform sa gitna ng silid kung saan kasalukuyang sumasayaw ang isang babaeng kita lahat ng hinaharap.

Nandilim ang paningin ni Jenica. What the heck is her husband doing inside this room?

"Miss, ikaw lang mag-isa? Baka isa lang sa amin at mahihimatay ka na," ani ng isa sa tatlong lalaki at ngumisi. "Maghanap ka ng kasama. Bilisan mo at naiinip na si Mr. Fuego."

Pumantig ang tainga ni Jenica sa narinig. Mr. Fuego? She gritted her teeth. Good. Very good.

Nilibot niya ang tingin sa tatlong lalaki pero hindi siya pamilyar sa mga itsura nito. Nahagip ng paningin niya ang pagkilos sa dilim. Doon lang niya napagtantong may isa pang lalaking nakaupo sa parteng hindi natatanglawan ng liwanag.

Ramdam niya ang init ng titig ng lalaking iyon sa mukha niya. Marahan siyang napamura at naglakad tungo sa direksyon ng lalaki sa dilim.

"Miss!" tawag ng isa sa tatlong lalaki at mabilis na lumapit sa kaniya. Hinuli nito ang braso niya para pigilan siya sa pag-abante. "Hindi mo ba ako narinig o nagbingi-bingihan ka lang? Sabi kong maghanap ka ng kasama o gusto mong kaming tatlo ang titikim sa 'yo?"

Naamoy ni Jenica ang alak sa hininga nito. Mukhang lasing na ang lalaking pagewang-gewang at hindi mapirmi sa kinatatayuan. She snickered and punched him in gut.

Umungol ang lalaki at lumuhod habang hawak-hawak ang nasaktang sikmura.

"What the h*ll!" sigaw ng kasama nito. "Dude, isang babae lang at tumba ka na? Ang hina mo naman!"

Nagtawanan ang dalawa pa nitong kasama.

Namula ang mukha ng lalaking nakaluhod sa tapat niya. Nanlaki ang mga mata ni Jenica nang biglang tumayo ang lalaki at tinulak siya pahiga sa sofang nasa likuran niya. Kinubawan siya nito.

"Ginagalit mo talaga ako. Hindi ako matatahimik hangga't hindi kita nabibigyan ng leksyon!" anito at sinakmal ang strap ng suot niyang dress.

Hinuli niya ang kamay nito at pinilipit. Napaigik ang lalaki sa sakit. Jenica smirked. Sinipa niya ang bagay sa pagitan ng dalawang hita nito. Nahulog ang lalaki sa sahig at napahiyaw habang hawak-hawak ang bagay sa pagitan ng hita.

"B*tch!" mura ng lalaki.

Tumawa si Jenica at sinipa ito palayo. "Good dogs don't stand in my way," aniya at humakbang patungo sa lalaking nakaupo sa dilim.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status